CHAPTER 18

3.1K 94 6
                                    


MAGANA akong kumakain ng KFC na dala ni Momshie, si Rikki nakikain na rin, si momshie ito nakikinakaw tingin sa abs ni Rikki busog na raw siya  kaya  ito nakatingin lang sa amin habang kumakain kami ay kumakain.

"Momshie sure ka ba na ayaw mong kumain?"
tumutulo na ang laway niya habang tinitignan si Rikki na nagkakamay kumain

"Ok lang ako.. next time ha sabihin mo sa akin kong gusto mo ng KFC ha kahit araw araw pa nako basta may abss ba naman na  pagkadami dami ay go! go! go!"
umirap ako kay momshie ang dami talagang keber nito..

"Bahala ka dyan"
at sumubo ako ng sumubo, sinulyapan ko si Rikki, ang daming kanin na nagkalat sa lamesa.. parang sa isang dakot niya ng kanin, 3/4 nun ay nalalaglag at 1/4 lang nun ay nakakain niya.

"Ang kalat mo kumain, sinabihan na kita na magkutsara ka, nagkamay ka pa talaga"

"Don't mind me, I want to try it"

"Ang kulit mo naman"
para siyang bata na kumakain, lahat ng kanin ay nahuhulog. Nilagay ko sa lababo ang plato ko at hinugasan. Si momshie naman ang kinakausap niya si Rikki, ini-interview niya kono..

Matapos kong mahugas ay inayos ko ang higaan  namin, siguro nalibang ako dahil kahit yung tunog na mula sa cellphone ko ay di ko narinig.

"Sino kaya itong tumatawag?"
unknown number, sinagot kasi baka sa school ni Dudot o kaya ay kay Buknoy

"Hello?"

"Po?"
"Where is Rikki.."
sa boses pa lang alam ko na kong kanino galing. Hindi talaga patanong.

"Nandito po ang anak nyo, hindi ko po kinidnap.."

"Tell him to show his ass on the Market meeting in Singapore tomorrow"
hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ko...di ko talaga alam, napakademanding at bossy niya mag-utos siguro dahil mahirap ako at mayaman siya.

"Sige po"
ibaba ko na sana ang tawag kaso may gusto pa syang sabihin.

"Did I tell you to stay away from my son?"

"Yes"
tipid kong sagot
"And now what is he doing with you?"
may pang uuyam niyang tanong

"Hindi ko po alam"

"I don't know whats with you, but like what I've said, your not suited for my son... he just wasting his time playing around and bad luck! you are the one he played with"

maririnig mo sa tono niya ang pang-uuyam sa akin...kahit din ako ay nagtataka, at naniniwala na sa sinasabi ng ama ni Rikki..Pinaglalaro lang niya ako, darating ang time magsasawa na yan sakin at iiwan ako. If that day happen don't know what to do, nakapasok na sa sistema ko si Rikki  hindi ko man maamin ngayon, alam kong may nararamdaman na ako sa kanya. Hindi ko iniexpect na ganto pala ang pag-uusap namin ng Hari.

"Yun lang po ba ang sasabihin nyo? don't worry pagsasabihan ko po siya na umuwe na"

"....And tell him to stop bothering you ..."
sabay binaba na ang tawag..Inis na pinikit ko ang mata ko at mariin kong hinawakan ang cellphone. Hind man lang siya natatakot na baka isumbong ko sya sa media? bakit? eh makapangyarihan siya! kaya niyang pakainin ng pera ang media at itikom ang bibig nila.

"Are you ok?"
Nakaharap siya sa akin at seryoso niya akong tinignan

"Yeah.. wala lang to"
nahihilo na naman ako,siguro dahil sa stress...

"I want to sleep here .."
umupo ako sa upuan at hinihilot ang ulo ko.

"No you can't, darating sina Dudong at Buknoy mamaya, hindi pweding makita ka nila dito baka kung anong isipin nila"

"Ayaw ba nilang akong makilala? Promise, I'll behave"
Ma-accent niyang sabi, Matalim ko siyang tinignan dahil mas lumalala ang sakit ng ulo ko habang pinapakinggan ko sya.

"Yun na nga eh, wala kang ginagawa..at ayaw kong mag-isip sila ng masama ng tungkol satin"

"Are you really ok? you want a massage?"
lumapit na siya sa akin at hinilot ang ulo ko. Pero pinigilan ko siya, I want him to go ...

"Sumunod ka na lang please kahit ngayon lang.."

Mabuti at sumunod siya sa akin dahil sinuot niya agad ang damit niya at nagpaalam sa akin

"Don't stress yourself too much"
hinalikan niya ako sa pisngi at saka lumabas ng bahay. Kung alam mo lang na ikaw ang nagbibigay ng stress sa akin...

"Anyare?"
lumitaw si momshie sa harap ko at tinignan ako.
"Wala nahihilo lang ako"

"Matulog ka.."
mando ni Momshie sa akin, sinunod ko na lang siya at naglatag ng banig sa sala. Wala pang isang minuto ay nakatulog agad ako.

***

NAGISING ako dahil sukang suka ako at nahihilo, juiceko! anong oras na ba!! alas otso!?

"Ate? ok ka lang?"
tanong ni Dudong sa akin, hindi ko na siya nasagot dahil nagmadali akong pumunta sa lababo at nagsuka.. Hinahagod naman ni Dudong ang likod ko, grave! feeling ko isusuka ko yung bituka at atay ko.. arrgh!

Matapos kong mag-suka ay lupaypay ako, nakakalanta naman!
"Anong kinain  mo ate at nagsusuka ka?"

"Wala nama, kahapon KFC.. Nakakahilo!"
dali dali akong humiga sa banig dahil nahihilo ako.. itulog ko na lang ito
"Bukod don? wala na bang iba? baka kumain ka ng panis"

"Wala nga! ang kulit mo!!"

"Bat ka galit? dinaig mo pa yung buntis ah!"
sigaw nia Dudong sa akin, Bigla akong natauhan..Di kay? nako wag! wag muna! utang na loob!! Panginoon wag!!

"Ate? bakit?"
naglalakad ako pabalik balik dahil di ko alam kong anong gagawin ko...sana di totoo itong naiisip, Juiceko! hindi ko alam kong paano magpalaki ng bata, pano ko to sasabihin kay Rikki? wala naman kaming relasyon? puro lang kami harutan! sa kama lang ata kami matinong naguusap..Hindi ako tanggap sa pamilya niya! ano ba naman kasing sumagi sa isip ko at pumayag akong magkipagsiping!! kasalanan ko to!! teka! di pa naman confirm eh nako! baka lbm lang to o di kaya'y magkakaroon ako kaya ganto..oo tama baka ganun nga, wag muna akong tumalon sa mga konklusyon na panget ok! ok!!

"Feeling ko ate kailangan mo ng mental"
nilingon ko si Dudong na nakaupo sa upuan at tinitignan ako

"Huh? bakit?"

"Lumalabas kasi ang kabaliwan mo,kala mo ikinaganda mo yan?"
hinampas ko ang balikat niya

"Gagi! kailangan ko pregnancy kit"
lumuwa ang mata niya, at di makapaniwalang tinignan ako at nahimatay siya...

***

JM
salamat

Shape Of You (#PHTimes2019)Where stories live. Discover now