Part 7

2K 71 0
                                    

Ashira POV

Andito ako ngayon sa garden namin habang kumakain ng favorite kong sandwich with apple juice. Napaka init na ng panahon ngayon kaya naman naka sando ako at simpleng maong short lang.

Habang kumakain ako pinagmasdan kong mabuti ang kabuoan ng garden namin. Wala pa ding nagbago. Ganun pa din. Bawat sulok ay naaalala ko ang mga magagandang ala-ala naming pamilya.

Ang paghahabulan namin ni Kuya ng bata pa kami. Ang paglalaro namin nila dad ng luksong baka at ang lagi naming tinataya ay si Kuya. Tanda ko pa nga nung nagdidilig kami ng halaman dito nagbasaan kami at daig pa naming pumunta sa rave party.

Napatigil ako sa pag iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nang nakita ko kung sino ang caller ay napangiti ako.

"Kuyaaaaa! Asan ka ngayon!?"

"Lakas ng boses mo! Hindi ako makakauwi dyan maraming inaasikaso dito sa school."

"Daig mo pa ang principal ah bising busy lang?"

"Eh ang dami gawain dito eh nyeta! Gusto ko na nga umuwi dyan!"

"Umuwi ka na kase miss ka na nila mom and dad."

"Pasensya na lil sis."

"Tsk basta next month ha! Dapat pag uwi ko andito ka na din! Hindi masaya kapag wala ka!"

"Dami mong alam lil sis o sya ibababa ko na ha? Basta mag iingat kayo dyan I love you."

"I love you too kuya."

Ang hinayupak kong kuya mukhang busy talaga ah. Daig pa ang manager ng jolibee sa pagiging busy. Si kuya nakakatawa kasama yan. Minsan nga pag lumalabas kaming dalawa napag kakamalan na boyfriend ko at napagkakamalang girlfriend nya ako.

Gwapo kasi si kuya. Hinayupak nga lang. HAHAHA never nag ka girlfriend dahil wala pa daw yun sa isip nya. Ulul sya baka nga mamaya nalaman namin na nakabuntis na pala sya. Natawa na lang ako sa mga naiisip ko.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita ko sila mom and dad na nanonood ng movie. Pumunta naman ako sa kanila at humiga sa hita ni mom. Napangiti naman si dad ng bahagya.

"Ang prinsesa ko malaki na." Nakangiting saad ni dad. Hinaplos haplos naman ni mom ang buhok ko.

"Dad kahit malaki na ako I'm still you're princess and kuya is my prince." Nakakatawa mang isipin pero may side ako na medyo childish ako. Kayna mom, dad, at kuya lang ako ganito. Yung sobrang sweet.

Mahirap na kase. Now a days marami ng plastik kaya hindi ko alam kung tunay nga ba ang mga kaibigan ko. Pero sa nakikita ko naman at sa tagal na naming magkakasama nila Sheila ay totoo sila dahil bukod kila mom ay sila ang tumutulong sakin kapag may problema ako. Hindi nila ako iniwan.

Nanood kami ng movie nila mom at dad at pag katapos noon ay nagkwentuhan kami about sa school marami silang tinatanong kung mababait daw ba ang mga kaklase ko doon at puro positive lang naman ang sagot ko.

Natutuwa sila sakin dahil mabuti naman daw at nagustuhan ko ang eskwelahang napili nila. Masaya akong nakikita kong masaya ang aking mga magulang ng dahil saakin.

Pagkatapos ng kwentuhan.  Nagluto si dad ng pagkain then kumain na kami. Marami pa din syempre kaming pinag usapan at hindi naman ako nag sasawang kausapin sila dahil alam kong miss na talaga nila ako. Pagkatapos kong kumain ay humiga ako sa sofa at pumikit.

***

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pagkamulat ko ay nasa kwarto na ako madaling araw na din pala. Siguro si dad ang bumuhat sakin patungo sa kwarto ko. Pagkatingin ko sa orasan ko ay mahigit alas tres na ng umaga. Bumaba naman ako sa aking kama upang bumaba at magtungo sa kusina. Nauuhaw ako.

Habang naglalakad ako pababa hindi ko alam kung guni guni ko lang iyon pero parang may nag mamasid saakin. Binuksan ko ang switch ng ilaw. Kumuha ako ng tubig sa fridge at sinalin sa baso upang inumin iyon.

Napaupo ako sa sofa at humiga, nawala ang antok ko at mulat na mulat na ako ngayon. Napalinga linga ako dahil pakiramdam ko talaga na may nag mamasid saakin. Nakakita ako ng anino sa may bintana. Kaba agad ang aking naramdaman pero hindi ako nag patinag. Lumapit ako papalapit sa may bintana upang alamin kung sino ang lalaking nakatalikod.

Habang papalapit ako ay syang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung ano itong nararamdam ko pero sa halip na takot ay nakaramdam pa ako ng saya?

Ang mabilis kong lakad kanina ay napalitan ng sobrang bagal na lakad. Hindi ko alam ang nangyayari. Para akong nasa isang panaginip. Nakatutok lang ang mga mata ko sa likuran ng misteryosong lalaki na nandito sa bahay namin.

Kung nandito si kuya tsak gising na ang mga kapitbahay namin dahil bubugbugin nya ang lalaking ito.

Umihip ang malakas na hangin at naka amoy ko ng pamilyar na pabango. Pagkalingon ko sa lalaki ay lumingon din sya sakin kalhati lang ng mukha nya ang nakita ko. Kita ko na nakangiti sya saakin at kung hindi ako nag kakamali sya iyon! Bago ko pa man sya maabutan ay nawala na sya ng parang  bula.

Ang Alpha, bakit nandito sya?

***

A/N: pasensya na kung short update lang ito. Hindi kase ako marunong gumawa ng POV na more on family but, hope you like it.

Crimson University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon