Part 8

2K 70 3
                                    

Ashira POV

Napakabilis ng araw. Parang kanina lang nasa bahay pa lang ako pero ngayon andito na ako sa school. Nung una nga ay ayaw pa ako paalisin nila Mom. Kung pwede nga lang ay mas gugustuhin ko pang mag stay sa bahay pero hindi kase pwede. Pagkadating ko dito sa school tambak na ang gawain.

At syempre bilang gamma, maraming tungkuling gagawin dahil kasama ako sa kailangang magbantay. Hindi pa din kase nahahanap yung masasamang bampira na nakapasok, wala din naman kaseng may alam kung ano ang itsura ng mga ito pero base sa pag kakarinig ko ay hindi daw halata na masasama ang mga ito dahil nagpapanggap ito na estudyante.

Habang naglalakad ako papuntang office ko. Oo meron kaming office. Ako ang beta at ang alpha. Pero syempre hindi naman kalakihan yung akin pero ayus na. Nakaramdam ako ng presensya sa likod ko at isang mabigat na kamay ang umakbay sakin.

"Yow gamma!" Masayang bati ng abnormal na beta. Napanguso na lang ako sa kanya. Ano na nanang kayang gagawin nito?

"Ano na namang kailangan mo?" Nakangusong tanong ko. Napatawa naman sya kaagad. Abnormal eh!

"Grabe ka naman gamma, may kailangan agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang talaga mangamusta?" Natawa ako ng bahagya sa sinabi nya at ginulo nya naman ang buhok ko. Bakit ba gustong gusto nyang gawin iyon sakin? I'm not even a puppy!

"Oh kung mangangamusta ka eh ayus naman ako."

"How about you're family?"

"They're good ang kaso lang nung umuwi ako hindi kami kumpleto, wala ang kuya."

"Ayus lang yan. Smile ka na lang papangit ka nan magagalit ang Alpha sige ka."

Natawa naman ako sa sinabi nya. Nasa tapat na pala ako ng office ko kaya humarap ako sa kanya kaya natanggal ang pag kaka akbay nya sakin.

"Hey beta marami pa akong aasikasuhin, tsaka tignan mo nga yang mga estudyante sa paligid halos mamula ang mata at mag anyong aso dahil sa selos." Lumingon naman sya sa paligid at tila wala lang pakielam tumawanpa ang loko.

"Tsk. Hayaan mo sila at least alam natin ang tama at totoo." Napangiti na lang ako sa sinabi ni beta at tuluyan ng pumasok sa office.

Umupo ako sa upuan ko at humarap sa laptop nanood ako ng twilight saga dahil wala pa namang inuutos ang alpha sa ngayon. Habang nanonood ako hindi ko mapigilang mapangiti sa iniisip kong ako si Bella at si Edward ay ang alpha.

Natatanga na ata ako. Simula kase ng nangyari sa party ay iba na ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang alpha. Parang nangangarera ang puso ko sa bilis ng pintig nito pero siguro wala lang ito. Siguro kaba lang dahil sino ba namang hindi kakabahan kapag kaharap mo na ang alpha?

Ilang oras din ako nanood ng twilight at ang pinakagusto kong part is yung ending. Nakakaloka, ang ganda pa nung kanta. Natapos na ako kaya bumaba ako ng aking silid. Pagkababa ko ay nakita ko namang nagtatawanan si Nathaniel at Sheila tumikhim naman ako at pakunwaring umubo kaya naman napukaw ang atensyon nila sakin.

"I smell something fishy, naaamoy nyo ba guys?" Sa tanong kong iyon ay medyo namula ang mukha ni Nathaniel at umiwas naman ng tingin si Sheila.

"G-gamma saan ba ang iyong tungo mukang paalis ka ah." Sa sinabi nyang iyon ay ramdam ko ang pag iwas nya sa tanong ko. Nahuli ka! Ngumiti naman ako ng nakakaloko sa kanilang dalawa at walang paalam na lumabas na.

Pagkalabas ko ay ramdam ko ang lamig ng hangin na dumampi sa aking balat, hapon na din pala. Papunta ako ngayon sa music room upang tumugtog dahil matagal na din akong hindi nakakatugtog ng piano. Bata pa ako ng tinuruan ako ni Mommy ng pagtugtog nito. Tanda ko pa nga nung inis na inis si kuya dahil bakit daw piano ang pag aaralan ko eh boring naman daw yun mas maganda daw ang guitar at kung ano pang instrument ang sinabi nya. But for me piano is not totally boring. It's relaxing, stress reliever.

Pinihit ko ng dahan dahan ang pinto ng music room at nabigla na lanang ako ng may narinig akong tumutugtog ng piano habang kumakanta.

Say something I''m giving up on you

And I'll be the one if you want me to

Anywhere I would follow you

Say something I'm giving up

on you...

Namangha ako sa tinugtog nya at ng nakita ko ang kabuoan ng mukha nya ay nakaramdam ako ng kakaiba. Hindi sya pamilyar sakin o siguro hindi ko lang sya madalas nakikita dahil busy ako sa mga ginagawa ko. Tumayo ang lalaki sa pagkakaupo at palapit ito sa aking harapan.

Gwapo ang lalaki. Maputi ito at may tangkad na siguro ay nasa 6' mahabang pilikmata asul na mata isama pa ang kanya kilay na makapal na bumagay naman sa kanya ang labi nya na mapula at siguro ay natural lang ito at ang kanyang buhok na clean cut meron din syang maipagmamalaking katawan dahil sa soot nyang medyo fitted ay kitang kita ang biceps nya.

Nang nasa harapan nya na ako ay natulala ako. Hindi ko akalaing na ganito syang ka gwapo ng harapan. Oo medyo man hater ako pero mahilig naman akong tumingin sa gwapo. Natulala ako ng ngumiti sya sakin na talaga namang hindi ko inaakala.

"Ahm, Hi miss?" Sabay lahad nyang kanyang kamay. Tinignan ko naman ang kanya magandang kamay na maputi na kitang kita ang mga ugat. Kinuha ko naman iyon at ngumiti din sa kanya.

"Ashira Astrid." Maikling saad ko.

"By the way are you new here?" Takang tanong ko sa kanya na hindi pa din binibitawana ang kamay ko.

"Ah yeah I'm new here, my sister brought me here, actually I didn't like this school because I have no idea inside and outside this building." Nakakadugo naman ng ilong! Napangiti na lamang ako sa sinabi nya.

"Vampire?" Tanong ko sa kanya at bumitaw na sa kamay nya. Napatingin naman sya sakin na medyo gulat at parang naguguluhan sa tanong ko.

"What are you talking about?" Naguguluhang tanong nya with matching kunot noo pa. Napailing na lamang ako sa sinabi nya.

Hays i fe-feel ko muna ang pagiging lola basyang ko dahil mahabang kwento na naman ang ipapahayag ko sa estrangherong ito.

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now