Part 4

2.6K 83 1
                                    

Ashira POV

Grabe hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon! Napaka saya ko at alam kong ganun din ang mga bampirang estudyante at werewolf, siguro ay dadalawin nila ang iba't iba nilang pack. Hindi ko akalain na yun ang iaanunsyo ng Alpha. Sa walas makikita ko na ulit sila kuya! At next week makakauwi na ako.

Habang ngiting ngiti akong nagsasyaw habang sinasabayan ang Perfect Strangers ng Jonas Blue ay natatawa namang lumapit sakin ang beta.

"Oh ang saya mo ata sobra gamma?" Natatawang sabi nya habang sumasabay din sa beat ng kanta. Nilingon ko naman sya at ngumiti ng matamis.

"Syempre naman! Makakasama ko na ulit ang pamilya ko! Whoa party party! I-enjoy na natin to." Talon talon ko syang hinigit papunta sa gitna ng dance floor at nag sayaw kami na tila kami lang dalawa ang tao. Tawa kami ng tawa at ng makaramdam kami ng pagod ay umupo muna kami.

"Ano godpa na gamma?" Iling iling nyang tanong sakin. Bago pa ako makasagot ay lumapit ang Alpha samin kaya agad kaming napatayo.

"Maari ko bang kausapin ang gamma?" Maotoridad na tanong ng Alpha sa Beta. Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi ng Beta.

"Tanong tanong ka pa dyan Alpha go lang alam ko namang gusto mo syang masolo!"  Tawa tawang umalis ang Beta at naiwan akong naka nganga sa sinabi nya. Ang isang iyon talaga ang lakas ng tama.

Nagulat naman ako ng nagsalita na ang Alpha na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Buti naman at wala kang ginawang ikagagalit ko ngayong gabi." Sabi ng Alpha.

"Nako hindi na muna sa ngayon, masyado akong maganda ngayon para gumawa ng eksena no!" Natawa naman ng bahagya ang Alpha sa sinabi ko.

"You know what, siguro sa ibang lugar na lang tayo mag usap." Sabay tayo ng Alpha at hawak sa kamay ko. Nagtataka ko naman syang tinignan.

"What are you talking about?" Nalilitong tanong ko habang nakatayo na din. Marahan naman syang lumapit sakin at bumulong sa tenga ko na nakapanindig sa balahibo ko.

"Cause all eyes our looking at us baby." Natatawang saad nya. Lumingon naman ako sa mga taong maingay na ngayon ay biglang tumahimik at nakumpirma ko ngang lahat sila ay nakatingin samin lalo na sa magkahawan naming kamay. Bago pa man din ako makapag salita ay nandito na agad kami sa Garden.

Napaka bilis talaga ng bampirang ito!

Tumingin naman ako sa langit at namangha ako sa ganda ng kalangitan isama mo pa ang mga nag kikislapang mga bituin.

"Ang ganda." Mangahang saad ko ngunit kinagulat ko naman ng nagsalita ang Alpha.

"Mas maganda ka." Napatingin naman ako mg gulat sa Alpha sa sinabi nya. Nagtama ang tingin namin at hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman. Natawa naman ang Alpha sa naging reaksyon ko at tumingin muki sa kalangitan at ganun din naman ako.

"Bakit ito ang napili mong pasukan?" Bahagya akong nagulat dahil hindi ko inaasahan ang tanong nyang iyan.

"Actually hindi ko talaga gustong pumasok dito. Oo, sabihin na nating matalino ako pero kung ako ang tatanungin mas pipiliin kong tumulong na lang sa family ko kaysa mag aksayang mag aral. Pero ang mommy ko ayaw pumayag gusto nya na mag aral ako at dito nila ako dinala ni dad. Naguguluhan pa nga kami ni kuya kase bakit sa dinami raming school dito pa? Ni wala akong kaide ideya kung ano ang meron sa paaralang ito. Noong una ayoko lalo ng nalaman ko na hindi mga normal na tao ang makakasama ko." Nang makita kong nakikinig ang Alpha tinuloy ko ang kwento. "Hindi naman ako masyado natakot nung nalaman na may nag eexist pa palang ganon sa halip inisip ko na lang na dito ko magahanap ang mala Edward Collins ko." Natatawa kong saad na bahagya ding nagpatawa sa Alpha.

"Hindi naman lahat ng bampira masama. Hindi din lahat ng werewolf masama. May mga ibang tao lang talagang siguro na ganon ang tingin samin. We're not even Dracula for fuck sake!" Natawa naman ako sa sinabi ng Alpha. As in yung tawang tawa. Hindi ko lang maisip na ganito palang kasama ang Alpha. Napatingin naman sakin ang Alpha.

"What so funny?" Naguguluhang tanong nya umiling ako sa kanya.

"Hindi ko lang kase ineexpect na magkakausap tayo ng ganito. Yung usap na hindi mo ako sesermunan dahil sa mga pinag gagawa ko. Masaya ako kase nag kausap tayo at nakita ko ang side mo." Ngumiti naman ako sa kanya ng matamis at ngumiti din sya sakin.

"Well, expect the unexpected Gamma." 

***

Nandito na ako sa kwarto ko at hinding hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Hindi ko inaasahan ang gabing ito . Napaka saya. Ang pag uusap namin ng Alpha habang iniisip ko yun aatakihin na ako sa kilig! Oo aaminin ko! Kenekeleg eke enebe eng lende ke! Natatawa na lang ako sa naiisip ko.

Hinatid kase ako ng Alpha dito sino ba naman ako para pigilan sya? Alpha yun! Di uso tumanggi sakin ngayon. Naglinis na ako ng katawan ko at bumaba upang uminom. Ako lang ang tao dito sa dorm dahil wala pa sila Nathaniel. Siguro nag sasaya pa yung mga yun!

Agad akong kumuha ng tubig sa fridge natuwa naman ako ng may nakita akong napaka raming oreo tutal wala namang tao kinuha ko ang oreo pasensyahan na lang!  Umupo ako sa sofa at sinalang ang cd na Warm Bodies.

Gusto ko kase talaga na manuod ngayon mag isa at tamang tama ang oreo sa palabas na pinili ko.

Natapos ang pinapanood ko at kilig na kilig ako. Pano ba naman kase ang gwapo nung lalaki na zombie at ganda din nung babae tapos sa ending ng movie naging normal na tao yung mga dating zombie! Grabe ang gwapo ni R!

Napatingin ako sa orasan at madaling araw na pala, paakyat na sana ako sa taas ng narinig ko ang pagbukas ng pinto ng dorm at ano pa bang inaasahan ko? Lasing na lasing lang naman namang ang mga ka dorm mate ko! Susko ano na bang nangyayari ngayon sa mundo?

***

Crimson University (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu