45 : The Missing Piece

64K 3.2K 1.2K
                                    

No time to proofread. Sorry for the typos :(

Chapter Theme :

Broken Ones - Jacquie Lee

Broken Ones - Jacquie Lee

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TASHA


         RUN. SHOOT. GASP. My chest is in a lot of pain from receiving the kicks of the crossbow every time I pull the trigger but I can't bear to stop knowing that if i'll do, the children of Milcom will get to attack me first.

        I was gasping for air but I can't stop because a group of them are still chasing me. I've been passing and entering different corridors but I can't find anyone nor a way out. It's like i'm running in circles and all I have left is a couple of arrows to fend myself.

       Growing desperate, I entered a door and locked myself in and I was surprised to find myself in another corridor so I had no choice but to run again. I'm so tired of running and fighting but I can't help but think about Kleya and Wolfgang. I want to see them again. I really really want to see them again. I don't know why but that's just what my heart longs for.

     Running for my life, I can't help but think... maybe everything that's happening is my karma for leaving Alicia behind. Maybe the universe is punishing me for leaving my sister behind to die at the hands of that maniac that's why my adoptive family was killed, why my friends died, why i'm on the edge of losing everyone I ever cared for. If this is the universe' punishment then i'd be glad to accept it, all I ask is for my friends to be spared from the pain... they don't deserve this, but I do.

        

       "Alison!"

        Umiiyak si Alicia habang isinisigaw ang pangalan ko. Nagpupumiglas siya habang hawak ng lalakeng gustong kumuha sa aming dalawa. Takot na takot ako at wala akong ibang magawa kundi umiyak at sumigaw.

        Gusto kong iligtas si Alicia pero masyado akong takot at mahina kaya naisip ko ang mga tao sa loob ng convenience store na pinanggalingan namin. Matatanda na sila kumpara sa amin kaya tiyak matutulungan nila kami. Takot na takot ako para kay Alicia pero mas nanaig sa puso ang kagustuhan kong makahingi ng tulong. 

        Gusto kong magsalita, gusto kong magpaalam kay Alicia na hihingi ako ng tulong ngunit di ko na nagawa. Sa sobrang takot ko, nagtatakbo ako palayo, ni isang beses hindi ko siya nilingon.

        Humahangos akong dumating sa convenience store. Humingi ako ng tulong sa guardya ngunit sa pagbalik namin, wala na ang van, wala na si Alicia.

         Araw-araw akong umiiyak. Kasalan ko ang lahat, alam ko iyon at araw-araw akong nagsisisi sa pag-iwan kay Alicia. Lagi akong pinapatahan ng madreng naging nanay-nanayan namin ni Alicia, ngunit gabi-gabi ko rin siyang naririnig na umiiyak. Gaya ko, mahal na mahal niya rin si Alicia. Hindi ko alam pero kahit na anong gawin ko, hindi ko maalala ang mukha at pangalan niya.

          

        Napakaraming mga pulis na dumarating sa ampunan, nadagdagan din ang mga guwardya. Sabi ng madre, tumutulong daw sila sa paghahanap kay Alicia kaya kahit papaano ay nagkaroon ako ng pag-asa. Araw-araw akong nakatanaw sa bintana, naghihintay sa pagbabalik ng kakambal ko.

        Ngunit ang pag-asa ko ay tuluyang nawala nang isang araw, sinabi sa akin ng madre na patay na si Alicia. Galit na galit siya sa akin at sinisisi niya ako sa pagkawala ni Alicia. Napakasakit para sa akin ng nangyari kasi nawala si Alicia at nawala narin ang nanay-nanayan ko sa akin, at kasalanan ko itong lahat.

        Ayaw na raw akong makita ng madreng naging nanay-nanayan ko kaya naman ipinaampon niya ako sa ibang pamilya. Minahal ako ng bago kong pamilya, nagkaroon ako ng bagong pangalan, bagong mga magulang, at bagong mga kapatid... pero sa puso ko, si Alicia parin ang kapatid ko at ni minsan ay hindi siya nawala sa isipan ko. Araw-araw ipinapaalala ko sa sarili ko na kasalanan ko kung bakit namatay ang kakambal ko.

       Ngunit mapagbiro ang tadhana, isang araw natagpuan ko ang sarili ko sa isang mesa kasama ang pamilya ko. Nakatali at duguan. Pinatay sila sa mismong harapan ko. Sa totoo lang natuwa ako nang pakiramdam ko'y mamamatay ako, makakasama ko na kasi si Alicia at ang pangalawa kong pamilya na pinatay sa mismong harapan ko.... Ngunit nabuhay ako. Nang magising ako sa ospital na mag-isa nalang sa buhay, naisip ko na baka ito rin ang pakiramdam ni Alicia nang iwan ko siya. Siguro ito na ang simula ng karma ko.

        Pero matapos akong makaligtas, ipinasok ako sa Cosima at dito ay nakilala ko ang mga bago kong pamilya. Pinangako ko sa sarili ko na kahit na anong mangyari, hinding-hindi ko na uulitin sa iba ang ginawa ko kay Alicia kaya sa bawat pagkakataon hinding-hindi ko sila iniiwan.

       Sa totoo lang hindi ko narin talaga maaalala ang pagkabata ko, ang naalala ko lang ay si Alicia at ang mga pinagdaanan namin. Pero nang araw na magtungo kami sa ampunan, at makita ko ang madreng nagpalaki kay Kleya, bigla kong naalala na may madre palang umaruga sa amin ni Alicia ngunit hindi ko maalala ang mukha at pangalan niya.  Ang alam ko lang mahal na mahal ko siya, silang dalawa ni Alicia... ngunit nawala sila sa akin dahil sa sarili ko ring kagagawan.


        Lumiko ako sa isang pasilyo at bigla akong nakapansin ng mga patak ng dugo sa sahig. Sinundan ko ito hanggang sa bigla kong natanaw si Miller na duguan, hinang-hina habang pilit na naglalakad habang nakasandal sa pader.

        "Miller?!" Agad akong nagtatakbo patungo sa kanya at inalalayan siya. "Asan si Kleya?! Asan siya?!" Otomatikong lumuha ang mga mata ko at mas tumindi pa ang takot ko.

        "W-wall.. Glass wall," napasinghap si Miller dahil sa labi na sakit. "We have to find her before he finds her," aniya kaya agad akong tumango-tango at ipinatong ang braso niya sa balikat ko. Miller's losing a lot of blood, his face is really pale and I could tell that he's fighting hard no to pass out.

       "W-who's he?! Anong gagawin niya kay Kleya?" tanong ko pero sa isang iglap bigla kaming nakarinig ng tila ba sumisigaw.

       Bigla akong kinilabutan, pakiramdam ko'y biglang nanikip ang dibdib ko. Malabo ang sigaw pero sigurado ako sa naririnig ko. 

       Nagkatinginan kami ni Miller at otomatiko naming sinundan ito.



***

        

      Habang papalapit kami nang papalapit, palakas nang palakas ang bawat sigaw na nauuwi sa isang napakalakas na palahaw. Kusang pumapatak ang mga luha ko, siguro ko kasi nararamdaman ko ang matinding pagdurusa mula sa boses niya pa lang.

Psycho next doorWhere stories live. Discover now