Part 29

1.4K 52 3
                                    

Someone's POV (pt. 2)

Kinaumagahan busy ang lahat ng estudyante sa kanilang mga ginagawa. Laking pasalamat ng Alpha na hindi pa kumakalat ang balita tungkol sa isang estudyanteng nawawala bagkus ang kumalat na balita ay ang tungkol sa status nila ni Ashira.

Ngayong araw na ito, masaya ang Alpha. Napapansin din ng mga ibang estudyante na para bang may kakaiba sa ngiti ng Alpha. Bawat bumabati sa Alpha ay nginingutian nito pabalik. Habang naglalakad hindi nito mapigilang isipin si Ashira. Nang makarating na sya sa cafeteria agad hinanap ng kanyang mata ang taong gusto nya.

Lumapit sya sa babaeng nag iisang kumakain habang naka salpak ang headset nito sa kanyang tenga. May naisip naman ang Alpha kaya naman mas lalo pa syang napangiti. Dahan dahan syang lumapit at gamit ang dalawa nyang kamay tinakluban nya ang mata ni Ashira.

"Alam ko ang amoy mo Damon." Napanguso naman ang Alpha at agad ding inalis ang kanyang kamay sa mata ni Ashira.

"Ang bilis mo namang mahulaan." Natawa naman si Ashira sa itsura ng Alpha.

"Kasalan ko ba na masyadong nakaka adik ang amoy mo?"

Tawa ng tawa si Ashira at bigla na lamang itong tumawa ng maisip nya kung anong sinabi nya. Tumingin sya ng dahan dahan sa Alpha at nakita ang nakakalokong ngiti nito.

"Nakaka adik pala ha."

Bago pa man din maka pag salita si Ashira ay agad syang sinubsob ng Alpha sa sarili nitong dibdib. Hindi nya napigilang mapapikit sa bango ng amoy ni Damon ngunit napamulat na lang sya at napabulong.

"Damon maraming estudyante baka makita din tayo ni kuya." Tawa tawa namang lumayo si Damon at kinurot ng mahina ang pisngi ni Ashira.

"Ano? Tapos ka na bang kumain?" Tumango si Ashira sa tanong ni Damon.

Nagtataka naman syang tumingin sa kamay nito ng bigla nitong kunin ang kamay nya.

"Teka ano bang ginagawa mo?" Hindi mapigilan ni Ashira na mamula sa ginagawa ng Alpha.

"Hatid na kita sa room mo. Tara na, baka ma late ka pa."

Tumayo na sila at sabay umalis sa cafeteria. Halos lahat ata ng estudyante ay nakalabas ang cellphone sapagkat kinukuhanan sila ng litrato. Hindi mapigilang mapangiti ni Damon dahil na rin sa sayang nararamdaman nito. Tumingin sya kay Ashira na nakangiti sa kanya, at dahil sa binigay na ngiti ni Ashira mas lalong hinigpitan ni Damon ang pagkakahawak sa kamay nilang dalawa.

Nang makarating sila sa tapat ng classroom nagtinginan ang dalawa sa isa't isa na may ngiti sa kanilang mga labi.

"Paano ba yan, pasok na ako." Nakangiti ang dalaga habang nakatingin sa kamay nila.

"Sige pasok ka na, wag mo ako masyado ma miss." Nakangiti si Damon kay Ashira na hindi pa rin binibitawan ang kamay.

"Pasok na ako." Natatawang sabi ni Ashira.

"Sige, pasok ka na." Natatawang sagot ni Damon na mas lalong nagpatawa sa kanilang dalawa.

"Yung kamay ko." Pag papa alala ni Ashira.

"Hawak ko." Mapang akit na sabi ni Damon habang naka ngiti na mas lalong nag pagwapo sa kanya.

"Sira. Sige na pasok na ako." Tumango ang binata at dahan dahang binitawan ang kamay ni Ashira.

Ngumiti si Ashira kay Damon ngunit hindi pa man din sya nakakapasok sa loob ng room ay hinawakan sya ni Damon sa braso na nag patigil sa kanya. Nagkatinginan sila sa isa't isa at nagulat na lang si Ashira ng pumantay si Damon sa kanya at mabilis syang hinalikan sa noo.

"Pasok na." Hindi magawang makasagot ni Ashira bagkus ay tumango na lamang sya.

Nang tuluyan na syang makapasok sa room ay duon nya lang napansin na lahat pala ng kaklase nya ay nakatingin sa kanya. Yumuko syang naglakad at mabilis na umupo sa kanyang upuan.

Nakarinig naman sya ng munting palakpak na sinundan pa ng malakas na palakpak at sigawan. Napa angat ulo naman sya at nakitang naka ngiti ang ang mga kaklase nya.

"Masaya kami na ng dahil sayo napasaya mo ang Alpha. Siguro iniisip mo na bakit hindi kami nagagalit sayo o kaya naman bakit hindi ka namin sinasaktan sa nasaksihan namin. Hindi porket bampira kami werewolf kami may lakas na loob na kaming saktan ka. Kung ikaw man ang gusto ng Alpha nirerespeto namin iyon."

Napangiti na lamang si Ashira sa sinabi ng kanyang kaklase at wala syang ibang nagawa kundi ang magpasalamat.

***

Habang nag aayos si Ashira ng kanyang gamit hindi nya mapigilang mapangiti dahil maganda ang nangyari ngayong araw na ito. Ngunit, hindi pa rin maitatangi na mayroon pa silang kailangang ayusin.

Palabas na sya ng pinto ng biglang may sumalubong sa kanyang lalaki at binigyan sya ng rosas na puti, ng kinuha nya ito ngumiti ang lalaki. Sa bawat paglalakad nya ay bawat puting rosas din na natatanggap nya. Hanggang sa masilayan nya si Damon na may hawak na pulang rosas.

Hindi nya napigilang mamula sa ginagawa ni Damon. Dahan dahang lumapit ang si Damon sa kanya at binigay ang pulang rosas na agad nya din naman nyang tinggap.

"Salamat, ngunit para saan ang lahat ng ito?" Huminga ng malalim ang Alpha.

"Gusto ko lang kasing makita at maramdaman mo kung gaano kita kamahal."

Napayakap na lamang si Ashira kay Damon at hindi naman sya nabigo ng yakapin din sya nito pabalik.

Niyaya sya ni Damon sa garden dahil sa dinner na hinanda nito. Nakita nya naman agad kung gaano kaganda ang surpresang ginawa ni Damon. Napatingin sya kay Damon na tila nahihiya pa.

"Ginawa mo ang lahat ng ito para saakin?" Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Ashira.

"Ahm oo nagustuhan mo ba?" Hindi makatingin si Damon dahil ang akala nya ay hindi magugutuhan ni Ashira ang inihanda nya.

"Ano ka ba, tumingin ka nga sa akin. Wag kang ano dyan, nagustuhan ko naman kaya wala ka dapat ikahiya. First time kong ginanito ng lalaki at Alpha pa."

Nagulat naman si Damon sa sinabi ni Ashira kaya naman napatingin sya kay Ashira.

"Masaya ako na ako ang unang nakagawa nito at sisiguraduhin ko na ako ang una sa lahat ng huli mo."

Nagyakapan si Ashira at Damon at sabay kumain ng may ngiti sa kanilang mga labi.

***

A/N: Hi readers! (Kung meron nga ba? Hahaha) salamat sa mga suporta nyo! Sana magustuhan nyo ang UD kong ito dahil pati ako kinikilig kay Ashira at Damon!!!

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now