Part 2

2.7K 89 5
                                    

Ashira POV

Simula na naman ang pasukan at nagsimula na rin mag ayos ang mga estudyante dahil sa pararating na Full Moon Party. Ang iba ay masaya ngunit ang iba naman ay kinakabahan. Iba't iba kasi ang section namin nila Nathaniel. Nasa section A ako at ang iba naman samin ay nasa B at C. Sa dami ng estudyante sa paaralang ito tyak na maraming uhaw sa dugo namin dahil mga normal kaming tao, pero sinanay ko na ang sarili ko na hindi matakot dahil pinalaki ako ng tatay kong palaban. Once a year lang kase kaming pwedeng umuwi sa sarili naming tahanan miss na miss ko na nga si mama at papa lalo na si kuya.

Hindi ko namamalayang tapos na pala ang klase namin. Kahit kase Bampira at Werewolf ang nakakasama namin may edukasyon pa din namang tinuturo. Noong una nga ay akala ko ang ituturo lang ng mga Teacher dito ay kung paano uminom ng dugo at kung pano mag hunting ng mga tao.

Tumayo agad ako sa aking kinauupuan at sinakbit na ang bag ko. Nang palabas na ako ng room nakita ko namang nakasandal sa pader ang Beta na tila model ng Bench at walang pakielam kung maraming nagpipicture sa kanya. Nang makalapit ako sa kanya ay nginitian nya ako at sinuklian ko din naman iyon ng matamis na ngiti.

"Anong ginagawa mo dito Beta?" Tanong ko habang naglalakad kaming dalawa.

"Gusto ko lamang sabihin sa iyo na pinapasabi ng Alpha na kailangan mong dumalo mamaya sa meeting natin dahil bilang Gamma hindi ka pwedeng mawala. Mamayang alas tres Ashira wag kang mawawala." Tumango na lamang ako at nag hiwalay na kami ng landas.

Dumiretso ako sa aking kwarto upang magpahinga muna dahil feeling ko ay pagod na pagod ako kahit wala akong ginagawa. Nang makahiga na ako sa aking kama ay hinila na agad ako ng antok.

***

Nagising ako ng maalala kong may meeting pa pala akong pupuntahan, ng makita ko ang oras ay nawala agad ang aking kaba ng nawari kong may 30 minutes pa ako upang makapunta sa opisina ng Alpha. Bago ako lumabas ng kwarto dumaan muna ako sa salamin at inayos ang buhok ko.

Pababa na ako ng hahdan ng nakita ko ang mga kasamahan kong nanonood sa TV. Agad naman akong nagpaalam sa kanila at tango lang ang sinukli nila bilang pagsagot.

Nasa pintuan na ako na Alpha kaya't bigla akong kumatok. Isang maawtoridad na boses naman ang narinig ko.

"Come in"

Pagpasok na pagpasok ko sa opisina nya amoy nya agad ang nalanghap ko. Kitang kita mo din ang napakalinis na kwartong ito. Umupo naman ako sa tabi ng Beta ng tinuro nya ang katabi nyang upuan.

"Alam nyo na naman ang mangyayari sa Full moon party diba? Gusto ko lamang sabihin na sana ay wala kayong gawin na ikagagalit ko. Sana maging maayos ang magiging party sa sabado ng gabi 7 pm. Bawal ma late dahil kinakailangan ang presensya nyo doon. Ipapadala ko na lamang ang mga damit na susuotin nyo mamaya." Tumayo na ang Alpha at umalis ng kanyang opisina kayat naiwan kami ng Beta na natatawa. Baliw na kami.

"Oh yan ha, narinig mo naman siguro ang Alpha wag gagawa ng kasalawan ha." Aba lakas makapa nermon ng lokong to ah!

"Aba! Ikaw nga dapat sabihan ko ng ganan." Binatukan ko sya kaya naman na paaray sya. Natawa na lang ako sa reaksyon nya kayat natawa na din sya.

"O sya ganito na lang behave lang dapat tayo." Sa sinabi nya ay nagtawanan kaming dalawa at lumabas na din sa opisina na ng Alpha. Mahirap na baka parusahan kami non.

Habang pabalik ako sa dorm namin rinig ko naman na parang may nagsisigawan sa loob kaya agad kong binuksana ng pinto kayat lahat ng mata nila ay naka tingin sakin.

"A-anong nangyari?" Hingal na hingal kong tanong sa kanila. Ngunit sa halip na sagutin nila ako tumawa lang sila na pinagtaka ko.

"Gamma naman easy lang. Hindi naman kami nag aaway eh pinag uusapan lang namin yung susuotin namin para bukas. Sorry napalakas ata pag uusap namin." Natatawang sabi ni Sheila at nag peace sign naman kaagad. Napatingin naman ako kay Nathaniel ng tinanong ako nito.

"Ikaw ba Ashira, anong susuotin mo?" Bago pa ako maka sagot sa tanong nya ay biglang bumukas ang pinto namin at isang lalaki ang bumungad samin. Kung hindi ako nag kakamali sya ang assistant ng Alpha.

"Magandang gabi Gamma pinapunta ako ng Alpha dito upang ibigay ito sayo." Agad nya namang binigay sakin ang isang laking kahon. "Pinapasabi ng Alpha na yan ang isusuot mo para bukas." Kinalaunan ay umalis na din yung assistant ng Alpha at nagpasalamat naman ako. Agad na nagsipuntahan sakin sila sheila at tangkang bubuksan nila ang kahon ng ilayo ko iyon sa kanila.

"Daya naman." Nakangusong reklamo ni Sheila tinawanan ko na lamang sila at sinabing magpapahinga na ako upang makapaghanda para bukas.

Pagkapasok ko sa kwarto nilagay ko muna sa ilalim ng kama ang kahon na binigay sakin at pumunta ako sa C.R.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan agad akong nahiga sa kama at inisip ang mukha ng Alpha.

Matangkad ang Alpha. Gwapo, maputi matangos na ilong mahabang pilikmata isama mo pa ang mapula nyang labi. Hindi talaga mapagkakaila na isa syang bampira. Masyadong seryoso sa buhay. Lalo na kung magalit nag iiba ang kulay ng mata at lumalabas ang pangil sa ngipin. Kulang na lang patayin ka.

Nakaramdam ako ng antok kaya umayos na ako ng higa ko at niyakap ang unang katabi ko.

Sana maging ayos bukas...

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now