CHAPTER 31

3.2K 100 0
                                    


ITS been months simula noong nalaman ko yung balita, hanggang ngayon maugong parin na babalik na sila Rikki sa pinas.

Si Aries at ako, ayon same pa rin friends, kahit na alam ko may nararamdaman siya sa akin. Di ko siya kayang palayuin dahil naging malapit na din si Arkie kay Aries.

Napromote ako sa aking trabaho, nakakagulat pero oo ang bilis, sabi ng Head manager namin excellence ang performance ko.

Ginagawa ko ang makakaya ko hindi para sa akin kong di para sa amin at ng anak ko.

"Ate? amin na, ako na magsasampay ng damit"
nilalabhan ko ang dami ni Arkie habang may time, gusto ko kahit na may trabaho ako ay naaasekaso ko parin ang mga gamit ng anak ko.

"Sige dong paki na lang ako ha"
pumasok na ako sa bahay at binuhat ang anak ko, busy siya sa kakalaro sa crib niya...

"Hello gusto mo ba pasyal tayo?"
dumila dila ito at nagbaby talk. I kiss his cheeks and talk to him about everything.

"Ate si Kuya Aries!!"
nakita ko na pumasok si Aries sa bahay, maydala siyang mga baby stuffs at pagkain.

"Oh? nag-abala ka pa"
umupo siya at kinuha sa akin si Arkie, isang bagay ang pinagseselosan ko, mas close pa sila kesa sa akin.

"Kamusta na ang baby boy? oh bigat ah"
ngumite na lang ako at inayos ko ang mga gamit sa bahay.

Di ko man masabi kay Aries, alam kong malaki ang naitutulong niya sa amin..

Nagring ang phone ko, nang tignan ko kong sino number to ng store. Hindi nila kami tinatawagan pag off duty namin siguro importante to.

"Hello?"

"Ma'am Adrianna? pwedi po ba kayong pumasok ngayon? may managers meeting daw po kayo sa Shaw hintayin daw po kayo nila Sir Megs dito sa store"

"Ano? meeting? hala off duty ko ngayon anong meron sa meeting?"

"Urgent mam"
Tumingin muna ako banda kay Aries at nahuli ko din siyang nakatingin sa akin habang hawak niya si Arkie.

Suminyas ako at tumango siya.

"Sige give me 30 minutes"

"Ok mam noted po yan"
Nagbihis na ako ng damit dahil nakaligo na ako kanina.

Bago ako umalis ng bahay ay hinalikan ko ang anak ko..

"Ries iwan ko muna si Arkie"

"Sige na, akin muna itong makulit na batang to"

NAGMADALI AKO  dahil urgent daw, baka kasi tanggalan  na pala naku wag naman!

Pagkadating ko sa store ay may van na agad na nakahintay sa amin.

"Sir Megs anong meron? taranta ang lahat?"
binulong naman niya sa akin ang problema.

"May gustong bumili ng store, pero para di mabenta yung store kailangan makaqouta tayo ng more than 2million na kita within one day, paghindi ay ibibenta na ng owner at lahat tayong mga employee ay tanggal na din dahil new management ang ipapasok, at mostly sa mga worker na ipapalit nila sa atin ay mga Sri lankan"

"Ano? agad agad? Sir di natin kayang magproduce ng product na magiincome ng more than 2M sa isang araw! maliit lang ang store"

aburido naman nitong hinilamos ang kamay nito sa mukha niya.

"Di ko alam Mam Adri, Sa tagal kong nagtrabaho dito di ko aakalain na basta basta na lang mangyayare ng ganito"

tama nga ang hinala ko, may di magandang balita ang sasalubong sa akin, wag naman sana ngayon, ngayon na nag-aadjust na ako financially saka ako matatanggal?

Paano ang pamilya at ang anak ko? Buong biyahe ay kung ano ano na naiisip ko gaya ng san ba ako pweding mag apply kung sakaling matanggal man.

Pagdating namin sa Shaw ay nandun na din yung mga ibang manager, diba nabanggit ko dati na maliit lang ang store, ang totoo may 10 branch lang within sa luzon ganun lang siya kaliit compare sa mga fastfood na sikat talaga sa bansa.

Pagpasok namin sa conference room nandoon si Mr. Velard, siya ang may ari ng fast food na pinagtatrabahuan namin.

"Alam kong alam nyo na kong bakit kayo nandito sa Shaw, May isang taong nagoffer sa akin na ibenta ang aking negosyo kapalit ng  isang malaking halaga, matanda na ako at wala akong anak kaya't napagdesisyunan ko na ibenta ito"

madami agad na ngbubulong bulungan, hindi ko alam kong anong sitwasyon at nararamdaman ni Mr. Velard, naiintindihan ko siya sa punto niya pero paano ang mga kagaya kong ina? madami umaasa sa akin, Lalo na ngayon na gusto ko ng paghintuin si Buknoy sa pagcacall center at paaralin siya, bakit ngayon pa?

"Sir Velard paano naman po kami"
di nakatiis na tanong ng isang manager.

Huminga ng malalim ang matanda.
"Alam ko na darating ang mga ganyang tanong sa akin, kaya't bago ko ibebenta ng stores ko ay naghabilin ako sa bagong owner na wag na niyang tatanggalin ang mga dating empleyado, at pumayag siya kaya't wala kayong dapat ipag-alala, at about doon sa mga Sri lankan na empleyado na ipapalit niya wala na daw iyon, basta galingan ninyo ang performance nyo sa trabaho"

nakahinga ako ng maluwang, kailangan ko itong trabahong to.

Ok naman ang conference, ang pinagtataka namin di pa sinasabi ni Mr. Velard kung kanino niya balak ibenta ang ten stores niya.

"Salamat"
nagbabye na ako sa mga kasamahan ko, hinatid kasi nila ako dahil lulan kami ng van.

Hapon na ng makauwe ako, Nanjan parin si Aries, nagluto na ng hapunan si Dudong dahil maggagabi na din kasi.

"Ries dito ka na lang kumain"
lalabas na sana siya ng pinto. Lumingon siya at umiling iling nakangisi siya sa akin at tinitignan si Arkie na natutulog sa balikat ko.

"Pinapaasa mo naman ako Adrianna"
bagama't biro lang yun, nagising parin ako na oo nga noh, pwedi niyang bigyang motibo ang lahat, ayaw ko siyang masaktan dahil kaibigan ko siya pero di ko na pala alam nakakasakit na ako ng di ko namamalayan.

"Ries, please wag naman lahat gawing big deal"
seryoso kong pakiusap, malakas siyang tumawa at pinisil ang ilong ko.

"Tarantada ka talaga noh? ang bilis mo kasing mataranta.. don't mind me"

Umikot ang mata ko at hinampas siya ng malakas.

"Hindi ka nakakatuwa"

"Sakit ah!"

***
JM

Shape Of You (#PHTimes2019)Kde žijí příběhy. Začni objevovat