CHAPTER 37

3.8K 106 3
                                    


NASA probinsya kami ngayon, sa rest house ni Aries. Nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng lahat ay bukas palad pa rin niya akong tinanggap dito sa bahay.

Mag-iisang buwan na din kami dito mahigit sa pampanga at may trabaho na din akong nahanap dyan sa may talyer, nagulat nga sila ng malaman nila na pedi pala ako sa mga gawain pang automotive, noong una alangan pa sila tanggapin ako pero wala silang magagawa dahil may skills naman ako at isa pa kailangan din nila ng tao.

"Nako! aba'y iba talaga itong hatak ni Adrianna! simula ng nagtrabaho iyan dito aba'y dumami ang suki natin dito!"

Natatawa naman ako na naiiling. Si manang Elle ang may ari ng talyeran na may automotive shop.

"Di naman po"
Sabi ko, Lumapit sa akin si Bindo, yung anak ni Aling Elle na may pagka boyish, nasa mga labing anim na taong gulang.

"Anong hindi? ang ganda ganda ni Ate Adrianna malamang babalikbalikan talaga itong shop, hindi para magpaayos kundi ang makita lang si ate!"

Natatawa nalang ako sa mga sinasabi nila. Madami din kasing nagpapalipad hangin sa akin, ang di nila alam may anak na ako.

Dinaan ko na lang sa ngiti ang mga ganyan, kahit naman mga nagpapalipad hangin ay wala naman na akong pakialam, alam ko ang priority ko.

Nagpaalam na ako ng maaga dahil aasekasusin ko ang papel ni Dudong, lilipat siya ng school dito sa pampangga para naman medyo malapit dito sa tinitirhan ko, syempre with the help of momshie.

Hindi pa man ako nakakauwe ay may tumawag na sa phone ko, unknown number.

"Hello?"
napahinto ako ng marinig ko ang boses, kilala ko kong kanino ang boses na yun.

"Adrianna?"

"Anong kailangan mo?"

"I know you hate me, I'm sorry"

pinatay ko ang tawag, pinatigas ko na ang puso ko. Walang lugar ang sorry niya sa buhay ko.

***

PAGKAUWE  ko ng bahay ay nakita ko si Aries na hawak hawak si Arkie.

"Hello!"
lumapit ako kay Arkie at kinuha siya kay Aries.

"Kamusta ang trabaho mo?"
tanong niya sa akin

"Ayos lang, ayun mahirap kasi nakakalimutan ko yung iba, matagal tagal na rin simula ng nagkumpuni ako ng sasakyan"

tumawa naman siya at inakbayan ako.

"Gusto ko sanang humingi ng pabor"
may alanganin niyang sabi. 

"Ries kong kaya kong ibigay yan, ibibigay ko.. Ano yun?"

tinignan niya ako sa mata at sinabi niya ang gusto niya.

"Pwedi bang samahan mo ako sa isang Ball party?"

kumunot ang noo ko at tinignan siya.

"Kailan kapa nahilig sumama sa mga party?"
natatawa naman akong tinignan siyang nagkakamot.

"May business ball akong puntahan kaso kailangan ng date, so pwedi ba kitang maging date? just this one please"

"Bakit hindi? ang dami mo nang naitulong sakin, this time ako naman, kahit ito lang."

"Thank you, Sunduin kita dito bukas ng hapon para makaluwas tayo, at doon na kita paaayusan sa manila"

"Ries kaya ko namang mag-ayos ah"
hinawakan niya ang kamay ko.

"Hindi na, gusto ko maging mas maganda ka kesa sa lahat ng nandoon sa ball"

"Sus! gagastos ka pa sakin!"

Shape Of You (#PHTimes2019)Where stories live. Discover now