Chapter 9

3.7K 123 0
                                    


PAGKATAPOS ng nangyare kahapon ay umuwe na kami kinagabihan, sabi nya may importante daw siyang pupuntahan. Siguro napagod na sa kakulitan ko, may part sa akin na nanghihinayang dahil di kami magkikita, baka nga ito na yung last namin na magkasama.

"I don't want anyone to know whats going on between us"

ma-bossy niyang sabi sa mga katulong at lahat ng kasama niya sa Norwegian Palace. Tumahimik lang ako dahil alam ko hindi kami good terms for now. Gusto ko magbabye dahil baka last na ba to o ano?

Nang wala na ang mga katulong sa sala ay nanatili parin akong nakatayo.

"Wala na ba akong utang sayo?"
tanong ko kaagad. Hindi siya nagsalita at iniwan ako sa sala na nakatunganga. Ano yun? nice talking ah!

"Mam tara na po sa kotse, ihahatid po namin kayo bilin ni Sir Rikki Harold"

sabi sa akin ni Alejandro, driver nila. Sumunod na lang ako dahil baka talaga ayaw niya akong makausap.

***
Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko si Dudong na tadtad ng kolorete sa muka. Alam ko na medyo may identity crisis yan ngayon buti na lang wala ako sa mood para ilublub siya sa drum upang magpakalalaki.

"Ate! watashiwa!  saan ditey ang regals ko na pasalubong?"
sumalampak ako sa maliit at matigas naming sofa.

"Walang pasalubong kordapya! at saka libre lang yung bakasyon"
tumabi naman sa akin si Dudong at tinignan ako sa mata, sarap sapakin!

"Libre ba talaga? baka naman nag-eextra service ka dyan ate ha?"

"Luh? anong extra service?"
malisyoso niya akong tinignan at tinapik ang hita ko.

"Baka yun pak ganern ganern na yan?"
malakas na tinulak ko sya paalis sa sofa at yun nga ang ikinataob niya.

"Ang bastos mo ha!"

"Luh ate!? makatulak! aba malay ko no? bat kasi ang blooming mo? siguro na diligan ka noh? nako! sabihin mo na sakin isesecret ko naman ehh!"

biglang naginit ang pisngi ko, ganun ba ka obvious? teka? di naman nila malalaman ah?

"Anong nadiligan? ayusin mo yang bunganga mo ha! tatanggalan kita ng ngala ngala!"
ngumuso ang bakla.arte ang potek! kala mo kinaganda niya!

DAHIL sa boring ay nagbukas ako ng TV, balita? ano ba yan walang teleserye! akmang papatayin ko na sana ng may biglang nagpop up sa media ang mukha ni Rikki, Teka?si Rikki?

'Prince Rikki Harold ng Norway, nahuhumaling daw sa isang pinay actress? ano ba ang namamagitan sa kanila ni Assi Pushmenton? anong balita dyan Jesa ang babaeng chikadura?'
Nakikita sa spot kong saan iniinterview ng media si Assi Pushmenton.

'Anong namamagitan sa inyo ni Prince Rikki Harold Takk?'

ngumite muna ang aktres at tumingin sa camera, andaming nakapalibot na mike sa mukha niya at gusto ko isa isang itarak sa malaking bunganga niya yun once sumagot siyang may relasyon sila ni Rikki

'Actually were dating, his a gentleman and I think he is good naman ... nasa stage palang kami ng knowing each other eh'

Maarteng sagot ni Assi Pushmenton, changgala ka! inis na dinurog ko ang remote.

"Ay te? galit na galit pati remote sinira mo?"
kalabit sa akin ni Dudong, sa inis ko ay pinalamon ko sa kanya ang durog na remote.

"GAG*NG RIKKI YUN AH! pakboy? kapal ng mukha!!"
di ko alam kong bat inis na inis ako! feeling ko naloko ako.

"Grabe ka ate! natanggal tuloy ngipin ko!"
reklamo ni Dudong habang hawak ang remote na puno ng laway niya at yung ipin niya na natanggal.

***
Pumasok ako sa shop ni Tatay Galong, sayang ang kikitain kong tutunganga lang ako sa bahay. Isa pa di naman na ako virgin para magpabebe pa.. kapagod!

Shape Of You (#PHTimes2019)Where stories live. Discover now