CHAPTER 32

3.3K 96 0
                                    


KINABUKASAN  ay wala parin kaming balita kong kailan magbabago ang management, naibenta na ng owner ang property niya, ang kinakabahala lang namin ay ang pagiiba ng system at di sumunod sa usapan ang new owner, wala namang kaso sa akin yun dahil madali naman ako ng maka adapt.

"Mam may magpapareserve ng big order mam"
lumapit ako at tinignan ang email

VSO-T
7000 pcs of Burger sandwich
70000 pcs of soda
345 pcs of ice cream desert

Nang mabasa ko ang mga order, nako naman! ang dami!

"Kaya ba natin tong iproduce?"
tanong ko sa team leader ng kitchen.

"Kaya naman siguro mam, ang problema dapat po mas madaming crew ang papasok sa araw po nayan para po mas mabilis ang production"

"Ilang crew ang kailangan?"

"Mga apat po per station"

Bukas? wala na naman ako ng buong araw, gabi ko na lang makakasama ang anak ko.

"Sige accept natin to dagdag din to"
ngumite sa akin ang crew leader at umalis na..

KINAGABIHAN AY pagod na pagod ako pero nagawa ko pa ding magluto at asekasuhin ng hapunan ang mga kapatid ko, parehas na may sakit ang kapatid ko, nilalagnat si Dudong at si Buknoy. Sa sala muna kami matutulog ni Baby Arkie dahil para iwas hawa.

Nang makaupo ako sa sofa ay agad namang lumapit sa gilid ng kanyang crib si Arkie at nagsimula ng magbaby talk.

Sa tuwing gingawa niya yan minsan iniisip ko kinakamusta niya ako sa lenguwahe niya, nakakabigkas na siya ng mga salita gaya ng mama, at dada..

Dada? anak, wala kang dada.

Dahil alam kong naglalambing siya ay kinarga ko siya at hinalikan siya sa lips, Ngumite siya at lumabas ang magandang ngite niya na bihira lang niya ipakita sa iba, ngiting akin lang, ngiting kaparehas na kaparehas sa ama niya.

"Mahal na mahal ko talaga ang tatay no noh?"
naglaway laway siya at nagbaby talk...

"Kamukhang kamukha mo kasi siya anak...sana paglumaki ka wag mo akong iiwan gaya ng ginawa niya sa akin"
niyakap ko siya ng mahigpit.

Maya maya pa ay nagsusungit na siya, nang sumulyap ako sa oras eight na pala!

Naramdaman ko na lang na pumasok na ang ulo niya sa loob ng Tshirt ko at hinahawak hawakan na ang dibdib ko, napangite naman ako.

Hinubad ko ang Tshirt ko at ang bra,wala akong saplot liban sa pangibaba na short,  Tinitignan ko ang anak ko na sumususu sa akin. Ganto pala ang feeling ng nanay noh? Lahat ibibigay mo sa anak mo at kung pupwedi pa ay ibigay mo ang mga bagay na malinis at healthy para sa kanya.

"Lakas naman ng baby ko"
Matakaw si Arkie sa gatas, kaya't ako ay naoobliga na kumain ng mga pagkaing pampadagdag ng gatas dahil para naman di matigil ang breast feed ng anak ko.

Habang hinihintay ko siyang makatulog ay nagopen ako ng Fb sa phone..

Bumaha agad sa news feed ko ang mga viral na news... at mostly sa mga yun ay ang tungkol sa pagbabalik ng royalty couple.

Matiyaga ko yung binasa ang mga article, kahit nasasaktan ako ay tuloy parin, ito lang ang paraan na alam ko para mawala ang nararamdaman ko, ang eexpose ang sarili ko sa mga bagay na magpapasakit sa akin hanggang sa darating ang araw at kaya ko ng tignan ang lahat ng walang anomang sakit na nararamdaman.

May parte sa akin ang umaasa, pero buo ang nararamdaman ko na impossible ang aking naiisip.

Inayos ko na si Arkie dahil matutulog na kami, nakatulog na din siya kakadede..

Nilapag ko siya sa foam at sinuot ko ang tshirt at tumabi na din sa kanya.. Nagcheck muna ako saglit kong nakalock na ba lahat ng pintuan.

Humiga na ako at nagdasal ng kaunti, bukas ay busy ako madami kaming big order, nakakapagod  pero para naman ito sa anak ko...mahaba pa ang panahon na ilalagi ko para maiipon para sa educational fund ng anak ko at ng kapatid ko.

Nakatulog ako sa kakaisip sa mga bagay na nagbibigay ng bagabag sa akin.

***

MAAGA  pa lang ay umalis na ako ng bahay para pumasok sa trabaho, nag-away pa kami ni Aries dahil bakit daw sobrang aga ko pumasok di pa nga gising ang bata. Sinabi ko sa kanya ang dahilan at nananahimik siya.

"Natapos na ba yung drinks?"

"Yes mam, nakabox na po, yung burger na lang po kulang pa"

tumango ako at pumunta sa office, nireview ko ang cctv, titignan ko kong lahat ba ay gumagawa. At oo buti na lang, ayaw ko kasing magbigay ng  punishment kaso may mga matigas talaga na manggagawa na kailangang masampulan.

"Mam Adrianna magbreak na po kayo habang kunti pa lang ang tao."
nag-ok sign ako at nireview ko uli ang cctv bago ako nagbreak.

Tumawag muna ako sa bahay para kamustahin sila.

"kamusta kayo dyang Dong?"

"No ba yan ate? may OCD  lang? ok lang kami dito, isturbo ka ate ha, diba Arkie?"

"Dudong syemre kayo kayo lang dyan kaya kinakamusta ko kayo dyan"

"Naku ito kami ate nanonood ng Royalty parade"
napatigil ako sa pagsubo ng kanin.

"Parade? nino? para san daw yan?"

"Ate? not updated lang? haler! nandito na si Prince Rikki Harold ng Norway at ang kanyang Fiance, dito daw sila ikakasal 2 weeks from now."

Sa mga article ko na nabasa kagabi, pero ni isa sa mga yun ay hindi nagbanggit ng petsa kong kailan ang uwe nila dito sa pilipinas.

"Bakit?"

"Anong bakit ate?"

"Sige na dong ibababa ko na ha kain lang ako"

"Ha? anyare sayo ate? you act weird? pero sige bye bye muah!!"

Pinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang puso ko, natatakot ba ako? baka magkrus ang landas namin at ayaw kong magmukhang talunan, ayaw kong maging mahina...

Siguro naman hindi na niya ako guguluhin pa diba?

Hindi pweding manghina ako... hindi... dapat di ko na nararamdaman ang sakit! mag momove on na ako! changgala!

***

to be cont.

comment and votes welcome

salamat..

J.M

Shape Of You (#PHTimes2019)Where stories live. Discover now