CHAPTER 30

3.4K 101 4
                                    


AFTER ng duty ko ay nakita ko si Aries na matiyagang naghihintay sakin sa isang table ng store, nilapitan ko siya. Nagulat pa ako sa reaction niya dahil hinalikan niya ako sa pisngi pero pinagsawalang bahala ko na lang yun.

"Para san ba to Ries?"
inabot niya sa akin ang bouqet.

"Wala lang masamang mabigay ng bulaklak?"

"Eh! alam mo naman na iniisip ko kaagad patay ako dahil binigyan mo ako nito, sana pagkain na lang"
naglakad na kami sa labas ng store at pinagbuksan ako ng pinto ng kanyang car, naka four wheels ang lolo mo!

"Ayos ah now ko lang nakita na nilabas mo tong kotse mo ah, kala ko ba mahal gasolina?"

"Maaga ako sa school kanina, tinamad ako magcommute kaya ito dala ko ang baby ko"

Mahilig si Aries sa car, itong sasakyan niya Aston Martini to, kaso di ko alam ang model, baby ang tawag niya dito

"San tayo madadate?"
paiba ko ng usapan.

"Motel?"
inis na hinampas ko ang braso niya, mang asar pa!

"Subukan mo lang baba ako at iiwan kita dito, badtrip yang mga ganyang biro eh noh"
pinaandar na niya ang kotse at dumaan kami sa bgc, doon daw kami kain. Date daw namin kain. haysst tataba na naman ako!

"Joke lang, sige next time di na"

"Wala ng next time"
Saglit ay natahimik kami, medyo ok na kasi kami kahit papaano,kahit na until now di pa namin na reresolve yun gusto niyang maging tatay ni Arkie.

"Dyan na lang tau oh!"
turo ko sa Mcdo na nadaanan namin.

"Gusto mo dyan?"

"Oo! ang tagal na mula ng nakain ako dyan"

Bumalik sa alaala ko kong pano kami nagkita ni Aries, yung mga food trip namin ni Rikki.

"Wala ka bang balak ipaalam sa kanya na may anak kayo?"
pagiiba niya ng usapan, hindi alam ni Aries na ang ama ni Arkie ay si Rikki na prinsepe ng norway, ang alam lang niya ay naghiwalay kami ng boyfriend ko at di nito alam na may anak kami.

"Bakit bigla mong natanong yan?"

"Wala lang"
silence...

"Kumplekado Ries eh, di ko masabi sayo ng buo"
binaling ko na lang ng tingin ko sa kalsada, Hindi kami huminto sa mcdo, mukhang ibang lugar kami pupunta.

"Mahal mo ba yun?"

"Sino? yung tatay ni Arkie?"
tumango ito ng sunod sunod, hindi siya nakatingin sa akin kasi busy siya kakadrive.

"Ewan? di ko masabi"
Pero ang totoo oo, hanggang ngayon mahal ko yung hayup na yun, pero mas minabuti kong sumagot ng ewan dahil alam ko may masasaktan ako, Hindi man sabihin ni Aries ng diretso alam ko ang feeling na nararamdaman niya, galing din ako sa estado niya, isang taong nagsisimula pa lang magkagusto.

"Ahh"
pabiro ko naman siyang hinampas.

"Bat ba ang dami mong tanong!"
ngumite na din siya at pinark ang sasakyan sa isang Hotel, dito ata kami kakain. Naku naman! mahal dito!

"Wala lang"

Lumabas na kami ng kotse at pumasok kami sa loob ng Hotel, buti na lang medyo formal ang suot ko para di naman masyadong nakakahiya.

"Nagpareserve ka dito?"
may reservation na kasi kami agad, mahal kaya ng reservation dito!

"Oo para di tayo mahassle na maghahanap ng upuan"

Hinawakan niya ang kamay ko ay pinaghila niya ako ng upuan. I said Thank you to him.

"Hindi ko alam ang pagkain dito, bakit parang ang hirap basahin ha?"
He just laugh on my silly act

Shape Of You (#PHTimes2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon