CHAPTER 33

3.3K 94 1
                                    


NATAPOS NAMIN ang mga big order at medyo hapon na ako makakauwe, sobrang traffic! ano bang meron? gusto ko na humiga at itulog ang lahat ng problema.

"Manong? anong meron bakit sobra naman atang traffic?"
kalabit ko sa driver, grabe wala kaming galawan dito sa kalsada.

"Nako may parada kanina mam, tas nasundan ng mga ilang aksedente sa daan"

"Ha? naaksidente yung nagparada?"

"Hindi mam, tapos na yung parada kaso nagkaroon ng mga banggaan dahil walang nag-asekaso na enforcer sa daan"

napa-ah na lang ako, sumulyap ako sa relo. tinignan ko ang kalsada..

Napagpasyahan ko na bumaba na lang ako at maglakad papasok sa isang mall para kumain, nagugutom na ako at di ko pweding pabayaan ang sarili ko dahil may batang dumedede sa akin.

Pero bago ako kumain ay nagcr ako, pagkapasok ko sa Cr ay nagulat pa ako dahil may full length mirror pala sa harapan ko, napatigil naman ako sa harap ng salamin.

Tinignan ko ang kabuohan ko.

Mula ulo hanggang paa ay tinignan ko ang reflection ko, Nakadoll shoes ng black, hindi ako mataba pero simula ng nanganak ako ay lumaki ang dibdib ko at lumapad ng kaunti ang balakang ko, magulo ang buhok ko at walang kulay ang mukha dahil natanggal na ang make up, nakapusod at mukhang matanda.

Ako ba ito? napabayaan ko na nga ang sarili ko, hindi ako pangit pero hindi na ako nag-aayos, bente uno anyos pa lang ako, may anak ako oo pero di yun hadlang para di ko ayusin ang sarili ko... Mukha ako trenta sa ayos ko..

Dapat hindi ganyan Adrianna! Lalo na ngayon at nandito na si Rikki sa pinas, ipakita mo sa kanya na wala na siya sa sistema mo at mas naging maganda ka ng nawala siya sayo...

Naghilamos ako ng mukha at tinanggal ang tali sa buhok ko, inayos ko yun at nagpalit ako ng heels ko, nagmake up ako at inayos ko ang itsura ko.

Tinignan ko uli ang reflection ko sa salamin, adrianna hindi porket may anak kana ay magpapakalosyang ka.. Tandaan mo dati kang beauty queen.

Pagkalabas ko ng mall ay diretso ako sa department store, bumili ako ng burger at kumakain papasok, balak ko kasing  bumili ng diaper at mga hygiene materials na kailangan ni Arkie.

Maya maya pa ay may lumapit sa akin na saleslady, nginitian ko lang siya, siguro di na siya nakatiis kaya't nagsales talk na siya.

"Mam this is our new product, its good to use and--"
trying hard siya magenglish, napag-kamalan na naman akong foreigner

"No need na, Salamat ate pero may ganyan na po kami"
nakanganga naman itong tumango at dahan dahang umalis.
Matapos kong makuha ang mga pinamili ko ay pumila na ako sa cashier, medyo mataas ang pila kaya't inabutan ako ng more than five minutes.

"Hi mam, may mall card po kayo mam?"
umiling naman ako at tinignan ang bill.

"678.75 po lahat mam"
nag-abot ako ng 1k at sinuklian niya, nang akmang pupulutin ko ang grocery bags ko ay may biglang salesboy na kumuha nito at binitbit, tinignan ko siya at kuhanin ko sana.

"Mam ako na po, hatid ko na po kayo sa labas"

"Kaya ko naman yan kuya, kahit wag na"
pagiinsist ko.

"Mam sige na ho hayaan nyo na po siya mam para di po kayo mabigatan"
gatong naman ng cashier, narinig niya kasi kami.

Ang weird lang dahil dalawang malaking plastic bags lang naman ang pinamili ko bakit kailangan pa akong ihatid? pero well baka free service edi go pabor sakin di ako mahihirapan.

"Kuya wala akong kotse kahit dyan mo na lang ako ihatid sa tapat ng sakayan"
tumango si kuya.

"Mam? pwedi po ba tayong dumaan sa parking?"

"Bakit?"

"Kukunin ko lang po yung push cart para mas magaan dalhin tong grocery"
natawa naman ako ng kaunti, mabigat pala ang pinamili ko? sabagay madaming can goods akong binili pero push cart?

"Sige"
pumasok kami sa parking ang kaso di na ako sumama sa loob, hinintay ko na lang siya na lumabas ng parking..

May van na itim na lumabas at huminto sa tapat ko, nagulat pa ako ng bumukas ito, nanigas na lang ako bigla ng may lumapit sa akin lalaking nakacap at tinakpan ang ilong ko ng panyo. Nang malanghap ko ang amoy ay bigla akong nahilo na naantok... at nakatulog na ako..

***

ANG SAKIT ng ulo ko... bumangon at gulat na gulat kong tinignan ang paligid, ano to? nasa ibabaw ako ng isang pagkalaki laking kama,tumayo ako at hinanap ang bag ko, balak kong tumawag ng pulis aba'y malay ko ba baka ginawa akong postitute o ano. Mas kinabahan ako dahil wala akong nakitang cellphone ay pano to gago!

Nasa loob ako ng isang kwartong puro glass ang dingding, alam mo talaga kong gaano ka kataas dahil ang katapat mo ay puro ibabaw ng building..shit! san na ba ako!!

Natataranta na ako, tumataas ang adrenaline rush ko, kung ano na naiisip ko, sisipain ko  pa ang pinto o maghahanda akong pamalo?

I study the place, di naman siya mukhang torture area, actually mukha nga siyang high profile na hotel room, dim ang light at romantic ang aura pero dahil wala ako sa mood para sa akin horror ang aura dahil di ko alam ang lugar na to...

Tinignan ko uli ang glass, nakikita ko ang pangalan ng mall kung saan andon ako kanina, ang layo pala ng hotel nato? kinakabahan parin ako dahil hindi ko alam kong saan ako.

"How's the view"

nahigit ko ang hininga ko, uminit ang temperatura ng katawan ko at kahit nakaaircon nakaramdam ako ng pawis na tumulo mula sa noo ko, nanginginig ang kamay ko...

totoo ba ang naririnig ko?

Umikot ang katawan ko at gusto kong makita kong sino ang nagsalita, gusto kong masiguradong siya nga.

Nabato ang expression ko...at tumigas ang nararamdaman ko, akala ko ba pagnakita ko siya ay masasaktan ako? bakit iba, bakit napuno ako ng pait at galit sa Dibdib ko.

"Bakit ako nandito?"
akmang  lalapit siya sa akin ang kaso natabig ko siya at pumunta ako sa pinto at walang habas yung tinadyakan, ayaw ko dito! nasusuffocate ako! ikakamatay ko ang presensya niya!!

"If I were you, I stop doing that one"
sa galit at inis ko dahil basta basta na lang niya ako kinidnap at pinasok dito sa kwarto ng hotel niya at kinulong, sinipa ko ng malakas ang pintuang bakal.

Naramdaman ko ang kamay niya na malakas akong hinatak palayo sa pintuan at binalibag ako pahiga sa kama.

"ANO BA! KAKASUHAN KITA!"
ngumisi siya at hinubad ang tshirt niya, gago!! lumapit siya sa akin dahilan para ako ay mapaatras.

"Wag kang lalapit"

"You f***ing bit*h!, you make me insane thinking about you bit*h"
sinalubong ko ang matalim niyang tingin. Naiinis ako at di ako magpapatalo sayo.

"Hindi ako bit*h Rikki.."
at mariin ko siyang tinulak, nagalit siya at diniin niya ako pahiga.

"You are..."
isang malakas na sampal ang nagpatulog sa akin

***

1170 words mahigit

salamat. JM

Shape Of You (#PHTimes2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon