Part 30

1.3K 48 1
                                    

Drake Nathan POV

Andito ako ngayon sa office upang ayusin ang mga natitirang files dito sa table ko. Wala pa akong kain simula kaninang umaga. Last na itong inaayos kaya naman binilisan ko na ang pag tapos sapagkat gutom na talaga ako.

"Done!"

Nakangiti akong lumabas ng office at sininghot este dinama ang simoy ng hangin. Naglakad na ako papuntang cafeteria ngunit ang nakakapagtaka maraming estudyante ang nakapalibot na para bang may tinitignan.

Sa halip na pansinin ko ito ay bumili na lamang ako ng pagkain at umupo sa bakanteng upuan. Maraming bumabati saking estudyante kaya naman nginingitian ko ang mga ito.

Habang nakain ako. Kinuha ko muna ang aking cellphone upang tawagan si Ashira.

Calling Ashira Astid...

Napaiilng na lamang ako at binaba ang cellphone. Siguro ay busy ang batang iyon pag sasang ayon ko. Nang matapos na akong kumain. Napagpasyahan kong pumunta sa garden upang duon magpahangin.

Nakabulsa akong naglakad papunta sa garden na ngayon ay tanaw ko na. Hindi naman nag palampas sa mata ko ang isang babae at lalaki na magkasama.

"Asan kaya ang Alpha? Dapat pinapapatay nya ang mga couple dito eh." Napatawa na lang ako ng mahina sa sinabi ko.

Umupo ako sa isang gilid at pinagmasdan ang kabuoan ng garden.

Kailan kaya matatapos ang gulo na mayroon dito? Kailan kaya magiging ordinaryo ang lahat ng nandito? Kundi dahil kay Alucard siguro hindi masisimulan ang delubyo na nararanasan ng bawat isa dito.

Marami na ding nadamay na inusenteng mga estudyante at bilang Beta, hindi na ako papayag pa na may madamay sa gulo na ito.

Biglang nag vibrate ang cellphone kaya naman ka agad ko itong kinuha. Pag kabukas ng mensahe ay nawala ang lahat ng saya na nararamdaman ko.

Agad akong tumakbo at tinahak ang likudan ng paaralan. Madilim at magabok at tanging yabag ko lamang ang naririnig ko hanggang sa nakarinig ako ng mahinang kaluskos kaya naman agad akong lumingon.

"Asan ka!? Magpakita ka!" Wala akong nararamdaman na takot ngunit kaba ang bumabalot sakin dahil walang kasiguroduhan kung lalabas pa akong buhay dito.

"Well, well, well." Napatingin ako sa taong nagsalita at hindi ako nagkakamali. Andito nga sya.

"Ano bang kailangan mo!? Paano ka nakapasok at bakit mo ba ginagawa ito!?" Sa halip na sumagot ito sa tanong ko ay tumawa lamang ito.

"Easy lang. Masyado kang maraming tanong. Isipin mo na lang na kapag sinagot ko ang tanong mo, maagang matatapos ang lahat. Why can't you just enjoy this moment?" Hindi ko mapigiling mainis sa sinabi ng hayop na ito.

"Enjoy? Sa tingin mo ba makaka pag enjoy pa ako kung yang mukha mo ang makikita ko Alucard?" Naglalaban ang tingin naming dalawa kaya naman hinanda ko na ang sarili ko sa susunod na mangyayari.

"Oh tinawag mo ako sa aking pangalan. Alam mo ba kung sino ang kinakalaban mo Drake?"

Mabilis ako umalis sa aking kinakatayuan ng biglang maglaho si Alucard sa aking harapan. Alam kong nandito pa sya dahil ramdam ko at alam kong madumi itong maki paglaban. Napaluhod ako ng makaramdam ako ng isang malakas na sipa sa likuran ko. Hindi pa man din ako nakakatayo ng bigla nitong idiin ang kuko nya sa hita ko na nagpa sigaa saakin.

"Aah! Madumi ka talagang maglaro." Hinawakan ako nito sa aking buhok at iniharap sa kanya.

"Umpisa pa lang pero mukhang nahihirapan ka na." Nakangiti ito na parang demonyo ngunit dinuraan ko lamang ito sa harap ng kanyang mukha at ngumisi.

"Fuck you." Nakangising saad ko na mas lalong nagpagalit sa demonyong kaharap ko.

Mabilis akong tumayo at inikot ang braso nya na nag paupo sa kanya kaya naman nakakuha ako ng tamang tyempo upang sipain ito ng malakas sa likod ngunit mabilis itong nakatayo kaya ako naman ang nakahiga.

"Not so fast my dear." Sinakal ako nito ngunit sinipa ko lamang ito na nagpatalsik sa kanya.

"Get lost."

Matindi ang aming paglalaban at matinding pagod na din ang aking nararamdaman kaya naman sa hindi inaasahan tumilapon ako kaya naman napa pikit ako.

"Ito na ang katapusan mo." Hindi ko na nagawang imulat ang aking mata at hinanda ang sarili sa kung anong mangyayari.

Inisip ko na lamang ang magagandang pangyayari sa buhay ko. Ang mga magulang ko, kaibigan ko, at ang pinaka mamahal kong kapatid. Ashira.

***

Ashira POV

Pagkatapos naming kumain ni Damon napagpasyahan naming pumunta sa garden upang tumambay lang. Habang nag kwekwentuhan ng kung ano ano.
Naisip ko na tawagan muna si kuya upang kamustahin sya. Ngunit nakakapagtaka na para bang malapit lang samin si kuya dahil naririnig ko ang pag tunog ng cellphone nya.

Inulit ulit ko ang pagtawag hanggang sa makita ko ang cellphone ni kuya na nasa damuhan. Agad ko itong pinulot at hindi ko alam ngunit kinakabahan ako.

"Hey! You okay?" Napatingin ako kay Damon.

"Para kaseng may mali. Hindi naman tanga si kuya upang iwan ang cellphone nya dito." Napatango si Damon sa sinabi ko.

"Can you open his phone? Baka sakaling malaman natin kung may pinuntahan sya."

Agad akong dumiretso sa mga messages at hindi ko pa man din nabubuksan ang kabuoan ay kaba na ang bumabalot sakin. Isang unknown message ang napansin ko kaya naman binuksan ko ito ka agad at ng makita ko ito, hindi ko mapigilang kabahan.

Uknown number

Hindi ko gagalawin ang kapatid mo basta puntahan mo ako sa likod ng paaralang ito ng walang kasama or else, mamatay sya.

-alucard

Mabilis naming tinahak ni Damon ang likod ng paaralan at duon tumambad samin ang isang abandunadong building. Malakas ang kutob ko na narito sila kaya naman tinakbo ko ito at malakas na sinipa ang pinto. Tumalsik ito at duon ko nakita ang kapatid kong duguan at si Alucard na nakataas ang kamay na para bang may binabalak.

Nagdilim ang paningin ko kaya napalikit ako ngunit ilang sandali pa lamang ay ramdam ko na may nagbago sa itsura ko. Ang kaninang nakangiting Alucard ay serysong nakatingin sakin.

"Anong ginawa mo sa kapatid ko?" Malalim na boses ang kumawala sa akin.

"Papatayin ko na sana eh. Kaso dumating ka. I mean kayo pala."

"Hindi ka ba natatakot sa pwede kong gawin." Nag pakawala ito ng isang nakaka tindig balahibong tawa.

"Hindi ba't ako dapat ang nagtatanong nan? Hindi ba kayo natatakot sa pwede kong gawin?"

Tinignan ko ito ng seryoso at tinaas ang kanang kamay ko. Tumalsik ito ngunit hindi pa ako nakuntento dahil sunod sunod pa akong nag pakawala ng malakas na pwersa.

Napailing na lang ako ng nakita ko ito na wala man lang bahid na dugo sa katawan nya. Nakangiti ito na para bang nasiyahan pa sa ginawa ko.

"Tandaan mo ito, hindi pa ito ang katapusan ng lahat."

***

A/N: hi guys! Pasensya na kung ngayon lang ako nakapag UD. Ang dami lang talagang ginagawa sa school kaya naman ngayon ay babawi na ako. Enjoy reading! Love lots ^_^

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now