This story will absolutely contain violent scenes, behavior and language which may not be suitable for very young readers. Furthermore, this story does not promote violence or profanities, all actions and scenes are depicted for the purpose of embodying the plot and characterization.
2
The two sides of the shield
Kleya
"Look, I don't want to be here," giit ko.
"But you're already here. The least you could do is talk to Python," giit niya. Wait, Python? What the heck is that name?
"I don't want to talk to Python or any kind of snake, I just want to leave," pagmamatigas ko pero nanatili lamang akong kalmado. I'm really not into arguing or raising voices, I'm more into kicking ass and punching faces.
"Sister Margie wants you to be here. Just do it for her," aniya na para bang pinapakonsensya ako kaya natameme na lamang ako. She found my kryptonite.
Pagpasok pa lang namin sa mansyon ay agad na sumalubong sa amin ang isang napakalaki at grandyosong hagdan. Every inch of the place seemed to be made from wood which made it look very elegant and classy—vintage actually.
May mga cctv sa kisame at napaka-lawak ng buong lobby. Ni wala ngang sofa o mesa, ang nakikita ko lang ay mga lumang painting sa dingding at isang napakalaking guhit sa sahig na para bang isang shield na mayroong koronang kakaiba... kakaiba siya kasi parang mga kutsilyo ang nakatayo at nakapalibot sa korona. It looks so sharp and cool.
"That's Cosima's Coat of Arms—a crown made of daggers," she said proudly once she noticed I was staring at the floor.
"Ravishing," I whispered to myself.
She began to walk up the stairs so I had no choice but to follow. I don't want to be in this place but I don't have a choice yet.
"Forgot to introduce myself; My name is Lauren and I'm in charge of this safehouse. This mansion is just one of the few branches of Cosima. I'm not allowed to give you more information, but you should know that this particular branch of cosima is only for teenagers. You can consider this as a boarding school but better—"Panay sa pagsasalita ang babae habang naglalakad kami papasok sa mansyon. Kung makapaglakad siya, madam na madam, balingkinitan ang katawan at prim and proper talaga ang galawan.
Imbes na pakinggan siya, sumusunod lamang ako sa kanya habang pinapasadahan ng tingin ang bawat madaanan namin. Wala kaming nakakasalubong na mga tao. Kapansin-pansin ang katahimikan sa paligid. Marami kaming nadadaanang mga silid pero nakasara ang mga pinto nito at wala akong napapansing ingay mula sa loob. Yung totoo, safe house ba 'to ng mga survivor o serial killer? I swear, if this turns out to be a trap, mumulthin ko si sister Margie.
"Stay here, I'll talk to Python first," lauren said with authority and that's when I figured my way out. Before she could go, I immediately grabbed her hand and hugged her tight.
"I still want to punch you in the face but thanks for taking me here," I said with a cold tone, still hugging her, I slowly slipped my hands into the pocket of her skirt.
"Y-you're welcome?" confused, Lauren said. I hope my sudden affection freaked her out because that would be nice.
Nagtungo agad si lauren sa pintong nasa tapat namin, binuksan niya ito at nakita ko ang isa na namang hagdan paakyat. Andami namang hagdan dito, pang-apat na yata 'to. Kataka-taka rin kasi wala na akong nakitang cctv sa dingding mula nang makaakyat kami, diba dapat may cctv din dito para mas safe?
Nang maisara ni lauren ang pinto ay agad kong pinagmasdan ang susi ng limousine na kinuha ko mula sa kanya. I'm not really into grand theft auto but since that woman took me here without my personal consent, I guess I'll just take her car without consent too—what goes around comes around. It's a good thing my delinquent friends already taught me how to drive. Gotta thank those fools when I get home.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, dali-dali akong nagtatakbo. Pilit kong inaalala kung saan kami dumaan pero sa sobrang lawak ng mansyon ay para na akong nagpapaikot-ikot sa dinadaanan. Everywhere I go, it all looks the same at wala akong mahanap na palatandaan. The entire mansion is like an actual maze!
Ilang minuto rin akong patakbo-takbo na parang timang hanggang sa tuluyan kong makita ang isang malaking hagdan. Dali-dali akong bumaba rito at nakahinga ako nang maluwag nang matanaw ang coat of arms ng cosima na nakaguhit sa sahig—ito na yata ang lobby na kaninang dinaanan namin! makakalabas na ako!
Nang tuluyan akong makababa, natanaw ko agad ang pinto kaya naman nagtatakbo na ako patungo sa direksyon nito. Ngunit laking gulat ko dahil imbes na hardin at limousine, isang malawak na indoor gym ang sumambulat sa akin. Nakakainis! Ang sarap manapak!
"Ano ba! Galingan niyo naman!"
"Sorry naman! Mahirap tamaan kung galaw sila nang galaw!"
"Dodgeball to! Siyempre iilag sila sa ibabato mo, tanga!"
Sa wakas may nakita narin akong mga tao, mukhang nagsasabi nga ng totoo si Lauren dahil parang magkaka-edad lang kami ng mga ito. Ang gugulo nila habang naglalaro ng dodgeball, hindi sila bababa sa sampu—lahat sila'y nakasuot ng kulay puting t-shirt na may logo ng korona, parang karaniwang korona lang ito na hindi gawa sa kutsilyo; ang mga babae ay nakasuot ng maiiksing shorts samantalang ang mga lalake naman ay nakasuot ng brown cargo pants na may burda ng logo ng cosima, yung may daggers na.
May isang lalake sa bleachers, lalapitan ko sana siya para magtanong pero laking gulat ko nang bigla na lamang may tumamang bola sa ulo ko. Parang yumanig ang buong pagkatao ko at namalayan ko na lamang na bagsak na ako sa sahig, hilong-hilo at masakit ang ulo.
"Headshot! Boo-fucking-yaaa!"
"Nice throw! See that's what I'm talking about!"
"Gago talaga kayo!"
"Aaron ba't mo naman siya binato?!"
Naririnig ko silang nagtatawanan at nagkakantyawan, may dalawa namang lumapit sa akin at inalalayan akong makatayo; isang lalake at isang babae. Tinanong nila kung okay lang ako pero hindi na ako sumagot pa. Winakli ko ang mga kamay nilang nakahawak sa akin at kahit hilo pa ay taas-noo akong naglakad patungo sa direksyon kung saan nanggaling ang bolang tumama sa akin. may natanaw akong mga lalakeng nagtatawanan at sa tingin ko'y galing sa kanila ang bila—pinakamalakas ang tawa ng lalakeng may piercing sa kanyang labi.