Part 17

1.5K 58 0
                                    

Ashira POV

Magkasama kami ngayon ni kuya Drake sa garden na kumakain ng hinandang pagkain ni mom. Nag usap kami tungkol sa nangayari noong mga nakaraang taon hanngang sa madamay ang pangalan ni Damon.

"No kuya, mali ang iniisip mo." Malumanay na sabi ko pero iling lang sya ng iling. Paano ba naman kase, meron daw ba naman kaming relasyon ni Damon. As if naman diba?

"Hindi ganan ang nakikita at nararamdaman ko. Yung tingin sayo ni Damon iba eh. Iba talaga para bang gusto ka nyang kainin." Iling iling na sagot ni kuya.

"Kuya naman! Ang laswa mo." Natatawa kong sabi na kinatawa nya din.

"Pero Ashira bukod ba sa ating pamilya at kay Neil, wala na bang nakaka alam na kapatid kita?" Tumingin naman ako ng seryoso kay kuya at umiling.

"Bakit kuya? May problema ba?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi naman, baka kase malaman nila na taong lobo ka din syempre, baka mapahamak ka." Natawa naman ako.

"Kuya chill lang relax, even though hindi nila alam I can manage myself bro." Natawa naman sya sa inasta ko.

"Ang yabang. Kapatid ba talaga kita?" Tawang tawang tanong ni kuya. Natigil naman ang pag uusap namin ng dumating si Kuya Neil, ang kaibigan ni kuya.

"Saya nyo ata ah! Musta?" Nakangiting bati ni kuya neil.

"Wala hindi na masaya dumating ka eh." Nakasimangot na sagot ni Kuya.

"Drake naman, I know you miss me bro so give me a fucking hug and I'll give you a fucking kiss." Natawa naman ako sa inasta ni kuya neil dahil nakanguso ito na para bang hahalikan talaga si kuya at nakabuka ang dalawang braso na nag iintay ng yakap.

"Back off Neil kadiri ka!" Tawa kami ng tawa ni Kuya neil sa reaksyon ni kuya. Paano ba naman kase nakayakap ito sa sarili nyang katawan na parang takot na takot.

"HAHAHAHA"

"HAHAHAHA"

Hindi namin mapigilang tumawa. Kinutusan naman kami ni kuya kaya napa hawak kami sa tuktok ng ulo namin at napasimangot.

"Mga siraulo kayo." Natatawang sabi ni kuya. Napatawa naman kami.

"Tara sa mall." Pagyayaya ni kjya neil.

"Tara tara. Para naman makagala tayo. Miss ko na bonding natin eh." Pag sang ayon ko naman. Tinignan naman namin si kuya ng nag mamaka awa look. Napangiti naman kami ng tumayo si kuya.

"O sya sya, tara na mga gunggong!" Natatawang sabi ni kuya.

"Teka mag hahanda lang ako. Kuya Neil may damit ka naman dito kaya mag bihis ka na din." Sabi ko kay Kuya Neil at agad naman kaming pumunta sa loob ng bahay.

Nakasuot lang ako ng isang denim na short at ng white v-neck shirt tinernuhan ko na lang ng isang puting adidas. Simple ko na ba?

Agad akong bumaba at nakita ko sila kuya na naka board short at polo na kulay blue na nag fade na white at tinernuhan ng black  and white nilang vans. Si kuya drake yung naka white na vans at si kuya neil yung black. Actually ang gwapo nilang tignan.

"Tara lego na." Pag aaya ko sa kanila. Dumating naman agad si mom na nagtatakang nakatingin samin.

"Tita, gala lang kami sa mall na miss namin bonding sa isa't isa eh." Naghihintay naman kame sa sagot ni mommy sa sinabi ni kuya neil. Agad namang tumango si mom at ngumiti.

"Sige basta mag iingat kayo dyan. Pag may naramdaman kayong masama umalis na agad kayo okay?" Pag papaalala samin ni mom agad naman kaming tumango at nag paalam na.

Sumakay na kami sa kotse ni kuya. Nag presinta akong mag drive at pumayag naman si kuya. Sa backseat si kuya neil at frontseat naman si kuya drake. Mabilis kong pina harurot ang kotse at wala pang ilang minuto ay nakarating na agad kami. Pinark ko muna ang kotse at agad kami bumaba.

Nakuha agad namin ang atensyon ng mga tao. Pinagtitinginan kami na para kaming mga artista. Tinignan ko naman ang dalawang kasama ko at si kuya drake? Tuwang tuwa gwapong gwapo na naman sya sa sarili nya. Humawak ako sa braso ni kuya neil at iniwan si kuya drake.

"Yung kuya mo. Parang abno." Sabi ni kuya neil na nagpa irap sakin.

"Kala mo artista ang mokong na iyon." Iritable kong sagot.

"Hindi pa rin sya nag babago." Natatawang sagot ni kuya neil.

"Sinabi mo pa." Iling iling na sagot ko. Nakita naman namin si kuya na mayabang na naglalakad papunta samin.

"Guys bakit nyo naman ako iniwan? Alam nyo namang pinipicturan pa ako ng mga fans ko diba?." Mayabang na sabi nya. Inis na inis na ako kaya hindi ko na naligilan ang sarili ko.

"Seriously bro? You look so ugh!" Natawa naman silang dalawa sa naging reaksyon ko.

"Lil sis naman. Tara na ngang kumain." Agad kaming nagtungo sa isang restaurant at ng may makita kaming bakanteng lamesa't upuan ay agad kaming umupo duon.

"Anong order nyo? Ako na oorder." Napatango naman kami ni kuya at parehas sumagot ng.

"Kahit ano"

"Kahit ano"

Natawa kami.

"May ganun ba? Tsk. Bahala na nga." Iling iling na umalis si kuya neil habang kami ay naiwan ni kuya.

Kinuha ko ang cellphone ko ng naramdaman kong nag vibrate ito.

Uknown number

'It looks like you're having fun with him'

Luminga linga naman ako sa paligid at nagtatakang binalik ang atensyon ko sa cellphone. Sino naman kaya ito?

Mabilis na dumating si kuya neil kaya kumain agad kami at napag pasyhan naming mag gala gala muna. Habang naglalakad ako napansin ko na para bang may nakatingin samin. Agad ko namang sinabi kay kuya na mag cr lang ako.

"Dalian mo intayin ka namin sa labas ng cr." Tumango na lang ako sa sinabi ni kuya.

Pumasok ako sa isang cubicle at umihi na. Pagkatapos ay nag hugas ng kamay at inayos ko din ang sarili ko. Pagka labas ko ay nag kayayaan na kaming umuwi dahil ang boring na din dito.

Pumunta na kami sa parking lot upang puntahan ang kotse. Binigay ko kay kuya drake ang susi dahil tinatamad na akong mag drive. Pinatunog na ni kuya ang kotse kaya agad kaming sumakay ngunit hindi ko pa nasasara ang kotse ay may nakita akong tao na nakatingin sakin. Humangin ng malakas kaya naman natanggal ang hood nito sa ulo.

Pulang mata na seryosong nakatingin sakin. Biglang bumilis ang kabog ng puso ko, at bago ko pa man din masara ang pinto nabanggit ko ang salita na nagpalingon kay na kuya.

"Alpha"

***

Crimson University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon