The Puppeteer
Tasha's Point of View
That squammy delinquent, sino ba siya sa akala niya? Sa ganda kong 'to pagbibintangan niya akong killer?! May killer bang laging nakasuot ng flower crown?! See, I'd understand if people think I'm stupid, but a killer?! Okay, maybe I'll become a killer someday... but that will only happen when I find the Taxi woman.
Nahiga ako sa kama ko at tumingala upang pagmasdan ang family picture namin, ang huling litrato kung kailan ko sila kasama. Pakiramdam ko'y maluluha lamang ako habang pinagmamasdan ang mga ngiti nila kaya itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa kisameng kulay puti.
"Devil's breath," bulong ko sa sarili ko. Hindi na maalis sa isipan ko ang narinig mula kay Kleya at Miller. Narinig ko mismo ang pinag-uusapan nila, it sounded as if someone is trying to kill us off by manipulating us into killing each other. Pero sino namang hayop na gumagawa sa amin nito? We've all been through hell, why make us relive it again?
Pero Devil's breath? Napaka-hirap makakuha ng powder nun! The devil's breath was my dad's most prized possession; he'd been looking for a sample ever since I was a kid. He was only able to obtain one last year, but he never got to test or study it because days after he received his beloved Devil's breath sample, it all happened...
"Slowly, Natasha," malambing na paalala sa akin ni Mommy habang dahan-dahan kong ginugupit ang mga nalantang bulaklak sa kanyang halaman. Gaya ng araw-araw kong ginagawa pagkatapos ng eskwela, diretso agad ako sa Greenhouse ni Mommy na nasa bakuran lamang ng tahanan namin. Dito pinapalaki ni Mommy ang mga halaman at bulaklak niya na siyang nagsisilbi niyang supply sa kanyang Flower shop.
"Mom, I know what I'm doing," paalala ko naman.
"You're 17 and impulsive; someday you'll look back at this and realize that you really don't know what you're doing right now," giit pa ni Mommy pero alam kong sa pagkakataong ito'y hindi na ang mga bulaklak ang pinag-uusapan namin.
"Mom, for the love of God! It's just a camping trip with my friends. If you can't trust my friends, please trust me instead." I tried hard not to raise my voice. I tried. But no matter how hard I tried, I still ended up sounding like a disrespectful brat—that I already was.
Biglang tumunog ang doorbell kaya para akong nakahinga nang maluwag. Sa wakas, andito na si Daddy.
BINABASA MO ANG
Psycho next door
Mystery / ThrillerCosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose. The hunt is on for the psycho next door.