Part 31

1.3K 47 4
                                    

jevelmoo this is for you! Enjoy.

Ashira POV

Wala pang segundo ay mabilis na naglaho sa aking paningin si Alucard. Agad akong tumakbo kung saan naka handusay si kuya. Ipinatong ko ang ulo nya sa hita ko at pinagmasdan sya ng mabuti. Hindi ko napigilang maluha.

"Kuya naman bakit hindi mo man lang pina alam sakin ito? Kapatid mo ako."

"Kapag sinabi ko sayo, alam kong pipigilan mo ako. Ayaw ko na mapahamak ka."

"Kuya hindi ko ba naisip na sa ginawa mo napahamak na ako? Paano kung hindi ako dumating? Paano kung patay ka na?"

"Shh masamang damo to. Matagal akong mamatay." Hindi ko napigilan ang sarili ko na hampasin si kuya sa braso.

"Yan kuya! Nagawa mo pang magloko!" Tumayo naman ito ng dahan dahan at iniharap ako sa kanya.

"Ashira ginawa ko ito dahil gusto ko. Kapatid kita kaya isasakripisyo ko ang lahat para sa ikabubuti mo."

"Yun na nga kuya! Sana man lang isipin mo kung maapektuhan ba ako o hindi sa desisyong ginawa mo."

Niyakap ako nito kaya naman niyakap ko din sya pabalik.

"Alam na ba ng Alpha ang tungkol sa atin." Duon lang ako natauhan. Tumingin ako kay kuya at tumango tsaka tinignan ang Alpha na seryosong naka masid sa kung saan.

"Damon pasensya na kung ganito ang asta ko ha pero, diba Alpha ka? Bakit wala ka man lang ginawa kanina?"

Hindi na ako nahihiya na tanungin iyon sa Alpha dahil buhay na ang pinag uusapan dito.

"Ashira wag mo syang sisihin sya pa rin ang Alpha." Hindi ko pina kinggan ang sinabi ni kuya bagkus tumingin lang ako sa Alpha na tahimik na naka yuko.

"Damon buhay na ang pinag uusapan dito at hindi ako tanga para hindi mo malaman na si Alucard ang kaharap natin kanina."

"Tito ko sya."

Sa simpleng sagot ng Alpha natahimik ako. Natulala at hindi alam ang magiging reaksyon. Tinignan ko si kuya na halata ding nagulat sa sinabi ni Damon.

Dumating ang mga ibang tao at tinulungan si kuya. Tanaw ko naman ang likuran ng Alpha na nauna ng umalis. Maraming lumalapit sa akin upang magtanong ngunit wala ni isa akong sinagot.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bumalik ako sa garden at nakita ang ibang mga estudyante na nag kakagulo. Agad ko silang nilapitan ngunit agad din na dumating ang mga pinsan ko.

Hindi ko napigilang maging emosyonal. Niyakap ko sila ng mahigpit at sinuklian naman nila iyon ng mahigpit na yakap.

"Narinig namin ang nangyari. Ayos ka lang ba? Si Drake kamusta?" Hinarap ko si Kuya Paul na halatang nag aalala. Halos lahat naman siguro nag aalala.

"Ayos lang si Kuya marami man syang natamong sugat kinaya nya naman iyon. Wag kayong mag alala ayos lang ako. Kayo ayos lang ba kayo?" Tumango ang mga pinsan ko ngunit binalik ko ang aking tingin sa mga nag kalat na estudyante.

"Maraming estudyante ang natagpuang wala ng buhay sa gilid ng garden, cafeteria at sa hallway. Hindi namin alam kung ano ng nangyayari ngunit ang sigurado ko lang hindi pa ito ang katapusan ng lahat ng gulo."

Pagkatapos ng narinig ko kay Kuya Darius agad akong nag pa alam at sinabing may importante akong gagawin.

Lakad takbo ang ginawa ko upang hanapin ang Alpha. Hindi ko mapigilang maawa sa mga estudyanteng nakikita kong umiiyak at tila nag durusa. Hindi dapat nila nararanasan ito.

Napatigil ako sa pag lalakad ng makita ko na bukas ang pinto sa office ng Alpha. Dahan dahan akong lumapit papunta duon at duon ko nakita ang Alpha na nakatalikod na naka masid sa lahat ng nangyayari.

"Tito ko sya."

Napatigil ako sa pag lalakad ng biglang nagsalita ang Alpha. Tumigil ako sa kinatatayuan ko at hinintay ang susunod na sasabihin ng Alpha.

"Bata pa lang sila ni Dad malaki na ang ingit nya dito. Paborito ng lolo ko si Dad kabaligtaran kay tito Alucard. Gayun na lamang ang galit nya ng ipamana ni lolo ang paaralang ito kay Dad. Ginawa lahat ni Tito Alucard upang mawala si Dad at nagtagumapay sya, napatay nya si Dad."

Hindi ko inaasahan ang sinabi ni Damon. Demonyo talaga si Alucard. Pati ba naman kapatid nya pinatay nya?

"Sa sobrang galit ng angkan namin sa ginawa ni Tito Alucard ipinadala ito sa malayong lugar sapagkat umaasa ang bawat isa na magsisisi ito sa ginawa nyang kasamaan ngunit hindi, dahil ngayon sya ay nag babalik. Wala akong nagawa kanina dahil hindi mo ako masisi na Tito ko pa rin sya ngunit sa ginawa nya, hindi ko na papalampasin ang lahat ng ito. Marami ng estudyante ang nadamay kaya bilang Alpha, ako mismo ang papatay sa kanya hawak hawak ang ulo nya."

Hindi ko mapigilang kabahan. Dahil sa tono ng boses ng Alpha alam kong gagawin nya iyon. Nilingon ako ng Alpha na pula ang mata. Nilapitan ko ito at dahan dahang niyakap. Gayun na lamang ang aking gulat ng bigla itong umiyak sa aking balikat.

"Wala akong kwenta! Ako ang pinaka malakas dito ngunit wala man lang akong nagawa upang ipagtanggol ang baway isa!" Mas lalo ko pang hinigpitang ang yakap kay Damon.

"Hindi ka nagkulang. Kung alam lang ng bawat estudyante ang lahat maiintindihan nila iyon. Wag mong sisihin ang sarili mo andito pa ako. Handa akong intindihin ka Damon."

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Kuya Drake. Tila nagulat pa ito sa kanyang nasaksihan ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin. Napatingin ako sa hawak nyang tablet kaya naman tinanong ko sya.

"Ano ang hawak mo Beta?" Agad itong natauhan at bumalik sa pagiging seryoso.

"Alpha, Gamma. Kailangan nyong mapanuod ito. Nagpadala ng video si Alucard at hawak nya ang ibang mga estudyante."

Kinuha naman ng Alpha ang tablet at agad naming pinanuod ang sinasabing video.

Nagsimula na akong kabahan ng puro dilim lang ang nasa video at bigla na lamang lumabas si Alucard suot ang kanyang mala demonyong ngiti.

"Damon. Akala mo siguro titigil na ako no? Nag kakamali kayo. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nagagawa ang gusto ko. Kung mamatay man ako, sisiguraduhin kong mauuna ka sa akin tulad ng ginawa ko sa iyong ama. Wala ka ding kwenta. Katulad ka din ng iyong ama. Isa lang naman ang gusto ko, ang ibigay mo sa akin ang itinakda."

Bago mamatay ang video kitang kita namin kung paano nya binali ang leeg ng limang estudyante na ngayon ay wala na.

Ako ang kailangan upang matapos ang lahat ng ito.

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now