"It's a hotel! Riverbank is an abandoned hotel!" Sigaw ni Cloud habang nakatitig sa kanyang cellphone dahilan para agad maihinto ni Wolfgang ang sasakyan. Lahat silay napatingin kay Cloud, maliban lamang kay Kleya na higit dalawang oras nang nakatulala buong byahe matapos silang makaalis mula sa orphanage.
"An abandoned hotel? They want us to go to an abandoned hotel?" kunot-noong bulalas ni Tasha at agad na nakisilip sa cellphone nito.
"Wait, it makes sense! Maybe it's another branch of Cosima, no one could tell na isang safe refuge ang isang abandoned hotel!" giit ni Ruela na tila ba muling nabuhayan ng loob.
Lumingon si Tasha sa direksyon ni Kleya at nakaramdam siya ng awa para sa dalaga nang makitang tila ba wala ito sa sarili. "Kleya, what do you think?" tanong ni Tasha ngunit sa pagkakataong ito'y may malambot na itong ekspresyon at pananalita para kay Kleya.
Hindi kumibo si Kleya kaya napabuntong-hininga na lamang si Tasha. Nagkatinginan silang lahat at nagsitanguan, buo ang pasya sa lugar na pupuntahan.
****
"Seems like she really cared for that nun, huh?" Mahinang sambit ni Wolfgang kay Tasha.
"Shut up and focus on the road," Napabuntong-hininga si Tasha at muling sinulyapan ang natutulog na si Kleya sa backseat sa pamamagitan ng rear-view mirror. Katabi ni Kleya ang natutulog ding sina Cloud at Ruela.
"Okay," ngumisi si Wolfgang at ibinalik ang tingin sa daang tinatahak. Gabi na ngunit patuloy parin siya sa pagmamaneho samantalang ang mga kasamahan naman ang nagbabantay kung may sasakyan bang nakasunod sa kanila.
"It's already 11pm, sabihin mo lang kung inaantok ka na. We could always pull over, tutal malapit-lapit na tayo dun sa Riverbank Hotel," suhestyon ni Tasha dahilan mas lalong mapangisi si Wolfgang.
Sumulyap sa kanya ang binata. "That's really sweet of you, Tasha."
"Dude, i'm not worried about you, i'm worried na baka ma-aksidente tayo," giit ni Tasha at sarkastikong nginitian ang binata bagay na agad ikinalaho ng ngisi nito.
"Sabi ko nga," mahinang sambit ng dismayadong si Wolfgang sa kanyang sarili.
Napasandal si Tasha sa kinauupuan at lihim na napangiti dahil sa tinuran ng binata. Ihinilig niya ang ulo sa direksyon ng binata at laking gulat niya nang bigla na lamang luminaw ang isang nakabubulag na liwanag ng isang sasakyan sa kanilang gilid. "Wolfgang!" Agad na napatili si Tasha nang makita ang sasakyang sasalpok na sa kanila.
***
Walang humpay ang busina ng sasakyan, dahil dito ay tuluyang nagising si Wolfgang. Duguan ang binata at hindi halos makagalaw, pilit niyang inalala ang mga nangyari at agad siyang nabuhayan ng ulirat nang mapagtantong nakataob na ang sasakyan at kasalukuyan siyang nakabitin nang baliktad dahil sa suot na seatbelt.
BINABASA MO ANG
Psycho next door
Mystery / ThrillerCosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose. The hunt is on for the psycho next door.