Part 33

1.3K 47 2
                                    

Someone's POV

Bawat lakad nila ay bawat suntok at sipa ang pinatatamo nila sa mga kalaban. Ngayong gabi alam nila na magiging madugo ang labanan.

Takbo lakad nilang tinahak ang gym kung saan nag hihintay ang mga demonyo na kakalabanin nila. Tahimik ang gym. Madilim at walang makikitang kahit ano.

At nang buksan nila ang switch ng ilaw ay naramdaman ni Ashira na para bang may likido na tumutulo sa balikat nya at ng tignan nya ay napa sigaw na lamang sya.

"Dugo!"

Agad na alerto si Damon at Drake kaya naman ng bukas na ang ilaw sa kabuoan ng University ay kitang kita nila kung gaano karami ang kakalabanin nila ngayong gabing ito.

Pumwesto sa kaliwa si Damon sa kanan naman si Drake at pumagitna si Ashira sa gitna. Nagtinginan ang tatlo at ng nagtanguhan ang mga ito ay agad silang sumugod na gayun din ang ginawa ng mga kalaban.

Sa bilis ng Alpha ay hindi mapag kakaila na marami na agad itong napapaslang. Mabilis na tumitilapon ang katawan ng napapatay nito kung saan saan. Naging lobo naman si Drake ngunit bago ito makipag sagupan ay umungol ito ng napaka haba at nakaka pangilabot na ungol.

Mabilis ang ginawa nitong galaw at malalakas na sipa ang ginawa nito. Nagtulungan sila ng Alpa upang tapusin ang lahat ng kalaban ngunit hindi nila maitatanggi na sadyang marami ang mga ito.

Napaluhod ang Beta sa tinamo nyang sipa at kalmot sa isang bampira na kalaban nya. Samantalang si Damon naman ay walang tigil na lumalaban sa mga ito. Napunta ang atensyon nito sa Beta kaya naman hindi nya nakita na may kalaban na sa harapan nya. Tumalsik ito sa dulo ng gym kaya naman ramdam nya ang sakit sa kanyang likuran.

Mabilis naman syang tumayo at wala pang isang segundo ay hawak nya na ang puso ng bampirang iyon. Nilapitan nya ang Beta at tinulungan.

"Ayos ka lang ba?" Pagtatanong nya sa beta.

"Ayos lang ako. Ang isipin mo ay ang kalaban natin ngayon."

Hinarap ng Beta ang mga itim na mga lobo na dating gustong pumaslang sa pamilya nila. Sa dami ng mga ito, pinalibutan sya ng mga lobo ngunit sa isip nya ay alam nya na ang gagawin nya.

Bago pa man din sya sakmalin at talunan ng mga lobo mabilis syang nakatakas sa pagkabilog sa kanya ng mga ito at mabilis na pinag sasakmal ang leeg ng bawat isa. Mabilis na natapos ang pag paslang nya sa lobo ngunit hindi lumampas na mata nya ang isang lobo na mukhang tatakas pa.

Mabilis nya itong tinalunan kaya naman napahiga ito. Lumapit naman ang Alpha at pinihit ang ulo ng asong lobo.

Sipa. Sapak. Kalmot. Kagat. Madugo ang nangyaring labanan hanggang sa dumating ang hinihintay nilang kalaban.

Dahan dahan itong naglalakad na may dugo sa kanyang bibig. Tinapon nito ang baso na hawak nya na naglalaman ng dugo.

"Kanina nyo pa ba ako hinihintay?"

Malalim na boses ang pinakawala ni Alucard. Tumingin ito sa Alpha at Beta na may mala demonyong ngiti sa labi hanggang kay Ashira nya tinapon ang nakakamatay na tingin.

Mabilis na kumilos si Damon ngunit hindi nya alam ay naka alarma si Alucard sa kung anong bawat galaw na gagawin nila.

"Hindi ka pa nasanay aking pamangkin. Alam mo namang malakas ako kesa sa inyo."

Dumura ng dugo si Damon at seryosong tumingin kay Alucard.

"Of course sanay na ako. Madumi ka pa rin maglaro Alucard."

"Well, well, well. Bakit hindi natin gawing laro ang pag lalaban na ito." Nakangiting saad ni Alucard.

Sumama naman ang tingin ng Alpha at Beta sapagkat hindi nila mawari kung ano ang tumatakbo sa isip nito ngayon.

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now