Part 15

1.7K 64 0
                                    


Ashira POV

Ngayong araw na ito ay talaga namang seguridad ang eskwela dahil sa daming gwardya ang nakabantay. Ngunit kahit na ganoon, sinabi samin ng Alpha na wag papasigurado dahil hindi pa sigurado kung talagang ayos na nga ang seguridad sa eskewela. Gayunpaman hindi pa rin maitatanggi na mahirap kalimutan ang nangyari nitong nakaraang araw.

Busy ang Alpha at Beta dahil sila ang inutasan na ayusin ang mga papeles ng lahat ng estudyante dito. Mabuti na daw kase na sigurado kaya naman bilang beta ako naman ang nautusan upang tignan ang background status ng mga estudyanteng katulad namin. Paano na? Sa dami ba naman ng estudyante. Hays.

Excuse naman ako pati na rin ang Alpha at Beta dahil importante ang inaasikaso namin ngayon. Maaga akong nagising at wala pa akong kain dahil mas inuna ko ito. Kundi ba naman naglabasan ang mga masasamang bampira na iyon eh! Habang iniisa-isa ko ang pagtingin sa background status ay tumunog naman ang cellphone ko at ng makita ko na si Mom ang tumatawag ay agad ko iyong sinagot.

"Hello Mom napatawag ka ata. May problema ba?"

"Wala naman anak, nalaman ko lang sa kuya mo ang tungkol sa masasamang nilalang na nakapasok dyan."

"Mom, don't worry alam mo namang hindi ko pababayaanan ang sarili ko."

"Basta anak mag iingat ka dyan okay?"

"Yes Mom, I'll hang up I love you."

"I love you too sweetheart."

Napabuntong hininga na lang ako. Nakakapagod din palang maging Beta. Hinilot ko ang sentido ng ulo ko bago ko tinawagan si kuya.

"Hello kuya Drake."

"What?"

"Uuwi ka ba sa house bukas? Sabay sana tayo."

"Di ako sure, basta sunduin na lang kita dyan k?"

"Okay, love you bro."

Agad kong pinagpatuloy ang ginagawa ko. Marami na din akong nakikita sa status ng mga estudyante na sa mayayamang pamilya talaga nanggaling. Naisip ko si Sheila sana maging ayos na sya. Napahawak naman ako sa tyan ko ng kumalam ito. Gutom na ako. Agad akong tumayo upang pumunta sa cafeteria. Habang naglalakad ako nakakapanibago dahil marami ng estudyante ang bumabati sa akin. Binabati ko din naman sila at nginingitian. Bumili lamang ako ng tinapay at tubig. Habang pabalik na ako sa office ko hindi ko napalampas ang pag uusap ng ibang estudyante.

"Oo nga eh sobrang siguridad na nito kaso alam mo na ba yung bali balita?"

"Yung tungkol pa rin ba sa masasamang bampira?"

"Hindi iyon. Ang pag kakaalam ko meron pa rin daw na natitirang masamang bampira dito at ang ginagawa nila ay tinuturukan nila ang mga mabubuting bampira upang maging katulad nila."

Napakunot noo ako. Maaaring totoo ang sinasabi nila, hindi mawawala ang masasamang bampura hangga't hindi napapatay ang pinuno nito. Sa halip na dumiretso ako sa aking opisina dumuretso ako sa office ng beta dahil panigurado kasama nya dun ang Alpha. Hindi naman ako nagkakamali dahil nanduon nga sila at seryosong nag uusap.

"Buti naman at dumating ka." Pagsasalita ng beta.

"Siguro naman ay nalaman mo na ang balita." Seryosong salita ng Alpha.

"Totoo na meron pa ding masasamang bampira dito? Paano nangyari iyon?" Pagtatanong ko ngunit hindi nila ako sinagot bagkus tumayo lang ang Alpha at Beta.

"Sumunod ka, kailangan mo itong makita." Agad naman akong sumunod sa sinabi ng Alpha.

Kailan ba matatapos ang problemang ito? Lumabas kami sa office at naglakad ngunit nakakapagtaka lamang dahil hindi pamilyar ang daan na tinatahak namin. Napadpad kami sa isang madilim na lugar kung saan nagbabantay ang dalawang naglalakihang gwardya. Agad binuksan ng nagbabantay ang malaki at nababalot sa gabok ang isang lumang pinto. Pumasok kaming tatlo at nagulat na lang ako sa nasaksihan ko. Napahawak ako sa kamay ng beta.

Nakakahilong amoy agad ang sasalubong sayo. Napaka sangsang dahil amoy dugo. Maraming estudyante ang nakakulong sa tig-iisang selda. Ngunit hindi na sila mukang normal na bampira, mukha silang halimaw. Ang mata nila ay itim na itim at wala ng puti. Mahahabang itim na kuko at ang mga pangil nila, katulad ng sa mga taong lobo. Hindi rin papalampas ang kulay ng ugat nila. Unti unti itong nagiging kulay itim na kitang kita sa taas ng ulo nila. Pinagmasdan ko sila. Hindi ko akalaing mangyayari ito.

Tumigil kami sa isang malaking selda madilim ito at masangsng ang amoy pero nararandaman ko na may nasa loob nito. Halos mapa sigaw ako dahil biglang sumulpot ang isang lalaking walang saplot pang itaas na nakakadena. Mas nakakatakot ang itsura nito dahil bukod sa sobrang tangkad nito meron itong pakpak sa likod.

"Mahal na supremo, yan bang babaeng yan ang alay mo para samin o para lang SAKIN." Nakangisi itong nakatingin saakin habang nilalabas ang dila nya.

"Sabihin mo, sino ang nasa likod ng lahat ng ito? Sino!?" Halos umalingaw ngaw ang boses ng Alpha dahil sa pagkakasigaw nito. Tumawa lang naman ang lalaki.

"Kahit anong gawin mo hindi mo malalaman iyon." Tumawa na parang demonyo ang lalaki at lumapit pa ito sa amin. Para bang gusto nya akong kainin.

"Wala ka ba talagang balak sabihin sakin ang lahat ng ito!?" Nag iba na ang kulay ng mata ng Alpha at lumabas na din ang pangil nito.

"Sasabihin ko sa'yo kung ibibigay mo ang magandang babaeng kasama nyo." Agad akong nangilabot sa tono ng boses na ginamit ng lalaki.

Sa sobrang galit ng Alpha tinapat nya ang kamay nya sa lalaki at naging abo ito. Ganung kalupit ang lakas ng Alpha. Natahimik ang nasa loob ng mga selda. Agad kaming lumabas na may kaba pa rin sa dibdib ko. Napalunok ako at napapikit. Hindi ko kinaya iyon. Dumiretso kami sa office ng Alpha at umupo.

"Ang nakita nyo kanina, yon ang mga estudyanteng naturukan ng masamang bampira." Napatingin kami sa Alpha na tila may tinitignan.

"Ngunit yung lalaki kanina, sino sya?" Hindi ko napigilang magtanong.

"Sya ang isang alalay ni Dracula. Siya ang inutusan ni Dracula upang gawin ang masamang proseso sa bawat estudyante. Matagal na panahon na din simula ng nag
nagparamdam si Dracula. Hindi pa rin sya nag babago napaka sama nya pa rin. At mas lalo syang lumala ngayon."

"Anong dapat nating gawin?" Pagtatanong ng Beta.

"Kailangan nating mag ingat sa mga taong nakakasama natin. Kailangan nating maging alerto."

***

A/N: Hi readers! Na miss ko kayoo! Sa wakas nakapag update na din ako. Don't forget to like and comment wag na kayo mahiya HAHA enjoy love u!

Crimson University (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora