Part 12

1.8K 71 0
                                    

Ashira POV

Ilang araw na ang lumipas pero sariwang sariwa pa din ang pagkakawala ni Nathaniel. Halos si Sheila ay hindi na kumakain dahil sa pangungulila kay Nathaniel. Andito kami ngayon sa loob ng dorm at tahimik na kumakain ng natapos na ang iba sinabi ko na ako na lang ang maglilinis dahil wala naman akong gagawin ngayon.

Habang naghuhugas ng pinggan hindi ko mapigilang alalahanin ang sinabi sakin ni Nathaniel na gusto nya si Sheila. Pero pati yun ba plano lang? Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero paano? Wala na siya.

Natapos akong maglinis ay may nahulog na papel sa taas ng fridge, dahil na rin siguro sa pagsarado ko dito ay nahulog ito. Ano kaya ito? Nanginginig kong kinuha ang papel at binuksan at bumuhos ang luha ko ng nalaman kong galing ito kay Nathaniel.

"Sheila!" Malakas na sigaw ko na nagpababa sa kanila.

"Anong problema gamma?" Kinakabahang tanong ni sheila at mas lalo pa syang naguluhan nang nakita akong uniiyak. Dumapo ang tingin nya sa papel na hawak ko.

"S-sulat galing kay Nathaniel." Agad na lumapit sakin ang mga kasamahan ko at binuksan ang papel na hawak ko.

Ashira, siguro kapag nabasa nyo ito ay wala na ako. Pasensya na dahil kailangan kong gawin ito dahil ayokong mapahamak kayo. Maraming salamat sa mga masasayang ala-alang nabuo nating dalawa. Hindi kita makakalimutan dahil sa taglay mong kabaitan. Gusto ko lang din sabihin na totoo ang nararamdaman ko para kay Sheila, nakakalungkot lang na wala na ako upang ituloy ang mala fairy tail naming storya. Hayaan nyo wala man ako sa tabi nyo lagi lang ako nandito para bantayan kayo.

Mag ingat kayo. Malapit ng dumating ang delubyo. Malapit na syang dumating.

Naiyak ako sa sulat ni Nathaniel pero gulong gulo din ang isip ko dahil hindi ko maintindihan ang delubyong sinasabi nya. Matapos kong mabasa iyon nagpaalam muna ako kila sheila na kaulangan kong ipaalam ito kay Alpha at Beta.

Mabilis ako tumakbo papunta sa office ng beta upang ipaalam ang nangyari at agad ko naman syang nakitang nakaupo na para bang may seryosong iniisip. Mukha naman syang nagulat sa bigla kong pagdating.

"Anong problema?"

"May sulat kaming nabasa galing kay Nathaniel."

"Ha? Paanong? Anong tinutukoy sa sulat?"

"Parating na ang delubyo. Parating na sya."

Sa sinabi kong iyon ay tuluyan ng namutla ang beta na para bang may nakakatakot na narinig. Tumayo naman agad sya sa pagkakaupo at tola kinakabahan.

"Kailangan itong malaman ng Alpha!" Sa sobrang bilis ng beta ay hangin na lamang ang naramdaman ko ng umalis sya.

Napabuntong hininga ako at lumabas na ng office. Bakit ganito ang nangyayari? Habang naglalakad ako mag isa ay ramdam kong may sumusunod sakin at bago pa man ako makalinginon ay may tumakip na sa ilong ko at unti unti na akong nahilo.

***

Nagising ako sa halakhakan ng mga lalaki. Minulat ko ang mata ko at puro usok ang nakikita ko. Ramdam ko ang kirot sa kamay at paa ko dahil naka tali ito. Unti-unting nag adjust ang mata ko ay nakita ko ang mga naka mask na lalaki sa harapan ko. Lima sila. Umupo ako ng tuwid at matapang silang tinignan.

"Gising na pala ang mahal na prinsesa." Sabi ng pinakamatangkad sa kanila at pinantayan ako ng upo.

Ang mga lalaking ito ay parang kaedad lang ng beta medyo matanda sakin. Kitang kita ko ang mga naglalakihan nilang katawan at ang iba pa ay may hawak na baseball bat.

Sakin ba nila gagamitin iyan? Fuck!

Ngumisi ang lalaking kaharap ko ng nakita nya ang takot sa mukha ko. Pero agad ko din namang pinalitan ang ekspresyon ko. Seryoso na tila walang pake. Natawa ang lalaki sa ginawa ko at sumabay din naman sa pagtawa ang mga kasamahan nya. Hinawakan nya ako ng mahigpit sa panga at matalim akong tinignan.

"Matapang kang babae ka!" Galit na sigaw nya at nagbago bigla ang kulay ng mata nya. Bampira. Sa halip na sagutin ko sya ay ngumisi lang ako.

"Alam mo bang kayang kaya ka naming patayin!?" Galit na sigaw nya sabay sampal ng malakas sakin. Halos tumilapon ako sa kinauupuan ko dahil sa lakas ng sampal ng hayop na ito!

"Hayop ka! Ano bang kailangan mo!?" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Masyado kang pakilamera!" Sigaw ng isang lalaki at hinampas nya sa braso ko ang baseball bat na hawak nya. Napadaing ako sa sakit.

"A-agh! Fuck what do you want!?" Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses sa sakit na iniinda ko.

"We want you. We want to taste you." Nangilabot ako sa narinig ko lalo na nang lumapit sya sa leeg ko. Ramdam ko ang matulis nyang pangil na dumikit sa leeg ko. Tangina.

"Stop." Sabi ko ng seryoso pero hindi sya tumigil. Pumikit ako ng mariin at kinuyom ang kamao ko.

"I said stop!" Galit na sigaw ko pero sampal lang ang sinukli ng hayop na ito sakin.

"Mayabang ka talaga! Papatayin kita! Isusunod ka namin sa kaibigan mo. Ikamusta mo kami ha?" Ngumisi sya ng nakakaloko at tinanguhan ang mga kasama nya.

Naguguluhan man ako pero na gets ko lamang ang ibig nyang sabihin ng sunod sunod na pag atake ang naramdaman ko. Nahulog ako sa upuan sa lakas ng sipa sakin ng lalaki. Sumunod ang pangalawa. Tinanggap ko na lamang ang suntok, sipa, at palo na galing sa kanila.

Masakit. Sobrang sakit na hindi ko na kayang imulat ang mga mata ko. Sigaw lang ako ng sigaw. Habang sila ay tawa lang ng tawa. Mga walang hiya. Sisiguraduhin ko na kapag nakawala ako dito ay kawawa kayo!

Tumigil sila sa pagbugbog sakin at ako naman ay hingal na hingal sa ginawang kawalanghiyaan nila sakin. Kahit hinang hina ako ay buong lakas kong hinugot ang cutter sa likod ng pants ko. Unti unti ko namang nilalaslas ang tali sa kamay ko at success ko itong natanggal. Hindi ako nagpahalata na nakawala na ako at ng tumalikod sila duon ko lang natanggal ang tali sa paa ko.

Tumayo ako at hinarap sila kahit hindi ko na kaya. Nagulat ang mga ito sa ginawa ko pero ngumisi lang ako at dumura ng dugo. Nilabas ko ang baril na nakatago sa tagiliran ko at mas lalong lumaki ang ngisi ko ng nakita ko ang galit sa mga mata nila.

Binaril ko ang isa sa kanila at tumumba naman agad ito. Lumabas ang pangil ng apat na natitirang bampira. Akmang lalapit ang dalawa sakin pero agad ko itong pinaputukan ng baril. Ngumisi ako sa natitirang dalawa pero dahil mabilas sila agad akong hinampas ng baseball bat sa hita ng lalaki na kinatumba ko.

"Ano!? Akala ko malakas ka!? Tayo!" Sigaw ng lalaking may hawak ng baseball bat. Pero dahil mabilis din ako agad kong pinutok ang baril sa tapat ng bibig nya.

Mukha namang nagulat ang lalaking natitira. Ito yung lalaking sumampal sakin kanina at kung hindi ako nagkakamali ito ang leader nila. Tumayo ako kahit sobrang sakit na ng katawan ko at wala akong sinayang na oras para iputok ang baril ko.

"I can kill without mercy."

Tumama ang bala sa puso at natumba na ang lalaki. Kasabay ng pagkabitaw ko sa baril ang pagkahilo ko.

Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko ang lalaking bumihag sa puso ko.

Alpha.

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now