33 : Connections

69.1K 3.4K 1.8K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


        "Are you guys okay?" tanong ni Shawn sa dalawa nilang bagong kasamahan na nasagip. Isa-isa niya itong inabutan ng mainit na kape habang nasa balkonahe sila ng motel na pinaglalagian. Higit tatlong oras din ang layo nito mula sa kanilang pinanggalingan kaya kahit papaano'y palagay sila na hindi sila nasundan ng mga kalaban.  Nakaupo ang anim sa pabilog na mesa.

        Umiling ang dalagita, namumugto ang singkit at walang kabuhay-buhay nitong mga mata. "We just saw all of our friends die. We trained for this every day, we--"

        "Teka, kung taga Cosima kayo, ba't di ko pa kayo nakikita dun?" naguguluhang sambit ni Cloud.

        "Cosima?" naguguluhang sambit ng kasama nitong binata. Matangkad at singkit din gaya ng babae. "We're not from Cosima. We're from Alicia."

       "Alicia?" kunot-noong bulalas ni Tasha sabay baba sa hawak niyang tasa.

       "Yeah," tumango ang binata. "A safehouse for survivors. I'm Nikel, and this is my twin sister Nina," wika nito at tinuro ang dalagang kasama.

         "Wait you're twins?" bulalas ni Cloud sabay turo rito. "Ba't di kayo magkamukha?"

          Napatingin silang lahat kay Cloud habang may ngiwi sa kani-kanilang mukha.

         "Ah okay fraternal twins." Si Cloud na mismo ang sumagot sa kanyang tanong at nahihiyang ngumiti.

        "So let me get this straight, may dalawang safehouse na itinayo si Python?" tanong naman ni Wolfgang at sumimsim sa kanyang kape.

         "Maraming safehouse na ipinatayo si Python." Wika ni Shawn. "There's that sanctuary for families, for little kids, for adults... and twins."

        "A safehouse for twins?" tanong muli ni Cloud.

         Tumango si Nina. May bahid ng galit at kalungkutan sa singkit nitong mga mata. "T-two years ago, the children of Milcom killed our parents and and tried to kidnap us but we were rescued by Python's group just in time. We lived on Alicia sanctuary since then along with the other twins who were also rescued."

          "Wait who are these children of Milcom?" naguguluhang sambit ni Tasha, suot parin ang kanyang flowercrown.

          "Those who attacked us... They're called the Children of Milcom."

          Napalingon silang at nakita si Miller na naglalakad papalapit sa kanila. Wala itong kaemo-emosyon habang nagsasalita. "The Children of Milcom are the experiments of Dr. Muerte."

         "And why is he doing this to us? Why are they attacking Cosima?" tanong pa ni Wolfgang halatang nagimbal sa narinig. 

         Napabuntong-hininga si Shawn at napatitig sa kawalan. "Bilang leader ng crowned at wretched, may mga sinabi si Python sa amin ni Baldwin. Kung sino ang mga kalaban, at kung ano ang mga maaring mangyari, ngunit limitadong importmasyon lang. Cosima is a highly secured sanctuary pero alam ni Python na tuso si Dr. Muerte at hinding-hindi siya titigil hangga't sa hindi niya nakukuha ang gusto niya."

Psycho next doorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon