Part 5

2.3K 70 0
                                    

Nathan POV

"What did you just say!?" Pag tatanong sa panot kong Assistant na ngayon ay nanginginig na sa takot.

"Beta k-kase may naka pasok daw na masasamang lahi ng bampira dito sa Crimson University at ang pag kakaalam ko nag papanggap silang eatudyante dito kaya't hindi agad natin mawawari kung sino ang mga masasamnag naka pasok."

Kay aga aga nasira ang araw ko. Sino naman kaya ang mga hampas lupang naglakas loob na pumasok dito!? Talagang hindi sila titigil hanggat hindi nila nakukuha ang gusto nila ha!? Subukan lang talaga nila ako! Napatingin naman ako kay panot na mukhang naghihintay ng sasabihin ko.

"Lahat ng estudyante ay papuntahin sa field!" Sa sinabi kong iyon agad naman tumakbo si Panot na nagmamadali.

Ilang minuto ang nakalipas ay napagpasyahan ko namang pumunta sa field maiingay na estudyante agad ang bumungad sakin ngunit ng agad nila akong nakita ay agad silang napatahimik. Pumunta ako sa stage at tumapat sa mikropono.

Ako muna ang mag aasikaso ngayon dahil pagkatapos ng party ay hindi na nagpakita ang Alpha pero alam ko na alam nya ang bawat detalye na nangyayari sa paaralang ito. Napaka misteryoso nya talaga.

"May balita akong nalaman at gusto ko lamang sabihin sa inyo na may mga nakapasok na masasamang loob dito kayat nararapat lamang na mas lalo kong higpitan ang seguridad sa paaralang ito. Nalaman ko din na nag papanggap ang masamang loob na iyon bilang eatudyante kaya't gusto ko lamang sabihin na mag ingat kayo." Pagkatapos kong sabihin iyon ay bumaba na ako ng stage at umalis na din isa isa ang mga estudyante.

Ashira POV

Tanghali akong nagising dahil sa sama ng pakiramdam ko. Gusto ko talagang pumasok pero ng nalaman ni Nathaniel na may sakit ako ay wala na akong nagawa kung hindi ang humiga sa kama ko.

Sinabi nya naman sakin sya na daw ang gagawa ng paraan. Bugnot na bugnot na ako dahil wala talaga akong magawa sa kwarto. Dahil sa sama ng pakiramdam ko hindi ko kayang gumalaw ng maayos para akong masusuka na ewan basta ang bigat ng ulo ko!

Nakalipas ang ilang minuto ay dumating si Nathaniel na may dalang pagkain. Ngunit hindi nagtagal ay umalis din sya dahil marami pa daw silang gagawin nila Sheila.

Pero bago sya umalis sinabi nya sakin kung ano ang inanunsyo ng Beta kania sa field. Medyo kinabahan ako dahil sa nalaman ko, paano ba naman kase masasamang bampira ang mga nakapasok pano na lang kung yung mga bampirang yun katulad ni Dracula' ano na lang ang gagawin ko?

Katulad din kaya sila sa pelikula na kumakain ng laman ng taon? Sumisipsip ng dugo? Kung mangyari man iyon sana dumating ang Edward Collins ko. Hindi ko ata alam ang mangyayari kung sakaling salakayin ako ng masasamang bampira. Nako pag nangyari iyon pwede ko na sigurong palitan si Bella sa twiglight.

Kesa isipin ko yun ay natulog na lamang ako ng mahimbing.

***

Nagising ako at wala pa ding nagbago dahil parang mas nadagdagan lamang ang sakit ng ulo ko sa narinig kong ingay sa baba. Pinilit kong bumama dahil baka kung ano ng nangyayari kaya't ng makababa ako ay tumahimik silang lahat at napatingin sakin ng nag aalala.

"Nako Ashira pasensya na kung naingayan ka samin ha? Nag prapractice lang kase kami sa defense para bukas." Ngumiti na lamang ako sa sinabi ni sheila at bumalik sa taas upang mahiga.

Nakalipas ang ilang oras ay nawala ang mga kasama ko. Bago't na bagot na ako dito wala talaga akong magawa. Gabi na din kase kaya malamig na ang simoy ng hangin. Kumuha na lamang ako jacket at bumaba ng hagdan. Pag kalabas na pagkalabas ko ay malamig na hangin agad ang sumalubong saakin. Naglalakad alo sa hallway ngayong mag isa upang hanapin ang mga kasamahan ko.

Napatigil ako at napalinga linga dahil ramdam kong para bang may nagmamasid sakin. Lakad takbong ang ginawa ko pero huli na ang lahat ng nadulas ako. Handa na ako sa kung anong mangyayari sa katawan ko pero ilang segundo ang lumipas ay wala akong naramdaman na kahit ano at napa bukas mata na lamang ako ng may narinig akong impit na tawa.

"Walangya kang beta ka!" Inis na sigaw ko sa beta with matching hampas pa pero ang beta parang wala lang. Tawa lang ng tawa.

"Hahaha grabe Ashira ang epic ng mukha mo. Tsaka gabi na ah bakit nasa labas ka pa? Baka mahuli ka ng Alpha pffttt." Sa halip na sagutin ko sya ay tumalikod na lamang ako upang bumalik sa dorm ko. Siguro marami lang talagang ginagawa ang mga iyon ngayon.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng maramdaman ko ang kamay ng beta sa braso ko. Napatigil naman ako sa ginawa nya.

"Oy pasensya na sobra lang talaga akong natawa, di bale hatid na lang kita sa dorm nyo baka mapano ka pa may masasamang loob pa namang nakapasok dito." Mahabang saad ng beta. Tumango na lamang ako sa kanya at hindi na nag abalang tumanggi. Tama din naman sya paano na lang kung may mangyaring masama sakin diba?

"Salamat sa paghatid." Nakangiting saad ko. Nagulat naman ako ng lumapit pa lalo ang beta at hinalikan ako sa noo.

"May mga matang nakatingin." Natatawang saad ng beta. Naguguluhan man ako sa sinabi nya ngunit mas pinili ko na lamang na tikom at ilang segundo din ay nawala na ang presensya ng beta.

Pagpihit ko ng pinto ay mga mukhang nag aalala ang bumungad sakin. Agad naman akong niyakap ni Sheila.

"Ashira alalang alala kami sayo! Saan ka ba nanggaling? Akala namin kinuha ka na ng mga masasamang bampira!" Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi ni Sheila.

Kwinento ko ang nangyari at pagka tapos noon ay sinabi nya na marami lang daw talaga silang ginawa. Umakyat na ako sa taas at humiga na sa aking kama. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga masasamang bampira na nakapasok sa paaralang ito. Napabuntong hininga na lang ako at pumikit. Sana ayos na bukas.

Sana naman ay ayos na ako bukas.

***

Crimson University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon