"bakit mo binura Ada?" tanong ni sir at tumungin ako sa kanya.

"mali po kasi yung nasagot ko" palusot ko at inumpisahan ng sagutin yung 3

"ahh, ikaw Candy tapos ka na ba?" tanong ni sir.

"o-opo" nautal nyang sabi. teka kinakabahan ba sya?? . lumayo na si Candy sa blackboard para makita ng mga classmates namin at ni sir yung sagot nya.

"very good Candy pwede ka ng umupo" sabi ni sir. Salamat naman tama yung sagot ko sa number 2, kundi lalo syang mapapahiya.

"thank you po" sabi niya. natapos ko na agad sagutin tong number 3 kaya agad akong lumayo sa blackboard para makita nila yung sagot ko.

"very good Ada" sabi ni sir, at pumunta na ko sa upuan ko at umupo.

"bait ng dada ko" sabi niya na kinataka ko at pina-pat nya rin ang ulo ko. Omg alam nya?⊙︿⊙

"a-alam mo?" nautal kong tanong

"syempre, I'm your bestfriend kaya kilalang kilala kita" sabi niya

"please wag kang maingay huh" sabi ko habang nakapout at nag nod sya with a smile.

ilang oras pa ang lumipas ay tumunog na ang bell *kringkring* ibig sabihin uwian na.

"good bye class" sabi ni sir

"good bye sir" sabi namin at umalis na si sir. inayos ko muna yung mga gamit ko bago umuwi dahil sinisigurado kong wala akong maiiwan.

"Ada" narinig kong tawag ni Candy at lumapit sakin

"yes?" tanong ko, at nagulat na lang ako nung bigla nya kong niyakap.

"thank you " sabi nya

"welcome" sabi ko at bumitaw na sya.

"salamat talaga kanina, kaya dahil jan ililibre kita" sabi niya

"wag na" sabi ko

"mall tayo ngayon ililibre kita, kasama natin sila Xian and Miggy" sabi niya.

"ehem" narinig naming ehem ni Sassy kaya napatingin kami sa kanya.

"of course kasama ka" nakangiting sabi ni Candy. Lumapit naman samin sila Xian at si Miggy at silang apat ay nakatingin na sakin at inaantay ang sagot ko kung sasama ba ko.

"sige" sabi ko

"yehey" tuwang tuwa na sabi ni Candy.

"tara na" aya ni Miggy

umalis na kaming lima sa classroom at pumunta kami sa school parking lot kung saan nakapark yung motor ni Xian, motor ni Miggy at motor ni Candy. teka marunong si Candy mag motor???

"Ada angkas ka sa motor ko ah" sabi ni Candy

"huh? ah eh marunong ka ba?" nag aalangan kong tanong ayoko pa kayang mamatay╥﹏╥

"don't worry saming tatlo sya ang pinakamagaling mag drive" sabi ni Miggy

"please" nakapout na sabi ni Candy

"sige" sabi ko, binigay nya na sakin yung isang helmet at sinuot ko naman. at bago kami umalis ay isinuot nya ang isang white jacket with hood, at imbis mag suot sya ng salamin ay tinali nya ang buhok nya at inilabas nya ang bangs nya na kulang na lang ay matakpan na ang mata nya, teka may bangs pala sya.

"Sassy sakin ka na lang umangkas" sabi ni Miggy

"okay" sabi ni Sassy, lumapit sa kanya si Miggy at isusuot sana kay Sassy yung helmet kaso biglang kinuha ni Sassy at sya mismo ang nagsuot sa sarili nya.

MY FIRST LOVE.Where stories live. Discover now