13 : The Anchor

84.6K 4K 2K
                                    


13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

13

The Anchor

Kleya


"What the hell were you thinking?! Do you have any idea what you've done?! " Umalingawngaw sa apat na sulok ng silid ang napakalakas at malalim na boses ni Python kasabay ng pagbato niya ng kanyang baso sa dingding. Punong-puno siya ng galit, bagay na ngayon ko lang nasaksihan.


"We found your Vulture and tried to squeeze information from her! It's not our fault Ledory got triggered and went full-blown Killer on Vivian! And dude, it's not our fault you had a psycho next door! Next time, evaluate your survivors more!" sigaw ko pabalik para naman 'wag masyadong mapunta sa amin ang sisi. I hate losing arguments even if I'm in the wrong.


Naramdaman ko ang paghawak ni Miller sa braso ko na para bang pinapatahimik ako. Siyempre, winakli ko agad ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. Si Sister Marge lang ang may kakayahang magpatahimik sa akin!


"We found your vulture, now let us leave!" bulalas ko. Its part of our deal, if we find the vulture, then he will let us leave Cosima. Lumingon ako kay Miller at tila ba nagbago ang kanyang timpla't mukhang kumampi na uli siya sa akin.


"Where's the rest of the devil's breath?!" Bulalas ni python kaya napasinghal ako at ngumisi.


"I flushed it down the toilet! That powder was dangerous so I'd rather flush it than let it fall into anyone's hands!" giit ko.


Naupo si Python sa kanyang upuan na tila ba pagod at hinang-hina dahil sa labis na panlulumo. Gusto kong isipin na nanlulumo siya dahil sa nangyari kay Ledory pero malakas ang kutob kong nalulumo lang siya kasi napahiya ang ego niya. His shelter for survivors got infiltrated by a psycho!


"Bakit naging ganun ang reaksyon ni Ledory?" tanong ni Miller kaya napalingon ako ulit sa kanya. "Bakit ganun nalang ang nangyari kay Ledory nang binanggit ni Vivian ang isang Dr. Muerte?" dagdag pa ni Miller.


Ibinalik ko ang tingin kay Python at nagtaka ako nang mapansing nakatulala na siya at para bang naging balisa bigla. Kinuha niya ang bote ng wine na nasa kanyang tabi at lumaklak mula rito ngunit sa isang iglap ay nabitawan niya ito na para bang nanginginig ang kanyang mga kamay.


"Miller, Kleya, bumalik na muna kayo sa mga silid ninyo," biglang lumapit sa amin si Lauren. Kanina pa siya tahimik sa pintuan pero sa isang iglap ay para siyang na alarma. Sapilitan niya kaming pinalabas kaya wala kaming nagawa kundi sumunod. Ano bang meron sa Dr. Muerte na 'yan at nagkakaganito sila?

Psycho next doorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon