Part 16

1.7K 64 3
                                    

Ashira POV

Kumalat na ang balita. Ang balita kung saan ang mga nawawalang estudyante ay nagiging masama. Mas lalong humigpit ang seguridad. Wala na din nagtatangkang tumakas ng dis oras ng gabi. Nalaman din namin na ang mga estudyante na nasa selda ay ang mga bagong estudyante. Ginagawa naman naming lahat upang makahanap ng panlaban na mawala ang kademonyohan sa loob ng mga estudyante. Andito ako ngayon sa office kasama ang Beta dahil may mahalagang gagawin ang Alpha.

"Hindi ko inaasahan ang mga nangyayari ngayong taon na ito. Masyadong malala." Seryosong saad ng Beta na nakaupo sa harapan ko.

"Magtiwala na lang tayo sa sarili natin. Makakaya natin ito." Sagot ko naman at tinapik sya ng mahina sa balikat.

"Maraming estudyante na ang nadadamay dito. Mga inosenteng tao na ang namamatay at naghihirap." Napatayo ako sa sagot ng beta kaya't tumayo din sya.

"Beta. Kailangan nating lumaban. Kailangan nating ipakita na kaya natin sila." Kulang na lang ay umiyak ako habang nagsasagutan kami ng beta.

"Ngunit paano? Paano natin makakaya ang lahat ng iyon?" Naguguluhang tanong ng Beta.

"Wag tayong sumuko. Wag nating ipakita na hindi natin sila kaya. Dahil kapag nakita at naramdaman nila na mahina tayo. Gagawa sila ng paraan upang mapatumba at mapatay tayong lahat. Kailangan lang nating magpakatatag." Mahabang saad ko sabay hawak sa kamay nya. Niyakap nya naman ako kaya't niyakap ko din sya pabalik.

Napatingin naman kami ng Beta sa pinto ng bigla itong bumukas. Nakatingin sami ang Alpha na may mapagtanong na mga mata. Agad naman kaming bumitaw ng yakap sa isa't isa.

"Nakakaabala ba ako?" Tanong ng Alpha na mainit ang ulo.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Matapang na tanong ko.

"Eh para kasing enjoy na enjoy nyo ang paglalampungan nyong dalawa." Seryosong sabi ng Alpha.

"Excuse me? Kung mainit ang ulo mo h'wag mo kaming idamay dyan sa mga pinag sasabi mo." Seryoso kong sagot sa kanya. Naglaban ang tinginan naming dalawa hanggang ang Beta na mismo ang umawat samin.

"Ano? Magpapatayan na ba kayo? Ipagpaumanhin mo Alpha ngunit mali ang iniisip mo. Hindi kami nag lalampungan ng gamma. Laswa naman pakinggan." Natatawa pero seryosong sabi ng beta.

"Kasalanan ko ba na ganun agad ang pumasok sa isip ko na nakita kong magkayakapan kayo?" Maotoridad na tanong ng Alpha. Napairap ako.

"Oo kasalanan mo na malaswa yang utak mo punyeta!" Huli na ng narealize ko na napamura ako. Sa sobrang hiya at inis ko nag walk out na lang ako. Jusko lupa, please eat me now.

***

Andito ako ngayon sa kwarto kasama si Sheila. Wala syang ginawa kundi tumawa ng tumawa dahil kwinento ko sa kanya ang nangyari kanina.

"Nakakahiya naman talaga ang ginawa mo. Pero bakit kase ano. You know." Napabuntong hininga ako at napanguso.

"Eh kase naman, kasalanan ko ba na ganun kaming ka close ng Beta? Tsaka, teka nagseselos ka ba? H'wag mong sabihing." Hindi pa man din natatapos ang sasabihin ko ng bigla syang tumayo at sumigaw na tila naka kita ng multo.

"No! Mali ang iniisip mo!" Tawa ako ng tawa sa reaksyon ni Sheila. Humiga naman ulit sya sa tabi ko at nagkwentuhan kami.

Tawa kami ng tawa sa mga pinagkwekwentuhan naming dalawa. Paano ba naman kase, kwinikwento nya sakin ang mga kamalasan nya saaking nung bata pa sya. Hingal na hingal kami ng tumigil kami sa pagtawa.

"Pero hindi mo talaga gusto ang Beta?" Pangungulit ko kay sheila.

"Ashira naman! Ang kulit mo naman eh!"

"hahaha. Hindi ka ba nagugutom?" Pag iiba ko ng tanong.

"Gutom na nga eh, tara kaya bumaba." Agad naman kaming bumaba ni Sheila at nagtataka naman ako kung bakit patay ang ilaw. Agad ko namang kinapa si Sheila na nawala sa tabi ko.

"S-sheila! Asan ka!? Si-sinong tao d-dyan!?" May malamig naman na bagay na dumikit sa leeg ko at bago ko pa man din iikot ang kamay na nasa leeg ko agad na nagbukas ang ilaw.

"WELCOME BACK GAMMA" halos maiyak ako sa nakita ko. Buo ang mga kasamahan ko at napaka daming pagkain ang nakahanda sa mesa.

"Salamat guys pero, ang dami naman atang pagkain?" Naiiyak na tanong ko. Nagsalita naman ang isang kasamahan ko.

"Minsan lang ito ate ashira kaya ienjoy na lang natin whoo!"

Tuluyan na akong naiyak dahil sa sobrang saya. Nagyakapan kaming lahat at pagkatapos ay nagkainan na. Masaya kaming nag salo salong kumain. Marami kaming pinagkwentuhan hanngang sa napunta ang kwentuhan sa seryosong usapan.

"Ano na bang nangyayari sa school na ito?" Pagtatanong nila.

"Meron pa rin bang masasamang bampira na nandito?" Pagtatanong naman ng isa. Tumayo ako at tumingin silang lahat sakin.

"Meron pa din masasamang bampira dito. Hindi natin alam at walang nakakaalam kung kailan matatapos ang gulong ito. Ang kailangan lang nating gawin ay ang mag pakatatag at h'wag nating ipakita na mahina tayo. Lalaban tayo hindi para sa eskwelahan kundi para din sa sarili natin. Umpisa pa lang ito. Hindi natin masasabi at malalaman kung mayroon pang kasunod ang delubyong ito."

***

Kinaumagahan, maaga akong nagising dahil naka receive ako ng text kay Kuya Drake na kailangan daw naming umuwi ngayon ngunit mas nauna sya sa bahay. Nag paalam naman ako kay sheila at sinabi na uuwi muna ako sa bahay at baka bukas ang uwi ko.

Pagkatapos kong mag ayos. Agad kong kinuha ang susi ng kotse ko kaya't agad na akong sumakay dito. Agad kong pinaharurot ang sasakyan at nagpatugtog ng malakas.

(Now playing: Adrenaline by Lauv)

Agad akong nakadating sa bahay ng walang kahirap hirap. Wew. Yabang ko na ba? Nakita ko naman si manong guard na matagal ng nagtratrabaho samin. Tinanong ko naman sya kung kamusta na sya at sinabi nya namang ayos naman daw sya. Pinarada ko ang kotse ko sa garahe namin kung saan nakaparada din ang iba pang mga kotse. Bumaba ako sa sasakyan at kinuha ang mga gamit ko. Habang naglalakad ako papasok ng bahay dumiretso muna ako sa kwarto ko upang magpalit ng damit.

Wala pa din nagbabago sa kwarto ko. Kalmado pa din tignan. Nang nakapag ayos na ako agad akong bumaba ng nakarinig ako ng kakaibang ingay na nang gagaling sa baba. Nakita ko si Mommy and Daddy pati na rin si kuya na naka suot ng birthday hat at may hawak na cake.

"WELCOME BACK!" Sa sobrang saya ko hindi ko alam ang gagawin ko kusa na lang tumulo ang luha ko hindi dahil sa sakit kundi dahil sa saya.

"I miss you mom and dad!" Agad ko silang niyakap ng mahigpit.

"Oy Ashira easy naman baka mapisa nan si mom and dad!" Napabitaw naman ako dahil sa sinabi ni kuya.

"Chee baliw ka talaga! Kahit sa school ayaw mo akong tantanan." Tawa lang kami ng tawa.

"Hindi mo ba ako na miss Ms. Ashira the gamma?" Tinignan ko naman sya na parang baliw na nakabuka ang dalawang braso na tila nag hihintay na yakapin ko. Agad ko syang dinambahan ng yakap na kinatawa naming lahat.

"Of course I miss you, Mr. Drake Nathan Evans. I really miss you bro."

***

A/N: Bawi na ulit ako guys! Nagulat ba kayo? Marami pang pasabog ang magaganap at sana wag kayong magsawang suportahan ang storya ko. Wag na kayong mahiyang i-like at mag comment o kung gusto nyo i-share nyo pa sa friends nyo para bongga na ituu. Love u.

Crimson University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon