CHAPTER 26

3.2K 95 3
                                    


NAKATUTOK sa akin ang spotlight, ngayon ay nasa harap ako ng maraming tao, hanggat maliit pa ang tiyan ko ay nakikipag-sapalaran ako, sumasama ako sa mga beauty contest, at alam nyo ba! swerte talaga si baby dahil sa apat na sali ko this month ng mga pageant contest lahat yun straight panalo..

Now ito ang pang lima kong contest this month and I am hoping for another crown. Nang manalo ako ng sunod sunod ay nakaipon ako ng 35,000,yes 35k!! nakaupa kami ng bahay na halagang  3k at yong kalahati ng pera ay tinatago ko pa, at si momshie true to her words talaga, tinulungan niya kaming magkakapatid pati din si tatay Galong, si momshie ang nagbaback up sa akin ng mga gowns, make up at heels na ginagamit ko sa pageant, kung dati hati kami sa kita ngayon hindi na, sa akin na daw lahat ng kita. Nahihiya man ako pero wala akong magagawa, kailangan ko mag-ipon para sa panganganak ko, hindi naman at very instant na pagkatapos ko manganak ay makakapagtrabaho ako agad noh.

"Now Lets call on the top five"
hiyawan ang buong manunood, kailangan confident ako, hinaplos ko ang tiyan ko na may kaunti ng umbok, Baby? pasensya kana kong nasali pa si nanay sa mga pageant ha? next time baby di na ok..

"In order....Candidate number 7!"
Candiate number 12 ako, nakita ko sa baba ng stage ang mga kapatid ko at si momshie,todo sigaw sila halos lumabas na ang litid nila.

"Next in line to our top 5, Candidate number 12!"
I smile very sweet, thanks GOD for another grace, aim ko manalo pero kong hindi ok lang atleast nasa top five ako may consulation price na mauuwe kahit tig dadalawang libo.

"Candidate number 1 and candidate number 6!"
Ito na ata ang destiny ko, maging isang beauty queen, pero pagnagkaanak ako hindi na ako pweding sumama sa pageant dahil may baby na ako.

"Candidate number 10! the top five is now complete!!"

Nagkaroon ng kaunting stage presentation, kami namang top 5 pinabalik sa make up room. Retouch ..

"Alam ko magaling ka sa Q and A pero mas galingan mo pa ok?"
sabi ni momshie sa akin habang inaayos ang powder ko.

"Ang ganda ganda mo ate! I hope someday maging kasing ganda kita in the future"
nangangarap na sabi ni Dudong, ay nako!

"Bahala na si God,manalo manalo"
tinignan ko ang reflection ko sa salamin, I am Adrianna Percephony Cedan, half filipina half Irish, maganda ako at matalino..Matapang at higit sa lahat buo ako kong mag-mahal, yan ang mga katangian na masasabi kong positibo sa akin, Kung ano man ang nangyare noon ay magiging dahilan yun ng bagong ako, magiging mabuti akong ina sa aking anak at tatayo akong ama para sa kanya. Mahal na mahal ko si Rikki pero hindi kami para sa isa't isa o baka masyado pa akong bata para makita ang lalaking para sa akin... Pero kahit gayun pa man  nagpapasalamat ako dahil nakilala ko siya, kung di dahil sa kanya wala sa akin ang batang magiging inspiration ko sa future.. Anak, lalaban tayo ha..

"Guys! resume na tayo in two minutes please pila na lahat ng candidate for the last long gown competition and ready for Q and A na"
pinatayo na ako ni Momshie at inayos ang gown na suot ko..

"Ang ganda mo bebe gurl, pang binibining pilipinas ka sana, pero yaan mo na!"
nakangiti ni momshie, may baby na ako hindi na pwedi eh.

Pagtapak naming topfive sa stage ay mas naging maingay ang crowd, bumalik naman sa isip ko ang una kong pageant na sinalihan, walang nauwing korona pero ok lang. Puro experience lang ang napanalunan.

Isa isa ng tinawag ang top five, random kasi kaya di ako ang pangalawang natawag.. Nakikita ko sa mga kasamahan ko ang kaba dahil yung ilan sa kanila ay bago palang exposure.  Ako naman chill lang dahil I aleady felt that before and I am too immune for that kind of nervousness. Kampante lang ako, matalo man its ok, manalo man edi thank you, pagkontesera ka kasi parang unti unti ng mawawala yung sobra sobrang kaba na mararamdaman mo later on.

Shape Of You (#PHTimes2019)Where stories live. Discover now