Part 22

1.4K 54 5
                                    

Someone's POV

Gulat ang makikita sa mukha ni Drake ganun na din sa kanyang mga pinsan at sa kaibigan nyang si Neil. Hindi nila lubos mawari kung bakit ganoon na lang lakas ni Ashira. Halos lahat ng kalaban ay tumba at si Brando ay patay na.

Nagulat naman ang magpipinsan ng napagtanto nila na nawala si Brando sa kinahihigaan kanina at nakita nilang nasa likod na ni Ashira si Brando. Hindi pa nakapagbibigay ng sensyas ang mag pipinsan ay agad nalaman ni Ashira na may kalaban sa liuran nya kaya't agad nyang binali ang leeg nito ng walang kahirap hirap.

Nag balik na sa anyong tao sila Drake kaya naman tumalikod na si Ashira at agad sumakay sa kotse. Napapikit na lamang sya. Hindi nya alam kung paano nangyari ang lahat ng ito at kung paano ganoon na lamang ang lakas ng kapangyarihan nya.

Agad syang umayos ng upo ng sumakay na ang mga pinsan nya sa kotse. May galos at halos sira na ang damit ng mga ito. Tahimik ang naging byahe at kahit isa'y walang nag tatangkang magsalita. Hindi pa rin mawala sa isip nila kung paano naging ganoon si Ashira.

Tumigil ang kotse sa tapat ng isang gate. May isang babaeng nag babantay at ng makilala nila ito ay agad silang bumaba. Huling bumaba si Ashira na hindi pa rin mag sasalita. Tahimik nitong tinungo ang loob ng bahay nila at nakita nito na halos lahat ay sa kanya nakatingin. Hindi nya binigyan ng pansin ang mga ito dahil ang hinahanap ng mga mata nya ay ang kanyang ama.

Nang makita nya ang hinahanap nya ay agad itong tumakbo patungo sa kanyang ama upang  bigyan ng isang yakap.

"Dad ayos lang po ba kayo?" Garalgal na tanong nito sa kanyang amang nakahiga.

"Oo anak ayos lang ako. Ang kuya at mga pinsan mo asan sila? Ayos lang ba sila?" Napabuntong hininga naman si Ashira bago tumango. Nagpa alam naman ito at sinabing magpapahinga muna sya.

Agad syang nagtungo sa kanyang silid. Ni-lock nya ang pinto at napaluhod na lang sya sa sakit na nararamdaman nya. Napasigaw sya ng hindi nya na kinaya ang sakit sa kanyang katawan at wala pang ilang sandali ay nag anyo syang asong lobo. Nakarinig sya ng ilang mga katok sa pinto nya kaya naman agad syang tumalon mula sa bintana at nagtungo sa malapit na kagubatan.

Takbo lang sya ng takbo hanggang sa naramdaman nyang may natapakan syang matilos na bagay na nagpatigil sa kanya. Agad syang bumalik sa pagiging normal na tao. Nakita nya naman na nagdurugo ang paa nya kaya naman napamura sya dahil bukod sa nasugatan sya ay wala pa syang saplot na kahit ano man lang. Nakarinig sya ng isang mahinang kaluskos na nanggagaling sa likod ng puno kaya naman ang tangi nya lang magawa ay ang takpan ang sarili nyang katawan.

Luminga linga sya at nakita nyang may isang kamay na tila nag aabot sa kanya ng isang telang puti. Tinitigan nya lang ito at hindi tinanggap.

"Binibini gabi na. Hindi ako masamang tao, katulad mo din ako kaya tanggapin mo na ito bago pa may dumating na iba dito at makita kang ganyan." Malalim ang boses ng lalaking nagsalita. Agad naman nyang kinuha ang binigay nito at napag tanto nya na isa itong puting bestida.

Sinuot na nya ito at napatango sya ng nagsakto ito sa kanya. Hinayaan nya na lamang na nakalugay ang curly at medyo brown nyang buhok. Sakto naman lumabas ang lalaki sa likod ng puno kaya napaatras sya ngunit nakaramdam sya ng hapdi sa kanyang paa kaya naman natumba sya ngunit bago pa man din sya bumagsak ay nasalo na sya ng estrangherong lalaki.

"May paparating, kailangan na nating umalis." Hindi pa man din nakaka sagot si Ashira sa lalaki ay agad nag form na asong lobo ang lalaki at walang pag dadalwang isip ay sumakay na sya sa likudan nito.

Mabilis ang takbo ng lalaki kaya naman ramdam nya kung gaano kalamig ang gabi ng mga sandaling iyon. Tumigil ang lobo sa isang maliit na bahay na napapaligirang ng mga puno. Agad syang bumaba at napatalikod ng napag tanto nya na walang saplot ang lalaki.

Narinig naman nya ang mahinang pagtawa nito kaya naman lumingon na sya dito. Sakto naman at may damit na ang lalaki.

"Ako nga pala si Dexter Montague. Sa nakita mo naman kanina hindi na kataka taka na parehas tayo ng katauhan. Kung iniisip mo naman kung masama ako mali ang iniisip mo. Ikaw binibini maari ko bang malaman ang pangalan mo?" Tumango na lamang si Ashira.

"Ashira Astrid Evans. Kinagagalak ko na makilala ka." Magalang na sabi ni Ashira. Tumango na lamang si Dexter at niyaya na si Ashira.

"Malamig na binibini kaya maari ba kitang imbitahan sa loob ng bahay?" Magalang na tanong ng lalaki. Tinignan muna ni Ashira ang lalaki.

"Sige." Maikling sagot nya. Nilibot nya naman ang mata nya sa loob ng bahay. Medyo may kalumaan na ang bahay ngunit nananatili pa rin ang kalinisan nito.

"Apo bakit ngayon ka lang?" Napatingin naman sya sa nagsalita at nakita ang isang matanda na nakatayo sa gilid ng pinto. Agad naman itong napatingin sa kanya kaya napayuko sya.

"Lola gabi na, kailangan nyo na pong mag pahinga." Sagot ng lalaki ngunit hindi sya pinansin ng matanda sapagkat papalapit itong tumungo kay Ashira.

"Apo sino ang magandang binibining dinala mo rito? Sya na ba ang iyong kasinatahan?" Agad namang napatingin si Ashira sa lalaki at nakitang namumula ito.

"Nako lola hindi po, nakita ko lang po sya sa kagubatan at tila kailangan ng tulong kaya naman po tinulungan ko sya." Tinignan ng matanda si Ashira na tila ba kinikilatis ang katauhan nito.

Ngumiti ang matanda kay Ashira kaya naman ngumiti si Ashira ng pabalik kahit na naiilang sya.

"Katulad ka din namin iha diba? Isa ka ring taong lobo." Nagulat naman si Ashira at tila napansin ito ng matanda kaya bahagyang napatawa.

"Unang kita ko pa lang sayo ay alam kong iba ka. Maari ko bang tignan ang palad mo?" Nagtatanga man sya ay pinakitq nya pa rin ang palad nya.

"Manghuhula po kayo?" Pagtatanong ni Ashira. Napangiti naman ang matanda.

"Parang ganon na nga iha." Sagot ng matanda.

Hinawakan nito ang kamay nya at tinignan ang kabuoan ng palad nito. Hinaplos haplos ito ng matanda at tumigil sa gitna ng palad nya at pumikit.

"Marami kang haharapin na pagsubok pero lahat ng pagsubok ay malalampasan mo. May isang tao na tutulong sayo upang makaya mo ang lahat ngunit ang tao na tutulong sayo ay sya ding mananakit sayo. Mag iingat ka sa mga makakasama mo. Wag kang magtitiwala agad. Malapit ng dumating ang delubyo." Halos kapusin sa hiniga si Ashira ngunit bago pa man din bitawan ng matanda ang kanyang kamay, may sinabi pa ito na nag patigil sa kanya.

"Ikaw ang itinakda."

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now