CHAPTER 29

3.1K 97 0
                                    


ITS been 2 weeks since di na dumadalaw si Aries sa bahay, alam ko nasaktan ko ang ego niya pero yung ang prinsipyo ko, hindi ko pweding ipasan sa kanya ang obligasyon na di naman talaga sa kanya.

"Anong balak mo?"
tanong sa akin Ni momshie. Nagpapabreast feed ako kay Arkie

"Anong balak ko? bakit ano ba momshie?"
umikot ang bilog niyang mata

"Haler, Si Professor Aries, haler! talaga bang ayaw mo?"

"Momshie bakit ba natin pinag-uusapan yan?"

"Bebe gurl, mahirap ang single parents, isa pa yung tao ang nag offer bakit di mo na lang pinayagan?"

"Momshie desisyon ko yun, kung di man niya kayang tanggapin ni Aries ang bagay na yun ay wala akong magagawa"

inakbayan ako ni Momshie at maluha luha niya akong tinitignan.

"You grown so well, napakamatured mo na"
natawa naman ako sa matured.

"Grabe ka naman momshie! para bang ngayon lang ako nagmatured ah"

"Hindi naman, nasabi ko lang bebe"

Tinitignan ko ang baby Arkie ko, nakadilat lang ang mata niya at parang nakikinig sa usapan namin habang ang maliliit niyang kamay ay hinihawakan ang dibdib ko.

"Gusto mo na matulog?"
babytalk ko kay Arkie.

"Ang cute cute niya noh? kamukhang kamukha sa ama...foreigner ang gwapo"
umiiling na nakangite ni momshie at tinitignan si Baby Arkie.

"Oo nga momshie, ang laki ng pagkakahawig nila"
ang lakas ng lahi! halos lahat na nakuha niya kay Rikki Pwera sa kulay ng mata..

***

7 MONTHS LATER...

Maaga ang pasok ko sa fast food dahil madami kaming BO(Big order), Kahit ayaw ko man pumasok ng maaga ay kailangan, ito ang trabaho ko at isa pa may anak na ako ayaw ko naman na lumaki siyang hirap kami kayat ngayon palang ay nagiipon na ako.

"Ma'am A yung order po ba sa delivery napadeliever na?"
hawak ko ang telepone..

"May nagdeliever na, paconfirm if nakarating naba sa customer?"

"Yes mam"
Nasstress ako dahil sa big order namin may idadagdag pa si customer edi mas mahirap?

"Ma'am ilang pcs po ang iaadditional nyo mam?"
kausap ko sa kabilang line ang customer namin, kaya madami BO ay dahil may orphan  feeding program daw.

"Another 2000 pcs ng burger"
nako po!

"Sige mam no problem, siguro po napapadeliver namin within 3 hours pa po"

"Ok no problem hintayin namin"

Pagkapatay ko sa tawag ay punta akong kitchen at sinabi ko sa team namin ang another bigorder. I encourage all of them to be productive at give them motivation, Alam ko pagod na sila but this is our duty..

"Kaya ba natin to team!!!"

"KAYANG KAYA!!"
At diretso na sila sa ginagawa nila.

Siguro isa ito sa mga nadevelop ko na skills, yung pagiging leader. Isang leader na marunong tumingin sa sides. Ayaw kong maging diktador at ayaw ko naman ng masyadong demokrasya ang tao dahil pweding aabuso, hanggat sa kaya ko ay balanse, mahigpit pero hindi abusado.

Nagulat ako ng may nagtap sa balikat ko.

"Mam A kain ka na mam, kaya na namin ng team to mam kanina pa po kayo dito pero di pa kayo nakain"

sa sobrang focus ko pati ang sarili ko ay nakalimutan ko ng alagaan. Ngayon ko lang naramdaman na gutom pala ako.

"Sige salamat"

Habang kumakain ako ay nakikipagvideo call ako kay Dudong, siya kasi nag-aalaga kay Arkie.

"Kamusta kayo dyan? Si Arkie?"

"Ate, tulog na siya"

"Sige na, kakain na ako kayo dyan kumain na din kayo"

"Si ate talaga, kami na bahala ditey ok?

Pinatay ko na ang video call at nagtuloy na ako sa pagkain. Di pa man matapos ang kinakain ko ay may crew na tumawag sa akin, kinabahan ako dahil baka complain or something.

"May naghahanp sa inyo sa labas mam"
nakangiti sa akin ang crew namin kayat ipinagtaka ko dahil kong complain seryoso sana ang expression niya.

"Bakit daw?"

"Asawa nyo po mam A"
dumilat talaga ang mata ko, asawa? kailan pa ako kinasal?

"Ano?"
nilabas ko kono ang taong asawa ko daw, kumabog ang dibdib ko si Rikki ba? siya ba?

Paglabas ko ay iba ang nakita ko, nagulat ako dahil di ko inaasahan na nandito siya, may bitbit siyang bouqet ng bulaklak.

"Aries? anong meron?"
sinalubong niya ako ng ngite.

"Break mo ba ngayon?"
kahit nalilito ay sinagot ko parin siya.

"Oo, bakit?"

"Anong oras labas mo dito sa store? hintayin kita"
lumapit na ako sa kanya tinignan siya.

"Bakit?"

"Date tayo"
nakangisi niyang sabi, nakakahawa ang ngite ng gagi kaya napangiti na din ako at malakas siyang hinampas.

"Ang dami mo talagang alam noh! sige mamaya na ok, two hours ka pa maghihintay"
nakita ko kong paano siya napa'yes'.

"Pasok na ako"
tumango siya at nakangiti padin, Mabuting tao si Aries, ayaw ko siyang paasahin pero pagbibigyan ko siya sa mga simpleng bagay na gusto niya, malaki na ang naitulong niya sa akin gusto ko masuklian ko yun kahit kaunti..

Friendly date lang naman diba? Hanggang ngayon kasi di pa ako ready pumasok sa relasyon at sana maintindihan nya yun.

***

Ganda ni Miranda Kerr, crush ko yun kasi noong nasa VS pa siya.

Salamat sa pagbabasa, comment o vote, salamat

Shape Of You (#PHTimes2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon