40 : Daddy's little Psycho

63.7K 3.3K 1.8K
                                    

No time to proofread so super sorry sa typos :(

Chapter theme:

The devil you know - x ambassadors

The devil you know - x ambassadors

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



         Nakatulala at tila ba wala sa sarili si Tasha habang patuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha. Mula sa gilid ng kanyang mga mata, hagip dito ang duguang katawan ng ngayo'y walang buhay nang si Cloud. Wakwak ang leeg habang nasa bakal na upuan.

        Maya-maya pa ay may naramdaman si Tasha na basa sa kanyang paang walang sapin. Nagbaba si Tasha ng tingin at malakas siyang napahagulgol nang mapagtantong dugo ni Cloud ang nakarating sa kanyang paa. Kumakalat ang dugo nito sa sahig.

       "Tasha..." Nanlulumong sambit ni Wolfgang na walang ibang magawa kundi pagmasdana ang dalaga. 

       Habang naririnig ang bawat palahaw ni Tasha, napapikit na lamang si Shawn ng mariin at tahimik na umiyak. Nasa tabi lang ng binata ang bangkay ni Cloud.


***

     SHAWN'S POV


       Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. 

       Ako ang dapat na pumprotekta sa kanila, responsibilidad ko silang lahat, pero ako rin ang siyang nagtulak kay Cloud sa kanyang kamatayan. Akala ko kaya ko silang protektahan. Akala ko maililigtas ko sila.

       Idinilat ko ang mga mata ko at napatingin ako kay Tasha at Wolfgang. Kung hinayaan ko lang si Wolfgang na mailayo si Tasha, siguro wala sila sa ganitong sitwasyon ngayon. Kung nakinig lang ako kay Wolfgang at Kleya, hindi na sana---Si Kleya!

      Mabilis kong nilibot ang paningin ko, inisa-isa ko ang mga kasamahan ko at nahigit ko ang hininga nang makitang wala siya rito. "S-si Kleya..." napasinghap ako.

      "Sa tingin mo ba nakuha na siya ni Dr. Muerte?" Narinig kong nagsalita si Miller na nasa tabi ko. Pabulong ang pananalita  niya, iniiwasang marinig kami ni Paula. Kita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala kay Kleya. Sa simula pa lang, alam ko na ang tungkol sa kanila.

      Umiling ako. Malakas ang kutob kong hindi. Nang huli kaming nagkita ni Kleya, napansin ko ang isang packbag sa kama niya, parang naghahanda na siyang tumakas. At dahil pumalpak ako at may nasabi akong hindi dapat, tiyak naging malakas iyong dahilan na tumakas siya agad. Sana nga nakatakas na siya. Sana nga nakalayo na siya sa lugar na ito dahil kung si Dr. Muerte ang nasa likod ng mga nangyayari, hindi na sila dapat magtagpo pa. 

        Ilang buwan na ang nakakaraan, pumayag ako sa inutos ni Python sa akin at iyon ay ang takutin si Kleya. Wala akong balak na saktan siya o ang sinuman, ang gusto lang namin ay bigyan siya ng rason na sumama sa Cosima dahil alam naming ano mang araw ang ay matutunton na ni Dr. Muerte ang kinaroroonan niya.

Psycho next doorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon