46 : The only thing that matters

Start from the beginning
                                    

       "'Wag niyo po siyang sasaktan! 'Wag na po kayong manakit ng iba pa!" Pagmamakaawa ko.

        Dinala niya ako sa isang silid at kitang-kita ko si Aaron na nakaluhod sa sahig habang umiiyak. Nakatayo sa kanyang likuran ang lalakeng tinatawag nilang Ninong. May hawak siyang baril at nakatutok ito sa likod ni Aaron.

        "'Wag!" Iyak ko at agad na nagtatakbo upang yakapin si Aaron nang mahigpit.

         "Gusto nang anak kong mabuhay ang batang yan kaya 'wag niyo na siyang patayin. Nakita ko rin ang ipinamalas niyang katapangan. Train him to be a good ally. He'll be a good addition to us. Who knows, he might even become my heiress' guardian." Narinig kong wika ng Papa ko kaya sa araw na iyon hinayaan nilang mabuhay si Aaron.


          Dumaan ang mga buwan. Totoo ang sinabi ng Papa ko, napakarami niyang itinuro at ipinaliwanag sa akin. Walong taong gulang pa lamang ako nun kaya sobra akong natakot sa bawat impormasyong nalaman ko lalo na nang makita kong pinalitan mismo ni Papa ang mga ngipin ni Ledory. Siya mismo ang nagtanggal ng lahat ng mga ngipin ni Ledory, rinig na rinig ko ang bawat pagmamakaawa ni Ledory, kitang-kita ko ang lahat ng pagpupumiglas niya habang nakatali sa dental chair. Pilit akong nakikiusap kay Papa ngunit hindi niya ako pinapakinggan. Nang sinubukan ko siyang pigilan ng pwersahan, hinigit ako ni Ninang at binugbog niya ulit ako. Walang ibang ginagawa ang papa ko sa mga pambubugbog ni Ninang. Sa katunayan, sinasabi niyang ginagawa lamang ito ni Ninang upang huwag akong mga sutil. Kaya nang araw na inoperahan si Ledory upang ikabit sa kanyang bibig ang mga matatalas na metal, wala na akong nagawa pa kundi umiyak.

          Totoo nga, naging prinsesa ang turing sa akin sa impyernong iyon. Hindi ako sinaktan o hinawakan man lang ni Papa. Malambing at marahan siya lagi kung magsalita sa akin. Tinuturuan niya ako ng kung ano-ano at sa tuwing iiyak ako o  pipigilan siya, andun lagi si Ninang para parusahan ako at ikulong sa kung saan para magtanda. 

          Lahat ng mga batang kasama namin sa lugar na iyon ay pinalitan ang mga ngipin maliban lamang sa amin ni Aaron. Ginawa si Aaron na utusan nina Ninang at Ninong. Laging si Aaron ang inuutusan nilang magbantay sa akin sa tuwing ikinukulong nila ako matapos akong maparusahan. Walang ginagawa si Aaron para maitakas ako kasi gaya ko, natatakot din siya. Ngunit ang ginagawa ni Aaron, hindi niya ako iniiwan at lagi niyang pinaparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Kapwa kami takot at walang kalaban-laban nang mga panahong iyon. 

        Bigla kong naalala ang nangyari ilang buwan na ang nakakaaraan... nang araw na iniligtas ako ni Aaron at sinalo niya ang palasong dapat para sa akin. Walang pag-aalinlangan niya iyong ginawa... 

         "You're the only one that matters" That was what he said when I asked him why he saved me.




       "I... I remember you now.." Sambit ko habang nakatingin sa direksyon ni Aaron at hindi ko napigilan ang mas lalong maiyak. Nakita ko ang pag-guhit ng isang maliit na ngiti sa mukha niya ngunit sa kabila nito ay punong-puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata.

        "There's a knife under the chair. Take it and make me proud."

        Muli akong napatingin kay Tasha at nakita ko ang bigla niyang pagbitaw sa kamay ko. Umatras siya kasabay ng tuloy-tuloy na pagpatak ng kanyang mga luha. 

       "Tasha..." Napasinghap ako at naiwang nakaawang ang labi ko.

        Sinubukan kong lumapit sa kanya ngunit umatras lamang siya.

Psycho next doorWhere stories live. Discover now