Part 6

2.2K 70 0
                                    

Ashira POV

Salamat sa araw dahil mabuti na ang pakiramdam ko. Dalawang araw na ang nakalipas simula nung naka usap ko ang Alpha pero pagkatapos ng nangyari ay hindi ko na nakita ang Alpha. Alam kong misteryoso ang Alpha kaya't nakakapagtaka lang na nakausap ko sya ng ganoong katagal.

Andito ako ngayon sa room habang nagliligpit ng gamit. Kanina kase ay pumunta ako sa office ng principal upang ipaaalam kung bakit ako absent at laking pasalamat ko ng sinabi ng principal na sinabi na daw pala ng Beta sa kanya.

Marami akong naririnig na nagbubulungan o talaga namang nagpaparinig sakin tungkol sa nangyari sa full moon party.

"Ang kapal kase masyado ng mukha, dikitan ba naman ang Alpha? Hindi ba sya natatakot sa kaya nating gawin?" Maarteng saad ni Lory isang bampira. Maraming takot sa kanya dahil sa pag uugali nyang matapang at isama mo pa ang mayaman nyang pamilya. Tumingin naman ako sa kanya ng walang pake. At tila wala din syang pake dahil tinuloy nya pa ang sinasabi nya.

"Siguro may lahing mangkukulam baka kung ano anong pinapainom sa Alpha kaya ayun nabighani ang Alpha. Malandi eh. May Beta na nga may Alpha pa!"

Nilingon ko ulit sya at nakita ang mga kaklase naming nakatingin na para bang naghihintay sa gagawin kong pag atake. Sa ganitong sitwasyon hindi ako mag papatalo. Kung bitch sya. Mas bitch ako!

"Excuse me? In the first place hindi ako ang lumapit sa Alpha. Hindi din ako ang unang humawak sa kamay nya. At anong pruweba mo na isa akong mangkukulam?" Sa sinabi kong iyon ay namula sya at kita ang galit sa kanyang mukha. At syempre tinuloy ko pa ang gusto kong sabihin. "Porket ba nilapitan ng Alpha malandi na agad? Hindi ba pwedeng kinausap lang talaga? Alam mo lory hindi ako mangkukulam at mas lalong wala akong alam sa sinasabi mong gayuma. Dahil sa ating dalawa ikaw ang mas mukhang mangkukulam! Diba't ikaw itong desperada na gustong makalapit sa beta at alpha? And wait wag mong sabihan ng malandi ang sarili mo ha? Pangit ka na nga papangit ka pa. Smile na." Sa sinabi kong iyon nagtawanan ang buong klase. Agad namang nag walk out si lory.

Umalis din naman agad ako sa room dahil wala na masyadong gagawin dahil busy ang mga estudyante sa pagaayos ng gamit para sa darating na araw ng pag uwi.

Pagkarating ko sa dorm nakita ko na nag aayos na ng gamit ang bawat isa. Nginitian ko sila at dumirestso na sa aking silid. Kinuha ko ang maleta na nasa ilalim ng kama ko at nagsimulang kumuha ng mga damit na iuuwi ko. 1 week din kase kami mag s-stay sa bahay kaya naman susulitin ko na.

Habang nag aayos ako ng gamit ay biglang pumasok si Nathaniel.

"Oh anong problema at ganyan ang mukha mo?" Pagtatanong ko sa kanya. Paano ba naman kase parang maiiyak na.

"Mamimiss kita." Natawa naman ako sa sinabi at nagyakapan kaming dalawa. Napabitaw naman agad ako ng hinatak nya ako paupo sa kama.

"May sasabihin ako pero wag kang magugulat ha?" Tumango na lamang ako sa sinabi nya dahil wala akong kaide-edeya. Tila kinakabahan naman sya at bumuntong hininga pa.

"May gusto ako kay sheila." Dahil sa narinig ko napasigaw ako ng sobrang lakas. Hindi ko inaakala to! Well bagay naman sila. Yiiiii.

"Ligawan mo na!" Natawa naman sya sa sinabi ko at bahagyang namula.

"Eh hindi ko nga alam kung paano eh, at isa pa may iba naman atang gusto." Malungkot nyang saad. Tinapik ko sya sa balikat at nginitian sya.

"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Kung hindi ka man nya gusto respetuhin mo at least nasaktan ka dahil sumubok ka hindi dahil nasaktan ka kase duwag ka."

***

Ngayong araw na ito ay uuwi na kaming mga estudyante upang sa bakasyon na binigay ng Alpha. Hanggang ngayon ay hindi ko maiwasan mapatanong kung nasaan nga ba ang Alpha?

Hindi ko sinabi sa mga magulang ko na uuwi ako dahil gusto ko silang masorpresa. Miss na miss ko na sila at tsak na matutuwa sila. Pumasok na ako sa kotse at nag seatbelt. Ang Beta at Gamma ay binigyan ng kotse kaya't meron na akong kotse at ibibigay ko ito sa aking ama.

Habang nagmamaneho hindi ko mapigilang mapangiti. Ano na lang kayang magiging reakson nila? Si mama at papa? Si kuya? Ayos lang ba sila? Binilisan ko ang pagmamanahe hanggang sa marating ko ang bahay na may kalumaan na pero bahay na kinagisnan ko. Ang bahay namin.

Agad akong lumabas ng kotse at tumakbo papuntang pinto. Huminga muna ako ng malalim inayos ang sarili ang kumatok. Agad din naman nag bukas ang pinto at nakita ko ang aking ina.

"Im home!" Masayang sigaw ko at dinambahan sya ng yakap hindi makapaniwala ang aking ina sa nakikita nya kaya't kinurot ko sya ng marahan sa tungki ng ilong nya.

"Bakit napa aga ata pag uwi mo anak?" Natatawang saad ni mommy.

"Hindi ko nga din alam mo kung bakit nag bago ang utak ng Alpha mom, basta ang mahalaga nakauwi na ako." Masayang saad ko tinawag nya naman ang aking ama kaya't napangiti ako ng sobra.

"Rudolf ang anak nating si Astrid nandito na!" Agad kong narinig ang mabigat na takbo pababa ng hagdan ang nakita ang aking ama.

"My princess!" Masayang saad ni dad at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko din naman sya pabalik pero napabitaw din naman ako ng maramdaman kong parang may kulang.

"Mom, Dad. Ang kuya nasaan?" Malungkot kong tanong.

"Hindi nya ba nasabi sayo anak? Marami daw syang aasikasuhin ngayon kaya't hindi sya makakauwi. 1 week daw sya mag s-stay sa school dahil hindi pinayagan ng boss." Nalungkot naman ako sa sinabi ni mommy. Hindi ko tuloy mababatukan ang isang iyon!

"Hayaan nyo na Mom and dad at least makakasama ko kayo!"  Niyakap naman nila akong dalawa at natawa na lang kami. Nakaka miss pala talaga ang bonding namin.

Pero mas masaya kung nandito si Kuya.

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now