CHAPTER 12

3.3K 112 7
                                    


"I WANT you to say away from my son"
matapos niyang bitawan ang salitang yun ay natahimik kami parehas.

"Bakit po?"
yan lang ang naisagot ko.

"My son has a responsibility, and that is to be a future ruler of our country,if he will marry someday, he should marry a woman who come from a elite family, sophisticated and with class. Someone who has the same status to us"

Yun naman talaga ang barrier sa amin ni Rikki, status, at isa pa wala namang kami eh.

"Wala naman pong namamagitan sa amin ni Rikki Sir, kaya wala po kayong magpaghihiwalay"
uminom siya ng coffee, at tinaasan niya ako ng kilay. Yung mga tingin niya na may kahulugan na para bang sinasabi niya na 'talaga lang huh?'

"You're a smart lady Ms. Cedan, I hope you understand what I mean. His my only son, soon he will have this burden in his shoulder. Marriage for people like us are not meant for love, its like a business deal both party must have a benefit from it"

Tumango tango naman ako. sinasabi na niya sa akin na wala at hindi talaga pweding magkatuluyan ang mga kagaya namin na malayo ang agwat sa buhay.

"Alam ko po, pero sana kausapin nyo rin ho ang anak nyo sir, hindi naman po kasi ako ang lumapit sa kanya, siya naman po."

Ngumisi naman ito at sumulyap sa pambisig nito relo.

"Actually Ms  Cedan, I'm here to warned you about my son, he loves playing around with fire, and since I can't control him anymore, I'll just making sure that his not going to get himself in trouble"

Tumaas ang kaliwang kilay nito at ngumusi. Napipi naman ako bigla. Narealize ko lang kasi kong gaano ako sa undesirable, kahit pala talaga maganda ka pero wala kang pera eh wala pala talaga.

"I understand, s-siguro mauna na ako sir..."
hindi ko na nakita ang reaksyon niya basta tumayo na ako at magalang na yumuko, wala naman akong narinig na salita mula sa kanya.

HINDI  na ako sumakay sa lamborgini, gusto pa sana akong ihatid ng guard ni Mr. Takk. kaso ako na ang nag-insist.

Habang naglalakad ako sa gilid ay umiiyak ako, ewan ko ba kong bakit nakaramdam ako ng lungkot, diba matagal mo ng tanggap adriana? why wasting your tears? pakalma ko sa nararamdaman ko, Ang layo ko pala talaga, walang lugar sa katulad kong mahirap ang palasyo nila.

Saktong namang umulan, lahat ng tao sa kalsada ay nagsitakbuhan para sumilong, ako heto nakatunganga, sinasalubong ang ulan. 

Lintek! baka naman talaga tinamaan na ako! at di ko lang talaga maamin, siguro kahit may nararamdaman ako para kay Rikki, kaya ko naman atang kalimutan, alam ko naman kong saan ako dapat lulugar. Ito na ba yung pag-ibig na sinasabi nila? diba dapat mutual? bakit parang sa lagay ko parang ako lang ata ang nahuhulog sa isa, ang unfair naman ata..

'Beep! beep!'

Nilingon ko bumusina sa akin, isang black audiA3. Siguro dahil nakaharang ako sa kalsada kaya bumisina ang sasakyan, Gumilid ako at tumuloy sa paglalakad sa kalsada.

'beep beep beep!'

nilingon ko ang kotse at sinipatan ng masama, ano bang gusto nito? nasa gilid na nga ako ah! binulyawan ko ito kahit na alam ko di naman ako naririnig.

"ANO BA! ARTE MO AH! NASAGILID NA AKO!"

tunalikuran ko na ang kotse at tumuloy sa paglakad, lumalakas ng lumalakas ang ulan pero wala akong pakialam, wala naman akong payong.

'beep beeep beeeeeeep beeeep beeep'

"Ay!"
nakasunod sa akin ang kotse at busina ng busina, hindi ko makita ang nasa loob dahil tinted ang sasakyan.

Shape Of You (#PHTimes2019)Where stories live. Discover now