Part 9

1.9K 70 2
                                    

Ashira POV

Nang matapos kong maikwento ang kabuoan ng University ay talaga namang gulat at pagkamangha ang makikita sa mukha ni Vincent.

Vincent Hansard ang pangalan nya at sabi nya saakin ay may kapatid daw syang babae at yung ate nyang iyon ang nagpasok sa kanya sa school na ito.

Andito kami ngayon sa garden at masayang naglwekwentuhan. Magaan ang loob ko kay Vincent dahil mukha naman syang mabait at mapagkakatiwalaan. Napaka kwela nyang kausap, hindi sya mayabang dahil mabait sya. Tawa ako ng tawa sa kwinekwento nya pero napatigil ako ng may umubo sa gilid namin.

"Ehem-ehem." Napairap na lang ako ng nakita ko ang Beta na nakaupo sa bench malapit samin. Napairap na lang ako sa hangin.

"What do you want. Again?" Badtrip na tanong ko pero tumawa lang sya at seryosong tumingin sakin. Nakakatakot ang tingin ng beta na para bang may ginawa akong masama.

"Sino yang kasama mo?" Seryosong tanong nya sabay tingin kay Vincent.

"Kaibigan ko." Simpleng sagot ko.

"Kaibigan? Gaanong katagal na?" Ang daming tanong! Nakakatanga.

"Bakit ba ang dami mong tanong?" Naiinis na sabi ko.

"Bakit ayaw mo na lang sagutin?" Pilosopong tanong nya. Tinitigan nya ako sa mata at hindi naman ako nagpatinag. Kitang kita ko ang inis sa kanyang mga mata.

"Mabait syang tao."

"Mabait? Ngayon mo pa lang yan nakilala diba?"

"Oo ngayon lang! Eh ano bang pake mo!?" Hindi ko ineexpect na lalabas yun sa bibig ko.

"Paano kung isa sya sa masamang bampira na nakapasok dito!?"

"Excuse me, I'm not even a vampire." This time si Vincent na ang sumagot.

"Shut the fuck up! I'm not talking to you little kid!"

"Fuck! Can you stop!?" Galit na sigaw ko sa beta na nagpatigil sa kanya. Napaatras ako sa talim ng titig ng beta sakin. Tumalikod sya samin ngunit bago sya makaalis ay may sinabi sya na nagpakaba sakin ng sobra.

"Don't. You. Dare. Curse. Again. In. Front. Of. Me." Galit na sabi nya at tuluyan ng nawala sa paningin ko.

Ito ang unang pagkakataon na nagalit ang beta sakin. Hindi ko sinasadya ang sinabi ko hindi ko lang kase matanggap ang pang bibintang nya kay Vincent. At isa pa mabait itong tao, kung yung masamang bampira ang sinasabi nya nakakasiguro ako na hindi si Vincent yun.

Humarap naman ako kay Vincent at ako ang nakaramdam ng kahihiyan sa ginawa ng beta.

"Vincent pagpasensyahan mo na ang beta ha? Hindi lang siguro yun sanay na may kasama ako bukod sa kanya at sa mga kaibigan ko."

"Ayus lang iyon, naiintindihan ko naman siguro hindi lang talaga sya sanay."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Vincent. Lumipas ang minuto ay nagpaalam na din kami sa isa't isa upang bumalik na sa dorm. Sabi naman nya sakin ay tatawagan nya ang ate nya dahil hindi nya alam kung saan sya tutuloy.

Habang naglalakd ako pabalik ng dorm naisipan ko munang pumunta sa mini office ko upang tignan ang background ni Vincent.

Pumasok na ako at umupo sa upuan. Binuksan ko ang desktop at sinearch ko ang pangalan ni Vincent ngunit nakakapagtaka lang na wala na kahit ano ang nakalagay sa background status nya tanging pangalan nya lang ang nakalagay duon. Nakaramdam ako ng kakaiba pero hindi ko na lamang iyon pinansin pa siguro ay pagod lang ito.

Tumayo na ako at lumabas ng office habang naglalakad ako sa hallway ramdam kong may nagmamasid sakin. Luminga-linga ako ngunit wala akong nakikita. Binilisan ko pa ang lakad ko dahil gabi na din kase, mahirap na baka mahuli pa ako ng Alpha.

Nang makarating na ako sa dorm pinihit ko ang pinto at tuluyan ng pumasok sa loob. Madilim at tahimik siguro ay tulog na ang mga iyon. Bago ako umakyat ay pununta muna ako sa fridge at uminom ng tubig pagkatapos kong uminom ay pumunta na ako sa aking kwarto.

Tumalon agad ako sa aking kama dahil inaantok na din ako pero hindi mawala sa isipan ko ang mukha ni Vincent. Gulong gulo ang isip ko hindi ko mapaliwanag pero may mali akong nararamdaman. Tumagilid ako sa aking kama at pumukit siguro ay pagod lang ito.

***

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Nakita kong tumatawag si mom kaya agad ko iyong sinagot.

"Hello mom, goodmorning."

"Morning anak."

"Bakit po kayo napatawag? May problema po ba?"

"Ang kuya mo kase hindi namin macontact ng dad mo nag aalala na kami."

"Baka naman po busy lang si kuya."

"Hindi anak eh, kung may gagawin kase sya ay tumatawag o kaya naman nagtetext sya saamin ng dad mo pero nakakapagtaka lang dahil nakapatay ang cellphone nya o kaya naman pag nakabukas ay hindi nya ito sinasagot at puro ring lang."

"Mom ako na po ang bahala, wag na po kayo masyado mag alala ni dad I assure you kuya is okay."

"Okay anak I love you."

"I love you too mom."

Agad akong bumangon sa kama at kinontact ang number ni kuya at tama nga sila mom hindi sumasagot si kuya dahil nakapatay ang cellphone nito. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking iyon!? Tinext ko na lamang si kuya para if ever na mabasa nya ito bala naman sya na mismo ang tumawag sakin at kila mom.

Kuya where are you? Nag aalala na si mom and dad! Please lang sabihin mo naman kung nasaan ka!

Sent

Mabilis akong naligo upang ipagtanong tanong sa mga kaibigan ni kuya kung kasama nila ito pero pareparehas lang ang sagot nila at sinasabi nilang hindi nila alam.

Kinontact ko naman ang isa sa malapit kay kuya. Si kuya Neil, matapos ang ikalawang ring ay sinagot nya na ito.

"Hello bunso?"

"Kuya Neil! Kasama mo ba si Kuya?"

"Nako hindi bakit? Nawawala ba ang mokong na iyon?"

"Hindi kase namin macontact nila mom nag aalala na kami."

"Actually nakita ko sya nung isang gabi sa bar."

"Ha!?"

"Oo eh mukhang problemado."

"Nagkausap ba kayo?"

"Yun nga lang hindi. Alam mo naman ang kuya mo pag problemado hindi ko kayang lapitan."

"Sige maraming salamat kuya."

"Sige, pasensya na ha? Hindi ko kase alam kung nasaan ang kuya mo."

Matapos kong ibaba ang tawag ay pumunta ako sa cafeteria at salamat dahil wala masyadong tao. Habang kinakalikot ko ang bag ko nakaramdam ako na para bang may papalapit na presensya sa akin. Lumingon naman ako at nagulat ako sa nakita ko. Nakita ko na nagpalit ang kulay ng mata ni Vincent sa pula na kinabigla ko.

Totoo ba iyon? O guni guni ko lang iyon? Napahawak na lamang ako dibdib ko dahil sa sobrang kaba.

Vincent Hansard sino ka ba talaga?

***

Crimson University (Completed)Where stories live. Discover now