Epilogue

2.3K 58 9
                                    

Damon POV

Noong bata pa lamang ako, marami na akong nalampasang pagsubok. Marami na akong natutunan na hindi natututunan ng ibang batang tulad ko. Hindi tulad ng iba ang aking pamilya ay hindi masaya. Laging away, gulo ang aking nakikita. Halos sa buong araw ay sigawan ang aking naririnig. Ang aking ina ang pinakamahalaga sa aking buhay. Ginagawa nya ang lahat upang mapasaya lang ang mga taong nasa paligod nya. Hanngang sa dumating ang aking Tito. Si Alucard. Siya ang kapatid ng aking ama kabaligtaran ng ugali ng aking ama ang ugali ng kanyang kapatid. Gusto nito ay laging nasa kanya ang atensyon. Gusto nito na kung anong meron ang aking ama ay dapat mayroon din sya. Nabulag sya ng inggit. Nabulag sya ng galit.

Isang araw nagdesisyon ang aking lolo na ipamana ang eskwelahan sa aking ama at ito ay pinangalan sa kanya. Crimson University. Halos pagtakpan ng langit at lupa si Alucard sapagkat hindi nya matanggap na ginawa iyon ng kanyang sariling ama sa kanya. Walang pamana siyang natanggap sapagkat sapat na ang kanuang pagiging sakim sa lahat ng mga bagay na nakuha nya. Pinatay ni Alucard ang aking ama. Lahat ay nagulat sapagkat hindi inaakala ninuman na si Alucard ay pinatay ang sarili nyang kapatid dahil sa inggit, dahil sa galit. Pinadala sya ng aming pamilya sa isang malayong lugar sapagkat umaasa ang bawat isa sa amin na pag sisihan nya ang lahat ng kanyang ginawa ngunit hindi. Lahat kami ay nagkamali.

Nawala ang aking ama at ako ang sumunod na nagpatakbo ng eskwelahan. Alam ko na ito ang mangyayari. Gumawa ako ng tatlong antas sa paaralan upang maging maayos ang palakad dito ngunit bigo pa rin ako. Maraming problema ang dumating na halos ako lamang ang gumawa ng paraan hanggang ang mundo ko ay tila naging empyerno ng dumating sya. Bumalik ulit sya. Nagbabala sya na kung hindi ko isusuko ang paaralang ito ay maraming buhay ang mawawala ngunit hindi ako nagpasindak sa takot dahil ito na lamang ang tinira ng aking ama sa akin.

Iba't ibang problema ang dumating at gaya ng sabi nya maraming buhay ang nadamay hanggang sa nakilala ko sya. Nakilala ko ang babae na nag painit na ulo ko. Ang babae na laging sinusuway ang bawat utos ng eskwelahan. Tila wala syang kinakatakutan dahil pati ako ay kanyang kinalaban. Marami akong nabuong memorya kasama ang babaeng yun ngunit hindi ko sya ginawang parte ng buhay ko. Mahirap ng magtiwala at ayoko ng masaktan dahil pagod na ako. Ilang araw ang lumipas bawat kilos at pupuntahan nya ay alam ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero ang alam ko lang masaya ako kapag nakikita ko sya. Ngunit bumibigat ang dibdib ko kapag nakikita ko syang kasama ang Beta. Lagi syang masaya kapag kasama ang Beta. Halos isumpa ko na ang Beta dahil ano ba ang meron sa kanya na wala sa akin? At duon ko lang napagtanto gusto ko na siya. Sa bawat tawa nya, ang mga mata nya, ang mga kilos nya, ang pagiging matapang nya ang nagustuhan ko sa kanya.

Nalaman ko na pagseselos ko ay wala rin palang saysay. Nalaman ko na kapatid nya pala ang Beta. Sa aming lahi bawal magsama ang isang Bampira at taong lobo. Ngunit sa panahon ngayon lahat ay kaya kong suwayin para sa mahal ko. Iniwasan ko sya. Sapagkat inisip ko na baka mali lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Subalit, sa bawat paglayong ginagawa ko hindi ko alam na nasasaktan pala sya. Sa bawat paglayo ko hindi ko mapigilan ang sarili ko na hanap hanapin sya. Ngayon, kami ay nagtatapos sa paaralan na aming sinimulan. Sa paaralan kung saan kami unang nagkita. Sa paaralan kung saan lahat ng problema ay aming hinarap.

Ngunit ngayong araw na ito.

(Now playing: Tenerife Sea)

Pinagmasdan ko ang kabuoan ng simbahan. Pinalilibutan ito ng palamuti at nag gagandahang mga bulaklak. Pinagmasdan ko ang mga estudyante na lahat ay narito sa araw ng kasal namin. Habang naghihintay sa gilid ay hindi ko alam ngunit kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari. Tinapik ako ni Drake at sinundan ko ang pagturo ng kamay nya.

Dahan dahang bumukas ang pinto at duon ko nakita ang babaeng una at huli kong mamahalin. Bagay na bagay ang suot nya na mas lalong nag papaganda sa kanya. Hindi ko mapigilang maiyak dahil ngayong araw na ito ay magiging akin na sya. Nasa nagkabila nya ay ang kanyang ama at ina. Hindi ko mapigilang mapangiti ng iabot ng kanyang ama ang kanyang kamay sa akin. Yumakap ako sa kanyang ina at nakipag kamay sa kanyang ama.

"Huwag mo syang sasaktan kung hindi."

Napatawa naman ako sa sinabi ng ama ni Ashira. Nang tuluyan ko ng kaharap si Ashira nakita ko ang pag iyak nya kaya naman nataranta ako.

"Hey, anong problema?"

Umiling ito sa akin at mahina akong hinampas sa braso.

"I'm just happy."

Hinalikan ko sya sa noo at nag simula ng magsalita ang pari. Hanggang sa kailangan na naming magpalitan ng vows.

"Una kong kita sa iyo hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano. Masyado kang mayabang na parang walang pake sa nararamdaman ng bawat isa. Lagi kang galit at lagi kang naka sigaw ngunit masaya ako na nakita ko ang Damon na iba na hindi nakikita ng lahat. Malambot ang iyong puso, masiyahin, maalagain, masarap magmahal kaya hindi ako nagsisisi na nakilala kita at minahal kita. Damon, tanggapin mo ang singsing na ito na nag lalarawan ng aking pagmamahal sa iyo. Sasamahan kita sa hirap o ginahawa. Sa saya o dusa. Mamahalin kita ng lubusan ngayon at magpakailanman."

This time ako naman.

"Ashira hindi ikaw yung tipong gusto ko. Hindi ikaw yung tipong pinapangarap ng mga lalaki. Ikaw ang babae na mas siga pa sa lalaki. Ang babae na matigas ang ulo na halos lahat na ata ng batas ay sinuway mo. Hindi ko nakita ang sarili ko kasama ka. Hindi ko hiniling na makilala kita. Ngunit sayo ko nakita ang hindi ko nakita sa iba. Ikaw yung tipong babae na handang isakripisyo ang sariling kasiyahan para sa ikasasaya ng lahat. Ikaw yung tipong babae na kahit nasasaktan na lumalaban pa rin. Ikaw yung tipong babae na walang arte na kapag kumain hindi iniisip kung papangit ba yung katawan o ano. Ikaw kase yung tipong babae na mahirap abutin pero worth it pag pinaghirapan. Ikaw ang una at huli kong babaeng mamahalin. Ashira tanggapin mo ang singsing na ito na naglalarawan ng pagmamahal ko sa iyo. Sasamahan kita sa hirap o ginahawa. Sa saya o dusa. Mamahalin kita ng lubusan ngayon at magpakailanman."

Lahat ng tao na narito sa simbahan ang saksi sa aming pagmamahalan. Maraming buhay man ang nawala ngunit lahat ng iyon ay nabigyan ng hustisya.

"You may now kiss the bride."

Dahan dahan kong inangat ang belo sa ulo ni Ashira at dinampian sya ng isang mainit at matagal na halik. Nagpalakpakan ang mga tao at kitang kita ang saya sa kanilang mga mata.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi basta basta nakikita. Hindi basta basta dumarating sapagkat iyon ay ibibigay sa iyo sa tamang panahon. Sa tamang panahon kung kailan ayos na ang lahat kung kailan pwede ng ipaglaban ang nararapat. Sa laban namin nahirapan man kami ngunit kinaya namin. May mga buhay na nasayang ngunit lahat ay nabigyan ng hustisya.

"I love you Mrs. Ashira Astrid Evans Collins, now you're finally mine."

The end ***

Start: December 3, 2017
End: April 20, 2018

Crimson University (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن