Part 13

1.8K 74 0
                                    

Ashira POV

Dahan dahan kong binuksan ang mata ko. Puti. Lahat ay puti. Nasa langit na ba ako? Tinignan ko ng mabuti at napagtanto kong nasa private room ako ng hospital. Ramdam ko ang sakit sa buong katawan ko. Kita ko din ang pamamaga ng hita ko dahil may benda sa kaliwang hita ko at meron namang benda sa kanang braso ko. Pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya at doon ko lang napagtanto na meron pala akong kasama sa tahimik na kwartong ito.

Tanging tunog ng sapatos nya ang naririnig ko. Papalapit. Dahan dahan. Hanggang nasa harapan ko na sya. Hindi ako makapaniwala pero kailangan maniwala. Hindi ito panaginip kaya't napangiti na lamang ako ng patago. Umupo sya sa side ng kama ko at tinulungan akong tumayo habang hawak ako sa likod ko bilang suporta. Nang nakaupo na ako umupo sya ng maayos sa side pa din ng kama at tinignan ako.

"Ayos ka na ba? May masakit ba sayo?"

"Hindi na ako magsisinungaling dahil masakit pa talaga ang buong katawan ko." Mahina syang napatawa sa sagot ko pero agad din nagseryoso.

"Kapag nalaman ko lang talaga kung sino ang puno't dulo nito hindi ako magdadalawang isip na patayin sya. Ako mismo ang papatay." Napatingin na lamang ako ng seryoso sa kanya dahil ang awra nya ay talaga namang nakakatakot.

"Papatayin talaga?" Pagtatanong ko.

"Kulang pa iyon, sinaktan ka nila." Hindi ko masyado narinig ang huling sinabi nya kaya nalito ako.

"Ha?"

"Wala ang sabi ko kumain ka na." Natatawang saad nya. Habang nakatingin ako sa kanyang gwapong mukha inaayos nya naman ang mga pagkaing kakainin ko.

"Oh kain na." Sabay abot nya sakin ng plato. Nahirapan akong gumalaw upang kunin iyon kaya't ng mapansin nya iyon ay sya na mismo ang nagtapat ng kutsara sa bibig ko. Bahagya akong nagulat kaya't natawa sya kasabay ng pagpisil sa tungki ng ilong ko.

"Ako na ang magpapakain sayo, I forgot masakit pa nga pala ang katawan mo." Tumango naman ako at mabilis na sinubo ang kutsara na may lamang pagkain. Namula ako don ha!

Nang matapos akong kumain sya pa mismo ang nagpainom ng tubig sakin kaya medyo nahiya talaga ako. Pinatawagan ko naman si Sheila sa kanya upang magpalinis ng katawan dahil sabi ko hindi ako sanay na hindi nililinis ang katawan ko dahil feeling ko ang lagkit ko. Ilang minuto ang nakalipas ay dumating din naman si sheila na may dalang mga gamit ko kaya't nagpaalam muna ang alpha.

Ilang oras ang nakalipas ay natapos din akong maligo. Nahirapan si Sheila sa pagpaligo sakin dahil konting dali lang sa katawan ko ay ramdam ko na agad ang sakit. Nang nabihisan nya na ako ay dahan dahan nya akong iniupo sa kama ,habang sinusuklay nya ang buhok ko.

"Gamma, anong meron sa inyo ng Alpha ha?" Bahagya akong nagulat sa tanong nya.

"A-ano ka ba! W-wala no!" Giit na sagot ko. Napatawa naman sya sa sagot ko.

"Wala daw pero halos mangatal na yang nga salita mo!" Namula naman ako sa sinabi nya at pinagpatuloy nya na lang ang pagsususklay sa buhok ko.

"Nga pala, nakita mo ba ang mga mukha na kumuha sayo?" Napabuntong hininga ako bago sagutin ang tanong nya.

"Hindi eh, masyado ng pagod ang katawan ko non kaya't nung nabaril ko sila unti unti ng nanlabo ang mata ko at--"

"At dumating ang Alpha upang tulungan ka kaya't duon nag simula ang storya nyong dalawa." Natawa naman kami sa sinabi nya pero naputol ang pagtawa namin ng bumukas ang pinto at pumasok na ang Alpha.

Bahagyang lumapit sakin si Sheila at may binulong na halos ikasabog ng sistema ko.

"Paano ba yan andyan na ang Supremo, basta huwag isusuko ang perlas ha?" Tumawa sya ng bahagya habang nagpaalam sa Alpha na lalabas na at eto ako ngayon iniwang nakangangang tulala.

"Hey you okay?" Bahagya akong namula dahil napansin nya siguro ang pagkatulala ko.

"A-ah eh okay lang naman." Nakangiting saad ko kumbaga ngiting pilit. Si Sheila naman kase!

"You need to rest." Seryosong sabi ng Alpha kaya napanguso ako sa sinabi nya.

"Hindi pa ako inaantok. Ayoko munang humiga." Nakangusong saad ko nagulat naman ako ng pumunta sya sa tabi ko at tinaasan ako ng kilay.

"Ha?"

"Move."

"W-what?" Naguguluhang tanong ko

"I said move hidi ka pa inaantok diba? Tabihan na lang kita mahirap umupo masakit sa pwet." Nakangising saad nya. Napa ubo na lang ako kunwari.

"Di kasya duon ka na lang sa couch." Natatawang sabi ko. Agad syang sumimngot at ngumuso. Damn his lips!

"Sa gwapo kong ito pahihigain mo ako sa maliit na couch na iyan?" Bago pa ako makasagot sa sinabi nya ay agad syang humiga sa tabi ko at wala akong ibang magawa kundi ang umisod.

Naguguluhan ako sa asta ng Alpha ngayon dahil kung tutuusin hindi ganito kumilos ang isang Alpha. Tinignan ko sya ng seryoso pero nakapikit naman sya kaya't pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha.

Gwapo talaga ang Alpha. Halos perpekto na. Maputi, matangkad matangos na ilong yung kilay nya na itim na itim at makapal pero bumagay sa kanya, yung pag ngiti nya na kulang na lang matanggal lahat ng damit mo sa katawan, at ang kanyang labi na mapula na siguro ay kay sarap halikan.

Nagulat naman ako ng nagmulat ng mata ang Alpha at nakakalokong nakangiti sakin. Fuck.

"Tapos mo na bang sauluhin ang buong detalye ng mukha ko?" Ngising gwapong tanong nya. Literal na namula ako kaya napayuko ako.

"H-hindi ko naman ikaw tintignan." Parang bata kong saad.

"Really? Why can't you look at me?" Tanong nya at hinawakan ang baba ko upang iharap sa kanya.

"H-hey what are y-you doing?" Kinakabahang tanong ko. Pwro sa halip na sagutin nya ako ay dahan dahan nya akong ihiniga sa kama kayat nakaharap ako sa mukha nya.

"I want to protect you." Sasagot sana ako pero nilagay nya ang daliri nya sa kamay ko upang ipagpatuloy ang sinasabi nya.

"I know you think I'm weird but Ashira, I want to protect you no matter what happen. Doble ang sakit na nararamdaman ko kapag nakikita kong nasasaktan ka.  Even though the beta is always by your side, damn! I want to protect what's mine." Natulala ako sa sinabi nya lalo na sa paghalik nya sa noo ko. Napangiti na lang ako ng patago.

Bakit ganyan ka Alpha?

***

Crimson University (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang