26 : Criminals

67.1K 3.5K 742
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


       "Gumana ka please, utang na loob gumana ka," paulit-ulit na sambit ng tensyonadong si Ruella habang nakaupo sa driver's seat. Nasa tabi niya ako samantalang nasa likod naman si Cloud. Hindi lang si Ruella ang tensyonado kundi kaming lahat.

       Mula sa loob ng sasakyan, pinapanood namin sina Tasha at Wolfgang na nasa tapat ng isang ATM machine. Sinusubukan nilang kumuha ng pera mula sa card ni Tasha. Nakatalikod silang dalawa mula sa amin at nakadungo ang mga ulo nila upang huwag silang mahagip ng CCTV.

       Makaraan ang ilang sandali, nagsimulang maglakad sina Tasha at Wolfgang pabalik sa sasakyan. Nakadungo parin silang dalawa kaya wala sa amin ang nakapagsalita o kumilos man lang. We're out of money and without money, how will we survive? The cruel truth.

       Pumasok sina Tasha at Wolfgang sa backseat kasama si Cloud. Nakatingin kami sa kanilang dalawa nang bigla na lamang inilabas ni Tasha ang ilang piraso ng perang papel mula sa kanyang bulsa.

     "12 thousand," anunsyo ni Tasha habang may ngiti sa kanyang mukha.

     Sabay-sabay kaming napahinga nang maluwag; napaangat pa si Cloud ng dalawang kamay sa ere dahil sa tuwa. 

     "12 thousand may seem big but it's not going to be enough for us. Food, shelter, gas, clothes," sabi ko sabay turo sa mga damit naming may bahid pa ng dugo.

     "She's right," napabuntong-hininga si Tasha. "Hindi pa natin alam kung saan tayo pupunta. We don't even know where we are!" dagdag pa nito na mukhang nawawalan na ng pag-asa.

     "Go to the Riverbank, find python but don't let python find you," pag-uulit ko sa huling sinabi ni Lauren bago kami magkahiwalay.

     "See! We don't know where that Riverbank could be!" Bulalas ni Tasha. Sa totoo lang gusto ko siyang sapakin para tumahimik kaso masyado pa akong problemado at pagod.

     "Have you tried calling your mom again?" tanong ni Cloud sa akin.

     "For the last time! I don't have a mom! But i'm trying to contact the only mother-ly person I have," bulalas ko saka napasandal na lamang ng siko ko sa bintana ng sasakyan.

      "I think I know where we are... And I think I know where we can get more money," Biglang sambit ni Wolfgang kaya naman napalingon kaming lahat sa kanya.

      "W-wait, we won't be robbing a bank or anything right?" tanong ni Ruella.

      "Malapit na tayo sa Quilton Ridge, sigurado ako," bulalas ni Wolfgang bagay na ikinagulat ko.

      "Quilton Ridge?!" bulalas ko, pati narin ni Tasha.

      "Wait don't tell me you guys are from Quilton Ridge?" mahinang sambit ni Ruella sabay turo sa amin ni Tasha.

Psycho next doorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon