CHAPTER 36

3.7K 97 1
                                    


"Sino ba ang lalaking yun Adrianna?"
And with that I cried even more....His the father of my son..The one that I loved most before.

Tinignan ko ang mata ni Aries pilit binabasa ang emosyon na nandoon, pagkalito, pangamba at naguguluhan. Sapat na yun para sabihin ko sa kanya ang totoo.

"Siya ang ama ni Arkie.."
napapikit na lang ang aking mata ng marinig ko ang mga mahina niyang mura.

"Bakit siya bumalik? kukunin ba niya ang anak mo?"
umiling ako.

"Hindi niya alam na may anak kami"
natahimik naman siya.. Ito na siguro ang time para itanong ko sa kanya yun.

"Hindi mo ba talaga kilala si Rikki Aries?"
sumandal siya sa upuan at mahinang nagtatap ang mga kamay niya sa manibela para bang pilit niyang pinapakalma ang sarili niya.

"Kilala ko siya, alam ko ang katayuan niya pero tinatanong ko siya kong sino siya kanina.. sino siya para manakit ng mga ordinaryong tao? dahil ba mataas ang estado niya sa buhay ay basta na lang siya mananakit? Ikaw? pano mo siya nakilala Adrianna dahil seriously nagseselos ako ng malaman kong ama pala siya ni Arkie. Alam mo naman  na may gusto ako sayo diba"

"It all happened by accident"

"P***** ***ng  accident yan!"
galit na  humarap siya sa akin, nalulungkot ako na nakikita siyang ganito.

"Sana ako na lang... sana noong nagkita kayo, ako na lang ang nandun, ako  na lang... hindi kita iiwan Adrianna, hindi ka mabubuntis mag-isa, sasamahan kita sa mga araw na malungkot ka, maging masaya sa panahong masaya ka, bakit hindi ako ang para sayo?"

bakit ba hindi na lang ikaw Aries? bakit? umiiyak ako habang tinitignan ko siya, wala akong nararamdaman sa kanya at yun ang mahirap na parte sa akin... mahal na mahal niya ako pero di ko kayang suklian yun..

"Sorry"
sabi ko, malakas na hinampas niya ang manibela.

"Ang sakit marinig ng sorry...para saan ba yan Adrianna?"
natatawa na naiiyak niyang sabi. Nanatili lang akong tahimik.

"Para saan!!!"
sigaw niya sa akin!

"Sa lahat..."
frustrated ko na sagot, ilang minuto ng pananahimik  na mapagpasyahan ni Aries na paandarin ang kotse.

"Ihatid na kita"
malamig niyang sabi.

***

Pagkahatid niya sa bahay ay agad siyang umalis, di na siya pumasok. Napabuntong hininga na lang ako. Pumasok na ako sa bahay at nadatnan ko si Buknoy na pinapakain si Arkie ng Cerelac.

"Ate? ang aga ata ng uwe mo?"
nilapag ko ang bag at hinalikan ko ang cheeks ni Arkie.

"Wala.. ma-may event kasi kaya ganun"
Di ko na lang sinabi sa kanya na wala na akong trabaho baka kasi mastress siya at mapressure..

"Ganun, sige ate pahinga ka muna, ako na bahala dito kay Arkie"
Hindi na ako nagsalita diretso na ako sa kwarto at umiyak, bakit ganto ang naging kapalaran ko?

Binuksan ko ang phone at puros miss call at madaming text na galing kay Rikki.

Inis na tinapon ko phone at humiga sa kama...What the hell!!

***

May mga mahihinang tapik akong naramdaman sa akin pisngi, dahan dahan kong minulat ang mata ko, naipikit ko uli dahil nasilaw ako sa liwanag.

"Gising na, Hinihintay ka ni Arkie, nagugutom na siya"

Hindi ko alam kong totoo o panaginip lang ang lahat, pero ang nakikita ko talaga ay si Aries.. imposibleng pupunta pa dito si Aris sa kabila ng lahat ng nangyari kahapon.

Shape Of You (#PHTimes2019)Where stories live. Discover now