Part 20

1.5K 51 2
                                    

Ashira POV

Nang makaalis na ang Alpha tsaka naka hinga ng maayos ang mga pinsan ko.

"Yun pala yung Alpha? Shit buti tinuro ni Drake yung pag yuko na yun." Naiiling na sabi ni Kuya Paul.

"Tsk mukha ka ngang takot na takot eh." Pang aasar ni Kuya Darius.

Natigil ang kanilang kulitan ng nagsalita ako.

"Tsk mga baliw talaga kayo! Kala ko ba mag papahinga kayo?" Naiinis na sabi ko na kinatawa nila.

"Easy okay? Nagugutom na kase kami kaya nag kayayaan eh ang problema di namin alam kung saan yung cafeteria." Paliwanag ni Kuya Lucas.

"Kung tatanungin mo naman kung bakit hindi kami nag tanong. Nagkakamali ka. Nagtanong kami kaso nga lang yung mga babaeng pinagtatanungan namin puro number namin ang hinihingi." Inis na dugtong ni Kuya Marcus.

"Mga hipon!" Sabay sabay nilang sabi. Natawa na lang ako.

"Tara na sa cafeteria gutom na din ako." Agad naman silang sumunod sakin.

Habang naglalakad sa hallway marami akong nakikitang mga babae na tila kinikilig at yung mga iba naman ay ang sasama ng mga tingin sakin. Napatigil naman ako sa paglalakad kaya't taka din silang tumigil.

"Problema mo?" Tanong ni Kuya Cyrus.

"Takluban nyo nga yang mga mukha nyo. Ang sasama ng mga tingin sakin ng mga babae eh. Akalain boyfriend ko kayong lahat eww." Natawa naman sila sa sinabi ko at tila walang pakielam sa narinig nila. Inakbayan naman ako ni Kuya Darius at nag patuloy kami sa paglalakad.

"Alam mo Ashira wag mong pansinin yang mga hipon na iyan dahil ikaw at tayo lang din naman ang nakaka alam kung ano ang totoo." Tumahimik na lang ako sa sinabi ni Kuya Darius.

Nang makalapit na kami sa cafeterian. Agad namang kumaway samin si Kuya na tila sinasabing duon na kami umupo. Agad namang kaming lumapit sa kina uupuan ni Kuya Drake.

"Yow mga pre, ano balita?" Mahinang tanong ni Kuya Drake. Siguro ginagawa nya ito para hindi masyado mapansin ng mga tao kaso ang problema nakatingin na samin.

"Nakita na namin ang Alpha." Sa sinabi ni Kuya Paul. Naibuga ni Kuya yung pagkain sa bibig nya.

"Ang gago mo naman pre kadiri ka."

"Hoy Cyrus arte mo ha. Ikaw ba naman kase wala kang ka preno preno tsk." Iling iling si Kuya habang pinagpatuloy ang pagkain.

"Gago. Nagtanong ka sinagot ko lang." Nakabusangot na saad ni Kuya Cyrus.

"Gago pala eh." Kantyaw ni Kuya Paul at Darius.

"Gaguhan na ba ito?" Dagdag naman ng kambal na si Marcus at Lucas.

"Para walang gulo gago kayong lahat." Sabat ko. Agad tumingin sakin si Kuya at mga pinsan ko. Yung tingin na para bang may masama akong sinabi.

Tumahimik ang mga pinsan ko kasama na si Kuya Drake. Nakatingin pa rin sila saki  kaya unti unti kong tinaas ang kamay ko at nag peace sign.

"I m-mean g-gwapo kayo. Tama gwapo not gago." Agad naman silang tumango tango at sinabing oorder lang daw sila ng makakain namin.

Naiwan kami nila Kuya Drake at Kuya Paul.

"Yung Alpha, Ashira, gaano kayo ka close ng Alpha?" Tanong ni Kuya Paul kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi kami close ng Alpha." Simpleng sagot ko.

"Seryoso hindi kayo close? Imposible naman ata." Sabat ni Kuya Marcus na kakadadating lang na may dalang maraming pagkain.

"Daming foods! Tara ng kumain." Pagiiba ko ng usapan. Pero dahil malakas ang pakiramdam ng mga lalaking ito.

"Huwag ibahin ang usapan Ashira Astrid." Sabay sabay nilang sabi. Full name na yung tinawag nila sa akin so seryoso na nga talaga sila.

"Bakit ba kailangan nyo pang malaman?"

"Tinatanong mo pa ba yan Ashira Astrid?" Mahina pero madiin na tanong ni Kuya Drake.

"We just want to protect you. Remember, nasa panganib pa rin ang buhay mo. Hindi lahat ng nakakasama mo totoo sayo." Pagpalatuloy ni Kuya.

"One more thing Ashira, the way he look at you para bang may gusto syang iparating." Makahulugang sabi ni Kuya Darius.

"What the? What do you mean Kuyas? Ano bang pinag iisip nyo?" Kunot noong tanong ko.

"It means may gusto sya sayo." Simpleng sabi ni Kuya Lucas. Napatango naman si kuya cyrus at tumingin sakin.

"No!" Sigawa ni Kuya Drake. Dahil sa lakas ng sigaw nya with matching hampas sa lamesa napatingin ang mga estudyante sa kanya.

"You stay away from him! For fuck sake he's dangerous. I'm the beta here so whether you like it or not you must obbey my desicion."

At sa ganoong pagkakataon nag walk out ang beta. Nag bulungan ang mga estudyante at may naririnig pa ako ng kung ano ano tungkol sakin. Hindi namin natuloy ang pagkain namin. First time akong sinagawan ni Kuya sa ganitong pagkakataon. Agad naman akong tinayo ni Kuya Paul at nilayo na ako sa lugar na ito.

Nang makalapit na kami sa bahay agad nag unahang tumulo ang luha ko. Kasalanan ko ba na malapit talaga sakin ang kapahamakan? Agad naman akong nilapitan ng lima at niyakap ako.

"Shh magiging ayos din yan."

"Mawawala din yung galit ni Drake intindihin mo na lang."

"Kayanin mo lang Ashira."

Iyak lang ako ng iyak. At mas lalo akong umiyak sa mga pinag sasabi nila. Napaka swerte ko talaga na meron akong pinsan na katulad nila. Mas lalo nila akong niyakap ng mahigpit.

"Ang baby natin malaki na pero umiiyak pa din." Hinarap nila ako at pinahid nilang lima ang luha ko.

Natawa naman ako. Nag uunahan pa kase sila kung sino ang mag pupunas ng luha ko. Agad ko namang hinawi ang kamay nila kaya't ako na din ang nag punas ng sarili kong luha.

Napag desisyunan naman namin na wag na lang umattend ng klase namin dahil tinamad na kami sinabi naman nila na sila na daw ang bahala kay Kuya para mag palusot.

Nagkayayan kaming mag movie marathon dahil alam nila na ito ang magpapasaya sakin. Nanuod kami ng Underworld dahil more on action and mystery ang gusto naming genre ng movie.

Seryoso ang aming panunuod ng may tumawag sa telepono. Sinabi ko naman na ako na lang ang mag aasikaso.

"Hello this is Ashira." Magalang na bati ko pero sa halip na sagutin ako nito ng mahinahon ay pagsigaw sa kabilang linya ang narinig ko.

"Ashira this is Ate Anne. Kailangan nyong bumalik dito." Naguguluhan naman ako sa sinabi ni Ate Anne. Si Ate Anne ang isang kapatid ni Kuya Cyrus.

"Anong, anong nangyari kay dad?" Kinakabahang tanong ko.

"Inatake sya ng Black Wolf. Kailangan nyong umuwi ngayon na."

Nabagsak ko ang teleponong hawak ko at napaluhod na lang ako. Kelan ba matatapos ang gulong ito?

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now