CHAPTER 3

4.9K 141 6
                                    


KINAKALAMPAG  ng mga ralihista ang gate, good luck sa akin! kundi ako matutuhog ay mapipilay naman ako dahil mahuhulog ako!!

Ayaw kong bumaba sa Norwegian palace dahil baka bigla akong barilin at mapagkamalang kaisa sa kilusan.

"ANO BA! kanina pa ako nagtatagalog dito! mga bobo ba kayo! pinoy ako!"

kinakalampag nila ang gate na may taas na  20ft! ibig sabihin sobrang taas ko na!

"Wag mo kaming pinagloloko! dapat ang mga dayuhan dito ay pinapalayas! sila lang ang yumayaman dito sa pinas!"

Hala sige yugyog pa! pag-ako na laglag! makikita niyo talaga si Darna na nagwala!!

Isang alingawngaw ng putok ng baril ang narinig namin, nagsiyukuan ang mga ralihista, natakot ako! halo! nandito kaya ako sa taas ng gate!

Nagsitakbuhan ang mga ralihista dahil nanjan na ang mga pulis! maygahd! bakit ba napasok ang kagandahan ko sa napakagulong buhay na ito!

"Tulong! Tulong!! hoy wag nyo akong iwan dito!!"
nalilito na ako! biruin nyo nasa ibabaw ako ng gate? yung pwet ko matutusok na!

Nagkagulo na dahil nanlaban ang mga ralihista sa mga pulis!? seriously? nasa ibabaw ako ng gate  halo!? wala man lang nagmalasakit na pababain ako!?

"Tulong !! hindi na ako makababa!!"

Tinignan ko ang loob ng Norwegian palace, walang bantay? tinignan ko naman ang labas ng palace, madaming naghahabulan at nagpapaluan, baka pag bumaba ako ikamatay ko pa!?

Bahala na! bumaba ako paloob ng Norwegian palace

"HOY BUMABA KA O PAPAPUTUKAN KA NAMIN!"
sigaw ng pulis, sa takot at taranta ko ay napabitaw ako sa pagkawak

"AHH! ANG GANDA KO PARA MAMATAY!!"

Hinihintay ko na lang ang malakas na paglanding ko, at bigla na lang akong bumagsak sa isang lalaki, parehas kaming natumba pero siya ang nadaganan ko.

"DAMN SHIT!!! ARGGGHH!"
ansakit sakit ng tuhod ko, nakahiga kasi ako sa likod ng isang lalaki. Hindi ako makabangon!

"MASTER!!"
Nakita ko naman ang mga grupo ng maid at mga lalaking guard, basta na lang nila akong hinila sa pagkakadagan at nilapitan ang lalaking aking nadaganan

"Master/ Sir!!"
sabay saby nilang sabi, ay ganun!? so di nila ako tutulungan?
Pinilit kong bumangon at nakita ko naman na inaalalayan nila yung lalaki na kung tawagin nila ay 'Sir Rikki/ Master Rikki'

"Ihanda nyo ang medic para magamot na si Sir Rikki"
tinuro ako ng matandang babae, lumapit sa akin ang dalawang bungi na guard at binuhat nila ako!

"Dalhin nyo ang babaeng yan sa basement at tawagin si General Tawas"

"T-teka!? oy! grabe naman! wala akong ginagawang masama!! ano ba! pag-ako nagalusan at di na pweding sumali sa pageant dahil nabalian ako, talagang malilintikan kayo sa akin!! ano ba!! bitawan niyo ako!!"

Nagpupumiglas ako mula sa mga body guard na kasing taas lang ata ng mga dewende sa punso.

"Sumama ka na sa amin miss!!"

"Ano ba! wala nga akong kasalanan!!"
lintek naman oh!! ang sakit pa naman ng legs ko! sayang ang lotion pag may galos kaasar naman!!

***

"SINO ang Leader ng kilusan nyo na nag-utos sayo para pasukin ang Norwegian palace?"
nasa basement ako kung tawagin nila, may ilaw sa gitna na parang yung nasa mga palabas pag may tinutorture ganun

"General Tawas wala nga po!? mahigit sa isang daang beses nyo na yang natanong sa akin! mga slow ba kayo?"
binagsak naman ni General Tawas ang mga palad niya, nagulat ako ha!

Shape Of You (#PHTimes2019)Where stories live. Discover now