6.
Combat night
Kleya
"You ready?" nakangiting sambit ni Vivian nang marating namin ang dulo ng hagdan at madatnan ang napakalaking pinto na gawa sa metal.
"I always am," buong pagmamalaki ko at ako na mismo ang tumulak nang dalawang pinto pabukas.
"Whoa." Naiwang nakaawang ang bibig ko nang marating namin ang underground battle arena kung saan isinasagawa ang combat night. May mga bleachers sa apat na sulok ng arena at ang battle ring sa gitna ay kakaiba, kakaiba kasi natatakpan ito ng salamin—para bang nakakahon ang mismong ring. Kung tutuusin, parang hindi talaga ito isang battle ring.
"The fighters are kept on a glass cage, that way magiging one on one battle talaga. It's bulletproof and soundproof para 'wag tayong ma-distract sa mga trashtalk ng audience. There's no referee so don't go overboard on your opponent okay? 'Wag ma-carried away," paliwanag ni Vivian bago pa man ako makapagtanong.
"Hayun sila," sabi ni Vivian at agad na nagtatakbo patungo sa itaas na bahagi ng bleachers kung saan naroroon sina Miller at iba pang wretched. Mukha silang nagpupulong sa pamumuno ni Baldwin, may dalda-dala silang mga banner, pop corn, at packs ng canned root beer. Para silang sasabak sa gyera sa sobrang dumi ng mga mukha nila, yun nga lang neon green ang pinturang nasa mga mukha nila. Kahit si Baldwin ay di pinalampas, pininturahan rin ang ulo niya kaya nagmukha tuloy siyang lollipop.
Lumapit sa amin sina Cara at Ledory dala-dala ang mga ang mga basong puno ng pintura. Kapwa nila kami ginuhitan ng linya sa mga pisngi gamit ang kanilang mga daliri. Ano kami, bonakid?! Batang may laban—ay oo nga naman, may laban naman talaga kami. Combat night nga naman.
Kahit hindi pa nagsisimula, panay na ang palitan ng mga sigawan at kantyawan ng mga wretched at crowd laban sa isa't-isa. Magkatapat lang ang mga bleachers namin kaya rinig na rinig namin ang bawat patutsada nila, siyempre di rin naman kami nagpapatalo.
"Go to hell, losers!" buong lakas na sigaw ni Tasya habang habang hawak ang kanyang mga pompoms, siyempre may suot parin siyang flower crown pero this time ay kulay puti na ito. Feel na feel niya ang pagiging cheerleader lalo pa't may mga kasama siyang alipores na sumasabay sa kanya.
"Hawakan mo rin 'to," giit ni Miller sabay agaw sa pompoms na hawak ng ibang wretched at inabot ito sa akin. "Hinahamon ka ng bespren mo oh? Papatalo ka ba?" natatawang giit ni Miller sabay turo kay Tasya.
"Kayo mag-cheer diyan, 'wag niyo akong idamay!" Giit ko sabay bato sa kanya pabalik ng pompoms.
"May cheer kaya kami! Diba?" pagmamalaki ni Miller sabay siko sa mga kasamahan naming lalake.
"Mukhang gusto yata ni Noodles ng sample!" patutsada ni Baldwin kaya napa-ekis na lamang ako ng braso ko at napangisi sabay taas ng kilay.
Sa isang iglap ay bigla na lamang namatay ang mga ilaw ngunit hindi naman dumilim ang buong paligid dahil umaandar parin ang mga ilaw sa loob at labas ng glass cage. And it turns out, glow in the dark pala ang neon green na pinturang nakapahid sa amin kaya kahit papaano ay nakikita namin ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Psycho next door
Mystery / ThrillerCosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose. The hunt is on for the psycho next door.