20 : Freaks

77.2K 3.9K 2.2K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Chapter theme above!

20

Kleya

Freaks


"Takbo na!!!!"


Aaron's scream sounded like one of those gunshots you hear when a track and field race begins. When I heard his scream, adrenaline rushed over my veins and I knew what I had to do—Run. Run like my life depended on it; run because my life really depended on it.


I didn't just run, I bolted right out of the van without looking back or even saying anything to them.


My life may be a mess but I'm never backing down. I need to live. I want to live. Because living means I still have the chance to prove everyone who hurt me that I'm strong enough to survive in this ever so cruel world.


"Kleya sandali!" Narinig kong may sumigaw sa kanila pero hindi na ako lumingon pa upang alamin kung sino ito. Bahala sila sa buhay nila. May mga paa sila, tumakbo sila para sa mga buhay nila. May sarili akong buhay na dapat protektahan.


Sa sobrang bilis ko sa pagtakbo, hindi ko na halos maramdaman ang pagsayad ng mga paa ko sa lupa at parang nasusuntok ko na ang hangin dahil sa kusang paggalaw ng mga braso ko. Take that, Usain Bolt!


"Kleya, bilisan mo!" Biglang may sumigaw at nagulat na lamang ako nang bigla akong nilampasan nina Wolfgang at Cloud na tumatakbo rin gaya ko. Pero di hamak na mas mabilis sila. Who am I kidding.... Talo talaga ako kung takbuhan ang usapan. Dehado ako.


Biglang umikot at bumalik sina Wolfgang at Cloud sa dinadaanan. Nilagpasan na naman nila ako. Sumisigaw si Cloud na parang takot na takot samantalang si Wolfgang naman ay seryosong-seryoso, yun pala muntikan na nilang makasalubong ang mga kabataang nasa hindi kalayuan at para bang inaabangan kami. Lima ata sila o anim? Hindi ko sigurado dahil malayo-layo sila sa poste ng ilaw at para lang silang mga aninong nakatayo.


Iikot din sana ako at susunod kay Wolfgang at Cloud pero para naman akong tanga nun. Tanggap ko nang dehado talaga ako kung may takbuhang ganito.


My body may not be for running but it's good at one thing—fighting.


Huminto ako sa pagtakbo. Hinihingal man, lumunok na lamang ako at pinunasan ang pawis sa mukha ko sa pamamagitan ng nanlalamig kong mga kamay. Nahagip ng paningin ko ang isang batong kasing laki ng kamao ko at nagkaroon ako ng ideya. Mabilis kong tinanggal ang jacket na nakatali sa bewang ko at pinaloob sa manggas ang bato saka itinali ito nang mahigpit.

Psycho next doorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon