Part 14

1.8K 59 2
                                    

Ashira POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Masakit pa din ang aking katawan pero hindi na ito katulad noong mga nakaraang araw. Nagagalaw ko na din ng maayos ang aking kamay ngunit namamaga pa din ang aking hita. Pinilit kong umupo ng maayos sa aking pagkakahiga at luminga linga sa paligid. Wala na ang Alpha sa aking tabi. Bakit ko ba sya iniisip? Napayuko ako ng bahagya ngunit mabilis din akong nag angat ng ulo ng narinig ko ang pagpihit ng pinto.

"Oh bakit nakabusangot yang mukha mo? Akala mo siguro si Alpha no? Ikaw ha!" Bahagya akong natawa sa sinabi ni Sheila.

"Alpha ka dyan! Hindi no!"

"Tanggi ka pa dyan!" Napailing na lamang ako sa inasta nya. Kumuha ako ng mansanas sa aking tabi at kinagat ito. "Ahm Sheila, ayos ka na ba talaga?" Tumihil sy sa gingawa nya. Napatahimik at tumabi sa gilid na kama.

"Sa totoo lang Ashira, sariwa pa din yung sakit. Ramdam ko pa din yung sakit. Hindi ko pa din matanggap pero kailangan. Hindi naman kase pwedeng sa kanya lang iikot ang mundo ko. Hindi naman pwedeng magmukmok na lang ako habang buhay diba? Kaya kahit masakit, tanggapin na lang." Medyo naluha naman ako sa sinabi ni Sheila at natawa naman sya sa naging reaksyon ko kaya hinampas ko sya ng mahina sa balikat.

"Ang drama naman, kumain ka na nga lang baka mapagalitan pa ako ng Alpha pag hindi kita inalagaaan." Nagulat ako sa sinabi nya at medyo namula ng hindi alam ang dahilan. Hindi ko mapigalang ngumiti ng patago.

"Ngiti ngiti ka dyan ha!"

"Ahm Sheila pwede na ba akong lumabas?"

"Anong lumabas!? Hindi pwede kailangan mo munang magpagaling ng bonga! Wag kang makulit!"

"Eh ang boring dito tsaka isa pa hindi ako sanay na nakahilata lang ako dito magdamag. Kaya please, ilabas mo na ako." Bumuntong hininga naman si Sheila kaya napangiti ako. HAHAHA

"Aish! Kung di lang kita kaibigan eh!"

"So ano, pwede na ba akong lumabas?" Masayang tanong ko pero umiling si Sheila kaya napasimangot ako.

"Gaga ka ba? Syempre gagawa muna ako ng paraan para makalabas ka." Sasagot pa sana ako sa sinabi ni Sheila ngunit bumukas ang pinto at niluwa nito ang Alpha na seryosong nakatingin samin.

"Sino ang lalabas?" Seryosong taning ng Alpha. Tinuro naman ako ni Sheila at nag paalam na lalabas muna. Naiwan kaming dalawa ng Alpha.

"Hindi ka pa masyadong magaling diba?" Mapag alalang tanong ng Alpha.

"Ang boring kase dito! Wala akong magawa!" Napataas kilay naman ang Alpha kayat napanguso ako.

"So what do you want me to do? Sumayaw sa harapan mo para mapanatili ka lang dito?" Natawa naman ako sa sinabi nya. "Hey answer me, what do you want me to do?" Natawa ako ng bahagya nang makita ko ang nakabusangot na mukha ng Alpha.

"HAHAHA. Para kang inagawan ng candy! Wag kang sumimangot." Tawa lang ako ng tawa. Tumingin naman aki sa Alpha na namumula na marahil ay sa inis.

"Stop laughing!"

"Then allowed me to get out in this place." Seryosong sabi ko sa kanya.

"Okay okay, just don't you dare laugh again."

Tinulungan ako ng Alpha na tumayo at sinabi nya sakin na si Sheila na daw ang bahala sa mga gamit ko dito sa hospital. Inalalayan akong maglakad ng Alpha at dahan dahan nyang binuksan ang pinto. Nakangangang Sheila at beta ang sumalubong samin at bumagsak ang mata nila sa isang kamay ng Alpha na nakahawak sa kamay ko at sa isang naka suporta sa bewang ko.

"What the! Are you two together!?" Nagulat naman kami sa biglang pag sigaw ng Beta.

"Hey, bakit ka ba sumisigaw? Nagseselos ka no?" Napatingin naman ang beta kay Sheila at tumingin muli samin. Nag iwas tingin sya ng sinalubong ng Alpha ang tingin namin.

"I'm just asking, at lilinawin ko lang hindi ako nagseselos."

"Kung hindi ka nagseselos, bakit kailangan mo pang sumigaw?" Napatigil ng ilang segundo ang beta at tumingin ng matalim sa Alpha. Naglalabanan ang kanilang mga tingin hanggang sa kami na mismo ni Sheila ang umawat sa pag aaway ng dalawa sa isip nila.

"Tama na yan, beta tara na sumama ka sa akin." Napatingin ako kay sheila ng bigla nya ng hilahin ang beta habang hawak hawak sa kamay. Ehem.

"Tsk, tara hatid mo na ako." Nakangusong saad ko sa Alpha. Napailing na kang sya.

Habang naglalakad kami hindi nya pa din inaalis ang pagkakahawak nya saakin. Hindi ko na itatanggi pero parang nangangarera ang puso ko sa lakas ng pintig nito. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante at sa aming dalawa ng Alpha ako lang ata ang may pake. Halos kalahati ng estudyante pinapatay na ako sa isip nila. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng dorm.

"Wag ka ng labas ng labas tuwing gabi."

"Yes Alpha." Nakayukong saad ko. Bago pa man din ako makapasok sa loob ay may sinabi ang Alpha.

"At please lang kapag tayong dalawa lang ang magkasama just call me Damon by the way, asahan mo na laging nakabantay ang anino ko sayo."

Mabilis akong pumasok sa loob at hindi mapigilang mapangiti. Tinignan ko ang bawat sulok ng loob. Hindi ko mapigilang isipin si Nathaniel, nakaka miss. Umakyat na ako sa aking kwarto ng hindi naaalis ang ngiti sa aking labi. Teka nga... asan na kaya si sheila at ang beta HAHAHA sana mahanap na ni sheila yung taong para sa kanya at malay naman natin ang beta pala ang the one ni Sheila. Pumasok ako sa loob ng banyo. Hinubad ang damit at hinayaang dumaloy ang tubig sa aking katawan.

Marami ng nagbago. May nawala pero sana, ang darating ay tatagal. Ang nasaktan ay maghihilom. Ang malungkot ay muling sasaya. Ang naiwan ay hindi na muli maiiwan. Sa kabanata ng buhay ko makaya ko pa sana ang mga problema na darating.

***

A/n: Sorry guys ngayon lang ako nakapag update ulit at maikli pa nasira kase ang cellphone ko sorry guys but hope you understand. Advance Merry christmas and happy new year. Godbless all!

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now