CHAPTER 21

3.1K 100 1
                                    


MADAMI ng text message at miscalls ang cellphone ko, puro si Rikki, nagdadalawang isip ako kong sasagutin ko ba, sa tuwing naiisip ko ang sinasabi ng Ama ni Rikki tungkol sa akin ay nalulungkot ako at naawa ako sa sarili ko..

Nandito ako sa isang park at tulalang tinitignan ang langit, hindi ko alam kong saan magsisimula, hindi pa naman ending ng buhay ko eh, kaya ko namang buhayin ang bata gaya ng sabi ni Momshie kong magsisikap lang ako.

"Miss anong oras na?"

"Huh?"
may isang lalaking humarap sa akin at nagtatanong ng oras, tinignan ko ang relo ko.

"6:00 pm"
tumango naman ito at nag-ok sign, akala ko aalis na siya pero tumabi siya sa akin sa bench.  Nakita ko na siya before If Im not mistaken sa school? professor ata? at his the guy in the fast food.

"What is the hardest part in life?"
I'm not sure if sa akin ba niya tinatanong yan oh sa sarili niya? hindi ko na lang sinagot.

"According to Miss Universe Canada, The hardest part of life is to always be positive no matter what happened"
I gaze him..

"Ahh ganun ba?"
He smile at me and tell me a story.

"I was once inloved to a beauty queen but unfortunately she rejected me and marry an old man"

"Bakit mo sinasabi sakin yan?"
halo stranger biglang nagopen up sa akin.

"To lift up your down self-esteem"
wahh! ok who is this man? ganun ba ka obvious na malungkot ako? na down na down ang spirit ko?

"Thank you, but I don't need someone to accompany me."
He smile at me at tumango siya.

"Ok"
Tumayo na siya at iniwan ako.. Ang weird naman niya.

Maya maya ay nagring ang phone ko, si Rikki kahit na nagdadalawang isip, sinagot ko parin ang tawag.

"Hello?"
"Where are you?"

pinikit ko ang mata ko at saka ako nagsalita ng dapat.

"Wala ako sa bahay, hindi ako makakapunta sa condo mo.."

"Why??"

"May pupuntahan ako"

"I come with you"

"No need, hindi ka naman kailangan don"
oo tama hindi ka na kailangan, may buhay ako na dapat harapin mag-isa at ikaw din ay gayon.

"Why? Where are you? wait there I will track you down.. please I want to join you in your trip where ever it is"
masaya niyang sabi, bumagsak ang luha na galing sa kaliwang mata ko.. bakit ang kulit mo Rikki? nahihirapan akong pakawalan ka...

"Hindi pwedi, wag mo na akong hanapin.."

"But--"
pinatay ko ang tawag at inoff ang phone, kinalas ko ang battery pati din ang sim card. Youre better without me Rikki. Hindi tayo bagay..

***

BALAK kong gabi na umuwe sa bahay, baka kasi hinahanap ako ni Rikki, hindi ko alam kong saan ako pupunta, sa 7/11 or sa mall, ang kaso pasara na ang mall kaya sa 7/11 or ministop ako tumatambay.

"Pweding maki-tawag?"
lumapit ako sa cashier ng 7/11

"Nako mam wala po kaming payphone"

"Please kahit sa cell lang?"

"Mam kay manong guard na lang po"
lumapit ako kay manong at nakitawag ako, una kong tinawagan ang mga kapatid ko.

"Ate? san ka na? alam mo ba pumunta dito si Prince Rikki hinahanap ka niya!"

"Anong sinabi mo?"

"Sinabi namin ate na kinuha ka dito ng Hari ng Norway dahil gusto ka daw makausap at yung mabilis niya kaming iniwan, me saltik pala yung prinsepeng yun?"

"Bakit nyo sinabi?"

"Eh yun naman ang totoo!"

"Sige na ..Di muna ako uuwe ngayong gabi"

"Bakit? ate.."

"Basta, wag nyo na muna akong hintayin, kumain na kayo dyan at matulog na ok"

"Ate ingatan mo sarili mo dahil may junakis ka na soon"

"Oo,mag-iingat kayo dyan"
napaka-emotional ko talaga, ito ba yung dala ng paggiging buntis..

***

ANG LALIM na ng tulog ko, pero nagising ako dahil may tumapik sa akin, papungas pungas kong tinignan kong sino ang umisturbo ng tulog ko.

"Mam? hindi po ba kayo uuwe? madaling araw na po mam?"
si manong guard pala ng 7/11

"Anong oras na po ba?"

"Ala-una na ng madaling araw ma'am"
magalang na sabi..Bigla namang kumalam ang sikmura ko, nako! hindi pweding magutuman! Hinawakan ko ang tiyan ko at pinikit ko ang mata ko... kailangan kong kumain.

Mabuti na lang at may dala akong pera, bumili ako ng makakain, binuksan ko naman ang cellphone ko, sobrang dami ng message at mga miscalls. Binasa ko ang ibang text nya..

'Please come I want to tell you something'
11:59 am

'Where are you? Can't contact you?'
11:48 am

'Please Adriana?'
11:47 am

Rikki bakit ba ang tigas ng ulo mo? ako na nga ang lumalayo lapit ka naman ng lapit!  sakto namang nagring ang cellphone ko..  sinagot ko..

"Thanks Jesus! where are you? you know what time is it?"
Namimiss ko na ang boses niya.. sana mayaman na lang ako para noong nakilala kita ay bagay tayong dalawa.

"Bakit ka ba nag-aalala sa akin?"
Wala akong narinig na sagot sa kabilang line.

"Alam mo Rikki, hindi mo naman ako dapat paasahin, magpapakasal ka na pano naman ako kung lagi lang akong nakadepende sayo?"

"I don't want to marry someone else"
yeah! alam ko yan, sinabi ng ama mo yan sa akin, umatras ka sa kasalan nyo ni Veronika

"Bakit?"

"I want to be with you"
my tears are flowing down in my cheecks.. I want it too pero hindi pwedi iba tayo

***

How was the update?

Vote and comment your reaction
J.M

Shape Of You (#PHTimes2019)Kde žijí příběhy. Začni objevovat