CHAPTER 35

3.6K 104 1
                                    


NAKAPAGPASYA na ako, hindi ako pumayag sa gusto niya... may parte sa akin na natatakot pero mas lalong gugulo kong papasukin ko ang gusto niyang mangyare, lalo na't mainit ang media sa kanila dahil malapit na ang kasal, hindi malabong maissue na naman ako.

"Ma'am? tawag ka daw po sa office"
sa sobrang lalim ng pagkakaisip ko ay di ko na namalayan na kinakausap na pala ako ng crew namin sa store..

"Bakit daw?"
bago na ang management kaya medyo adjust adjust kami.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakatalikod ang swivel chair sa akin.

"Good Morning sir, tinawag nyo daw po ako?"
di pa rin humaharap si sir sa akin.

"Have a seat"
bigla akong kinabahan sa boses na narinig ko, hindi boses ni sir to! babae to eh!

Umikot na ang swivel chair at nahigit ko ang hininga ko ng makita ko kong sino...

"Miss me?"
mapang-asar niyang sabi sa akin, malaki na ang tiyan niya pero di yun nakabawas sa ganda na meron siya...

Veronika Sancouver-Ong, ang  magandang pangalan na nakakainis banggitin.

"Anong kailangan mo?"
umiling iling siya at tinaasan ako ng kilay.

"Is that how you treat your boss?"
naikuyom ko ang kamay ko,  sabi ko na nga ba!

"Hindi po mam"
pilit kong hinihinahon ang aking sarili dahil alam kong pagpinatulan ko ang kababawan niya ay sibak agad ako sa pwesto. Hindi pwedi na mawalan akong trabaho!

"Good, Sit"
tinuro niya ang upuan, hindi kasi ako umupo kanina. Naiinis ako dahil kong tratuhin niya ako ay para ba niyang akong aso.

"Were not good right?"
umipisa niyang sabi, napapikit ako ng mariin alam ko kong san papunta tong diskusyong to!

"Personally, yes..."
sa personal na buhay di kami ok, we both know what happened in the past...

"Ok, Its good to hear, direct to the point...And you know me right, I play my cards unfair"
nakangisi niyang sabi, gusto ko siyang sampalin! alam ko ififire na niya ako.

"You always fight unfair because you can't win fighting in fair"
pang rereal talk ko sa kanya, nakita ko kong paano nagpangabot ang kilay niya.

"How dare you!!"
kailangan kong pigilan ang sarili ko, kahit anong mangyare buntis pa rin ang kaharap ko, ang anak na dinadala niya ay kapatid ng anak ko sa ama, kaya kahit kaunti ay binibigyan ko siya ng respesto.

"Please Veronika, Magreresign na lang ako kesa mag-away pa tayo ng todo.. Please don't stress too much yourself to me, I remembered you said before you will not lower yourself to my level but here you are..."
sa galit at inis ko ay dinaan ko na lang sa verbal, ayaw kong magkapisikalan kami dahil tiyak maaapektuhan ang baby... Dumaan din ako sa estado niya kaya alam ko kong ano ang kalagayan niya ngayon.

"Ofcourse!! Get out now! I don' wanna see your face anymore because you are fired!!"

tumayo na ako at iniwan siya, nang tumalikod na ako ay napaiyak ako... kailangan ko ang trabaho na to! pero di ko hahayaan na gamitin yung bagay na yun laban sa akin...

"Ma'am? ayos lang po ba kayo?"
lumapit agad sa akin ang crew leader, napansin niya ata na nagiba ang aura ko after kong lumabas ng office.

Pilit akong ngumiti, at a short period of time naging family ko ang mga tao dito sa store...

"Im ok... Uuwe lang muna ako saglit, nagpaalam na ako kay boss emergency lang"

pagdadahilan ko, kahit ang totoo ay wala naman talagang emergency.

Shape Of You (#PHTimes2019)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora