Part 28

1.4K 57 9
                                    

Someone's POV

Napatayo si Ericka ng marinig nya ang sinabi ni Ashira. Hindi sya pwedeng magka mali sa kanyang narinig. Gusto man ng sarili nya na hindi maniwala ngunit iyon ang totoo.

"Hindi maaari! Alpha. Alpha alam nyo kung anong ibig kong sabihin. Alam nyo kung anong natakbo sa isip namin ngayon! Gumawa kayo ng paraan Alpha! Iligtas nyo ang kaibigan namin."

Hindi mapigilan ni Ericka na umiyak ganoon na din ang kanyang kaibigang si Andrea na tahimik na umiiyak. Umiling naman ang Alpha at kitang kita sa kanyang mata ang galit.

"Alucard." Mabilis na nawala ang Alpha kasabay ng pag banggit nya sa pangalang iyon.

Lumabas na ang dalawang magkaibigan na may luha sa kanilang mga mata. Naiwan naman ang mag kapatid na Gamma at Beta. Napatingin sila sa isa't isa at sabay ding umiwas. Tumayo si Ashira sa pagkaka upo ngunit hinawakan sya ng kanyang kapatid sa pulsuhan na nag patigil sa kanya.

"Beta, bitawan mo ako." Seryoso ang tono ng boses ni Ashira. Umiling naman ang Beta na tila natatawa.

"Tsk. Ako na mali. Pasensya na kung hindi ko inintindi ang sinabi mo. Bilang kuya mo nasaktan lang ako na para bang tinataboy mo ang isang katulad ko. Dahil mas gusto mo na maging normal na tao kaysa sa halimaw na tulad ko."

Tinignan ni Ashira ang kanyang kapatid na nakayuko. Hindi naman nya napigilang yakapin ito.

"Kuya ayos lang iyon, kalimutan na lang natin iyon. Ang mas mahalaga yung ngayon kailangan nating magtulungan upang matapos na ito."

Tumango si Drake at tuluyan ng ngumiti. Sabay lumabas ang magkapatid at nag pa alam na rin sa isa't isa. Habang naglalakad si Ashira napag isipan nya na may kailangang malaman si Sheila.

Agad syang nagtungo sa bahay at nakita duon ang mga kasamahan nya na nagpapahinga.

"Makinig kayong lahat. Kailangan nyong mag ingat at kung mas mabuti ay huwag na huwag kayong lalabas tuwing gabi. May nawalang isang estudyante, hindi pa namim sigurado kung mahahanap namin ang masamang bampira na ito ngunit mag ingat kayo. May nawala na sa atin at ayoko na mabawasan pa tayo."

Agad namang nag singayunan ang mga kasamahan ni Ashira at napag pasyahan na magpahinga na ang bawat isa. Tumingin naman si Ashira kay Sheila na paakyat pa lamang sa hagdan.

"Sheila, may kailangan kang malaman." Nagtataka namang tumingin si Sheila kay Ashira ngunit sumunod na lamang ito at nag usap sila sa balkonahe.

"Ano iyong kailangan mong sabihin Ashira?"

"Halos kapatid na ang turing ko sa inyo lalo na sa iyo, kaya siguro ay dapat ko ng sabihin sa iyo ito." Bumuntong hininga ang dalaga at serysosong tumingin kay Sheila.

"Magkakilala kami ni Dex."

Halos isara ni Ashira ang kanyang tenga ng maglabas ng impit na irit si Sheila. Napatawa naman si Ashira sa naging reaksyon nito.

"Paano? Paano kayo nag kakilala? Hinanap mo ba sya para saakin?" Mas lalong natawa si Ashira sa sinabi ni Sheila.

"Ay gurl! Kapal ng face! HAHA nagkita kami sa gubat nung naligaw ako. Nasugatan kase yung paa ko kaya naman tinulungan nya ako. Base kase sa kwento mo na parehas mang huhula ang lola nyo napag tanto ko na baka si Dex yung tinutukoy mo."

Ngumiti ng malungkot si Sheila at napatingala na lang sa kawalan. Huming ito ng malalim.

"Masaya na ba sya?" Malungkot na tanong ng dalaga.

"Actually Sheilla, ramdam ko na may kulang pa rin sa kanya. Huwag kang mag alala kung sakali mang magkita kami muli, sasabihin ko kung gaano mo sya kamahal at kung gaano mo pinagsisihan ang lahat ng nangyari."

Nagpa alam na sila sa isa't isa at lumabas si Ashira na may ngiti sa kanyang labi. Ngayon ang nasa isipan nya ay ang Alpha. Habang naglalakad sya naramdaman nya na para bang may sumusunod sa kanya.

Agad syang lumingon at dahil mabilis ang pegura na nakita nya ay nahawakan na sya mismo nito sa bewang patalikod.

"Hindi ko na hahayaang balibagin mo ulit ako."

Napalaki ang mata ni Ashira ng napagtanto nya na ang Alpha pala ang may hawak sa kanya. Pinilit nitong makawala ngunit mas hinigpitan pa ng Alpha ang pagkakahawak sa kanya at ilang sandali pa lang ay nasa garden na sila.

"Hindi mo naman paborito yung garden no?" Pilosopong tanong ni Ashira na nagpatawa sa Alpha.

Binitawan na sya ng Alpha kaya naman tumingin na sya dito at nakita na malalim ang iniisip nito. Nagulat naman sya ng tumingin ito sa kanya ng seryoso at namumula ang mga mata.

"May kailangan ba akong malaman Ashira?"

Kaba at takot ang nararamdaman ni Ashira sa tanong ng Alpha. Bumuntong hininga ang dalaga at tuluyang sinalubong ang tingin ng Alpha.

"Kapatid ko ang Beta, pinsan ko ang mga bagong salta. Tinago namin iyon dahil kailangan, hindi dahil gusto ka naming lokohin."

Seryoso pa din ang mukha ng Alpha hanggang sa napa ngiti ito na pinagtataka ni Ashira.

"T-teka Alpha ka diba? Bakit mukhang masaya ka pa? Hindi mo ba ako, kami bibigyan ng parusa dahil nagsinungaling kami sayo?" Umiling lang ang Alpha na may ngiti pa rin sa kanyang mga labi.

"Gaya ng sinabi mo, Alpha ako. Alam ko ang lahat." Naguguluhang tumingin si Ashira sa Alpha.

"What the hell Damon? Alam mo na!?" Hindi mapigilang mapamura ni Ashira. Mas lalo pang natawa ang Alpha sa sinabi ni Ashira.

"Yah. What the hell talaga. Malamang alam ko, gusto ko lang na sayo mismo manggaling yung gusto kong malaman. Siraulong beta yun sabihin ba naman na may relasyon kayo?" Napalaki ang mata ni Ashira sa narinig nya sa Alpha at hindi nya napigilang tumawa.

Tinignan sya ng Alpha na hindi na napigilang matawa kaya naman nagtawan na lang sila.

"Sayo lang ako ganito."

Natigil ang pagtawa ni Ashira ng nagsalita ang Alpha.

"What do you mean?"

Kunot noong tanong ni Ashira.

"Ang slow mo kase. Ibig sabihin nun sayo lang ako nagiging masaya. Na hindi ko kayang  makita ka na may kasama kang iba. Alam ko na naguguluhan ka siguro sa mga sinasabi ko pero Ashira, sayo lang ako nag kaganito."

Mabilis ang takbo ng puso ni Ashira. Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nya. Kaya naman ang tangi nya lang nagawa ay ang ngumiti na kinagulat ng Alpha.

"Gusto mo din ba ako? May pag-asa ba tayo?" Ngumiti ang dalaga sa sinabi ng Alpha.

"Ang tanga ko naman siguro kung sasabihin kong hindi."

"So?"

"Oo gusto kita pero sana maintindihan mo na ayoko munang madaliin ang mga ganitong bagay bagay."

Tumango ang Alpha at ngumiti kasabay ng pagyakap nya kay Ashira.

"Kaya kong mag hintay basta para sayo."

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now