Mabilis na nakuha ni Alucard si Ashira kaya gayun na lamang ang tarantang naramdaman ni Drake.

"Wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko!"

Sa sobrang galit na nararamdaman ni Drake ay lumabas ang mahahaba nyang kuko at pangil sa ngipin. Nag iba ang kulay ng mga mata nito na para bang kahit anong oras makakapatay sya.

"Easy Drake. Hindi ko naman sasaktan ang kapatid mo kung gagawin nyo ang ipalalaro ko."

"Ano ba iyon!? Sabihin mo na!? Wag mo lang saktan ang kapatid ko!"

Nagsilabasan ang mga ibang bampira na nagtatago sa likod ng mga building. Luminya ang mga ito na pinagtataka ni Drake at Damon.

"Kailangan nyo silang patayin ngunit, kailangan ay wala ni kahit anong bahid na sugat, galos at dugo na mapapaunta dyan sa katawan nyo."

Agad na sumugod si Drake na suot ang kanyang pamatay na tingin mabilis ang ginawa nitong pagkilos kaya naman mabilis nyang inikot ang ulo ng mga bampirang kinakalaban nya. Ganoon na din ang ginawa ng Alpha. Halos hiwain nya ng piraso piraso ang katawan ng mga bampira sa sobrang galit na nararamdaman nya.

Hindi naman alam ni Alucard kung ano ang tumatakbo sa isip ni Ashira kaya naman hindi nya inaalis ang tingin dito.

Natapos na ang labanan at halos dugo ang bumabalot sa buong gym. Tumingin si Alucard kay Damon at Drake.

"Pakawalan mo na sya." Galit na sabi ni Damon kay Alucard.

"Pamangkin. Noong inanunsyo mo na papauwiin mo ang mga estudyante alam mo kung gaano ako kasaya na marinig iyon? Dahil para mo na ring sinasabi na gusto mo talaga akong paslangin. Akala mo ba ay maloloko mo ako?"

Tinalsik ni Alucard si Ashira kaya naman napadaing ito. Lumapit si Alucard at hinawakan ang magkabilang balikat ni Drake at Damon at tsaka binaba ang tingin sa braso ng dalawang binata. Inikot ni Alucard ang braso ng mga ito at duon nakita ang hiwa na naglalabas ng maraming dugo.

Tumayo naman si Ashira sa pag kaka talsik nya at duon nya naramdaman ang kakaibang enerhiya sa loob ng kanyang katawan. Naglakad ito ng dahan dahan. Nakita nya ang kanyang kapatid at Alpha na tila sinasaktan ni Alucard.

"Itigil mo yan."

Halos hindi alam ni Ashira kung saan nya nakuha ang boses na iyon. Halos hindi nya na alam kung sya pa ba ang nasa loob ng katawan nya.

Dahan dahan nyang inangat ang ulo nya at nginitian si Alucard at duon nya nakita ang takot na nararamdaman nito.

"Akala mo ba ay matatakot mo na ako sa g-ginagawa mo?"

Hindi mapigilang mapangiti ni Damon at Drake dahil alam nila at ramdam nila kung gaano ang takot na nararamdaman ni Alucard.

Hinawakan ni Ashira si Alucard sa leeg ngunit mabilis na lumipat si Alucard sa likuran nito. Napa ngiti na lamang si Ashira at ginawa ang gusto nyang gawin kanina pa.

Tumilapon si Alucard ngunit agad din itong nakatayo. Tinaas ni Ashira ang kanyang kaliwang kamay at nagpakawala ng napaka lakas na pwersa. Nag ka piraso piraso ang damit ni Alucard at kitang kita mo na ang malaking hiwa sa dibdib nito.

Napahiga ito sa sakit na tinamo at tinapakan naman ni Ashira ang dibdib nito kaya naman mas lalo itong dumugo.

"Labas."

Nagtatakang tumingin si Alucard kay Damon ng bumigkas ito ng salita. At duon nya lamang napagtanto ang lahat ng estudyante na kanina pa nag tatago.

Isa isang lumabas ang mga ito na may mala demonyong ngiti sa kanilang mukha.

"Maraming buhay ka ng kinuha. Mga buhay na dapat ay hindi nadamay kaya kaming lahat dito ang papaslang sayo mismo."

Kinalaban ng mga ibang estudyante ang mga bampira na natira pang buhay habang ang iba ay kay Alucard pumunta. Pinagkakalmot nila ito hanggang sa tila pinapaligo na nito ang kanyang sariling dugo.

Humawi ang lahat ng estudyante ng pumunta sa harapan ni Alucard ang Alpha.

"Pinatay mo ang ama ko. Ngayon bilang anak nya hindi ko na palalampasin na kumuha ka pa ng buhay na hindi naman karapat dapat mawala. Ako mismo ang papatay sayo."

Tumalsik ang ulo ni Alucard sa paanan ni Ashira at sinindihan nya naman ang kahoy na hawak nya at idinikit sa katawan ni Alucard. Tila mga abo na biglang nawala ang mga bampira at duon lang nila napagtanto.

"Tapos na ang lahat ng ating paghihirap."

***

A/N: patapos na ang storyang ito kaya naman hinihiling ko na sana hanggang sa pagtatapos ay suportahan nyo pa rin ang storyang ito.

Crimson University (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon