46 : The only thing that matters

59.4K 3.1K 1K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


KLEYA


         "Only one of you will be able to come out alive from the glass cage."

         Napatingin kami ni Tasha sa isa't-isa. Umiling-siya habang lumuluha.

         "This is my only rule and if you break it.. well just look behind you."

         Otomatiko akong napalingon at otomatiko akong napasigaw nang makita kong nakadapa na si Miller sa sahig, hinang-hina habang kasama si Aaron. May hawak si Aaron na baril at nakatutok ito kay MIller.

         "No! Aaron, no!" Pagmamakaawa ko habang nakatingin sa mga mata niya. At sa pagkakataong iyon ay may naalala akong isang bata na kapangalan niya.



          "Alicia, tahan na. Diba sabi mo darating si Alison para iligtas ka?" Wika ni Aaron habang hinihimas ang likod ko. Magdamag, wala akong ibang ginawa kundi umiyak matapos akong bugbugin ng babaeng iyon.

          "H-hindi siya darating. Pinabayaan na niya ako." Umiiyak kong sambit habang nakaupo sa sahig at nakatingin sa kawalan.

         Biglang bumukas ang pinto at nakita ko ulit ang babae. Mabilis na humarang si Aaron sa aking harapan na para bang itinatago ako sa kanyang likuran upang protektahan ako. Kusa akong napahawak sa likuran ng damit niya dahil sa labis na takot. 

        "Matapang na bata to ah?" natatawang bulalas ng babae kaya humigpit lalo ang hawak ng maliit kong kamay sa kanyang damit.

        Ginawa ni Aaron ang lahat para protektahan ako nang mga sandaling iyon ngunit kinuha nila kami at pinaghawalay. Hindi ko alam kung saan nila dinala si Aaron samantalang ako'y dinala nila sa isang silid at dito ay nagkakilala kami... isang maliit na lalakeng tinatawag nilang Dr. Muerte.

        Nagpakilala siya sa akin bilang ama ko. Marahan ang kanyang pagsasalita, nakangiti rin siya lagi. Takot na takot ako sa kanya kahit wala siyang pinapakitang nakakatakot na kilos. Siguro nga kahit wala siyang ginagawa, ramdam ko parin ang kasamaan niya.

       "Si Aaron! Nasaan siya?" umiyak ako nang umiyak bilang tugon.

       "Iyan ba yung batang nagtangkang pumrotekta sa iyo kanina?" tanong niya.

        Tumango ako. "Nasaan po siya?" iyak kong muli dahil alam kong kinuha din siya ni Ninang ngunit magkaibang lugar kami ng pinagdalhan.

        "Habang wala pa ang kakambal mo, hindi pa natin malalaman kung ano ang magiging papel mo sa mundong ito. Ngunit nais kong isipin na ikaw na nga ang matagal na nais kong magpatuloy sa mga adhikain ko kaya ngayon, habang nandito ka, sisimulan ko nang ituro sa iyo ang lahat ng mga nalalaman ko. Ikaw ang magiging prinsesa ko, ibibigay ko lahat ng gusto mo at gagawin mo ang lahat ng gusto ko. Wala nang silbi sa akin ang batang iyon kaya ipinapatay ko na siya--"

Psycho next doorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon