Part 11

1.8K 68 0
                                    

Ashira POV

GULAT na gulat kami lalo na ako sa nasaksihan at nalaman ko. Hindi ko akalaing sya ang bampira. Sa tagal tagal na naming magkasama hindi sumagi sa isip ko na sya ang tratraydor sakin. Akala ko pa naman si Vincent pero mali pala ako!

Nang nalaman ng buong school ang nangyari ay kaagad dumating ang beta at ang mas nakakagulat pa ay kasama na nya ang Alpha.

Maraming nagulat. Maraming naawa. Maraming nagalit. Maraming natuwa. Pero para saming mga ordinaryong tao halo halo ang emosyon namin. Hindi namin alam kung paano namin tatanggapin ang pagkawala ni Nathaniel.

Naalala ko pa noong una kaming nagkita.

"Sino ka? Balak mo ba kaming patayin?"

"Baliw ka ba? Ayokong maging kriminal masyado pa akong bata."

"HAHAHA bago ka dito no? Isa ka ba sa mga kasamahan namin?"

"Oo"

"Masaya ako na nadagdagan kami."

Hindi ko mapigilang uniyak sa pagiisip ng masasaya naming ala-ala. Mamimiss ko ang prensensya nya. Ang lahat sa kanya. Nakita ko namang umiiyak din ang mga kasamahan namin at hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot at awa.

Nakita ko naman na pinaalis ng beta ang mga estudyanteng nakapalibot saamin. Lumapit ang beta samin at tinignan kami ng seryoso lalo na ako sumunod naman ang Alpha kaya napaayos ako ng tayo pero patuloy lang ng pagiyak si Sheila.

"Maari ba kayong sumama sakin?" Pagtatanong ng Alpha saaming dalwa ni Sheila.

"Sheila kung gusto mo ako-" pinutol ni sheila ang sinabi ko kaya napatahimik ako.

"Sasama ako sa inyo may kailangan din kase kayong malaman." Tumango ang Alpha at sinundan namin sya sa paglalakad nya. Hinawakan ko naman ang nanginginig na kamay ni Sheila at ngumiti naman sakin ito ng malungkot.

Nang makapasok na kami sa office pinaypo kami ng Alpha sa sofa kaya't kaharap namin sya.

"Maari nyo bang sabihin kung ano ang nangyari?" Seryosong tanong ng Alpha. Bago ako sumagot ay tumungon muna ako kay sheila at bumuntong hininga.

"Naglalakad ako sa hallway gusto ko kaseng imbistigahan yung bagong estudyante dito na si Vincent Hansard baka sakali kase sya ang masamang bampira na nakapasok dito. Habang naglalakad ako may nakita akong dalawang lalaki na nag uusap hindi ko nakita ang mga mukha nila pero alam kong ako ang pinaguusapan nila. May tinutukoy silang boss at yun ay si Nathaniel, pero bukod don alam kong may iba pa silang tinutukoy."

Napatango tango naman ang Alpha at Beta at biglang tinuon ang atensyon kay Sheila. Napatigil naman sa pag iyak si Sheila at bumuntong hininga.

"Naalala ko noong isang linggo, nakakapagtaka na ang kinikilos ni Nathaniel pero sa halip na pansinin ko iyon ay isinantabi ko na lamang iyon pero nagulat ako noong isang gabi."

***

Sheila POV

Mahimbing na ang tulog ko pero nakarinig ako ng boses mula sa labas. Sa halip na matakot ako ay para bang may maling mangyayari ngayong gabing ito. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ako at napagtanto ko na wala si Nathaniel sa tabi ko. Nang lumabas ako ng kwarto nakita ko si Nathaniel na may kausap sa telepono.

'Oo kuhang kuha ko na ang loob nya tsaka yung kaibigan nya napaikot ko na din'

Nagulat ako sa narinig ko at the same time nasaktan din. Akala ko mahal nya ako. Akala ko totoo ang pinaparamdam nya pero ang lahat ng iyon ay hindi pala.

Kinaumagahan hindi ko pinahalata sa kanya na narinig ko ang sinabi nya. Kumilos ako na para bang walang nangyari pero ang nakakapagtaka hindi nya ako pinapansin o kahit man lang sinusulyapan.

Lagi syang umiiwas at lagi ding nagmamadali na para bang may gagawin. Tuwing tatanungin naman namin sya ay namumutla sya na pinagtataka namin. Hanggang noong isang gabi nakita ko sya na umiinom ng dugo.

Dugo. Nandidiri ako at hindi ako naglakamali isa syang bampira. Nagtago ako sa ilalim ng lamesa at pinakinggan ang sinabi nya.

"Hindi ko dapat gawin ito pero kailangan. Mamamatay kang Alpha ka! Mamatay ka beta at mas lalo ka na gamma."

***

Ashira POV

Wala akong masabi. Nakatulala lang ako at hinahayaang tumulo ang luha ko. Wala na akong pake kung kaharap ko man ang Alpha ngayon. Tinignan ko si sheila at umiiyak din sya.

"B-bakit hindi mo s-sinabi saakin?" Nanghihinang tanong ko. Umiling si sheila at tumingin sakin na basang basa ang mukha.

"Natatakot ako h-hindi ko alam ang g-gawin ko."

Matapos ang ilang minuto pinabalik ko muna si Sheila sa dorm upang makausap ng mabuti ang Alpha at beta.

"Sana sinabi mo gagawin mo para man lang malaman ko kung kaya mo." Sabi ng beta na may lungkot sa mga mata. Napasinghap naman ang alpha kaya napatingin kami sa kanya.

"I just want to say something."

"What is it?" Takang tanong ko sa Alpha.

"Wag mo ng imbistigahan si Vincent." Natatawang sabi nya.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko. Abnormal ba itong Alpha? Napangisi naman ang Alpha sa reaksyon ko. Nagkatinginan naman kami ng beta.

"He's my cousin." Simpleng sagot nya.

"Ha!?"

"Ha!?"

Sabay talaga kaming napasigaw ng Beta. Hindi ko naman akalaing pinsan nya pala si Vincent! Edi may halong-

"Yah he's a vampire."

"What!? Bakit sabi nya sakin?"

"Kaya pala pilosopo din ang batang iyon!" Inis na sigaw ng beta na nagpatawa sakin.

"Pero bakit sabi nya sakin tao sya!?" Naguguluhang tanong ko sa Alpha na umiiling iling lang.

"I say to him act like a human not a totally vampire but, don't mad at him cause he didn't want it too."

Napatango na lamang ako sa sinabi ng Alpha. Pero bakit si vincent hindi naman misteryoso? Siguro magkaiba lang talaga sila pero shet lang parehas gwapo!

Nagpaalam na naman ang Alpha at tiyak na mamimiss ko na naman sya. Lumabas kami ng beta ng hindi nag kikibuan pero nagulat na lamang ako ng hinali nya ako upang mayakap.

"Oh god! Akala ko may masama ng nangyari sayo!" Sabi ng beta. Tumulo naman ang luha ko. Nakakainis! Bakit hindi maubos ubos ito!?

Sa halip na mag inarte ako ay niyakap ko na lamang pabalik ang beta. I need his hug now. Iyak lang ako ng iyak habang hinahaplos ng beta ang buhok ko.

"I killed him."

"No you didn't kill him you just protect yourself." Mahinang sabi ng beta na lalong nagpaiyak sakin.

"Hush now, everything is gonna be alright."

***

Crimson University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon